Chapter 03

100 7 0
                                    

SDA 03

Success! Nakatulog ako ng mahimbing. Hindi ko 'yon inexpect, ah. Nahirapan pa nga akong buksan ang mata ko sa sobrang dami ng muta. Naiiyak na nga ako nung tinatanggal ko ang muta, eh.

Naaalala ko pa din ang nangyari pero wala namang paraan para makasalubong ko ulit si Kile. Yay!

Ibig-sabihin din ay hindi kami masyadong nagkikita-kitang magkakaibigan. Wala akong magawa kaya sinubukan kong ayusin ang mga damit sa cabinet ko.

Ang gulo! Nagtanggal akong mga damit kong hindi ko na masyadong sinusuot o kaya mga damit na hindi ko na kasya. Ang hirap magtanggal ng damit! Feeling ko kasi pwede ko pa 'yon suotin kaya lang kailan naman?

Inayos ko na din ang pagkaka-arrange ng mga pang-alis kong damit. Pagkatapos kong ayusin, nakagroup na ang mga damit ko ng by color. Gano'n talaga hindi kaayos ang cabinet ko at ngayon ko lang naisipang ayusin 'yon.

Nang sigurado na akong tapos ko na ang gawain ko, tinawagan ko ang mga pisti kong kaibigan para makapag-video chat.

" 'Sup bitches," bati ko sa kanila.

"What's up madlang people!" sigaw naman ni Thia. Kawawa nga lang ako dahil naka-earphones ako. Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.

"Kayo 'no! May atraso pa kayo sa akin! Gigil na gigil ako sainyo," konti na lang ay mapisa ko na ang phone ko sa sobrang gigil.

Tumawa naman si Zarina. "Paano na muna ang gigil?" pang-iinis niya pa sa akin. Ang babaeng 'yon! Grr!

"Ano ba atraso namin sayo?" tanong ni Thia.

"Napahiya ako do'n sa kasama ko sa pila kahapon! Nakita niya mga pinagsasabi niyo sa chat," sabi ko.

Naguluhan naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Ano namang masama do'n?" tanong ulit ni Thia.

"Oo nga. Anong masama do'n sa mga sinabi namin?" sabi ni Rin.

Hindi ko alam kung nagkukunwarian lang silang dalawa o hindi talaga nila alam.

"Masyadong vulgar, duh! Ano ka ba Thia? At ikaw din Rin!"

"Masyado nga bang vulgar?" tanong ni Rin.

Umirap ako sakanila. "Fine! Hindi ganoon ka-vulgar pero vvvulgar pa din. " In-emphasize ko ang v para naman maramdaman nila ang inis ko.

"Mahalay ba?" pangenguwestyon ulit ni Rin sa akin.

"Oo naman!"

Tumaas ang kilay nilang dalawa. Nagsalita naman si Thia. "Mahalay ba talaga para sa isang katulad mo?"

Nagisip-isip ako.

"Fine! Hindi na, oh! Happy?"

"So, anong problema kung 'di naman vulgar?" sabi naman ni Thia.

Nang nakita nilang wala akong maisagot ay tinaas nila ang kanilang mga kamay at nag-apir sa camera.

Inirapan ko nalang silang dalawa. Mga babaeng 'to! Tatanda ako ng wala sa oras, eh.

Days, weeks, and months had passed after the Overtaking Lane incident. It's already the 2nd semester! ( insert the confetti and fireworks) I survived the 1st semester of Grade 11. Yay! Ang mga okasyon na 'to ang dapat ipinagdiriwang, eh.

Kinuha kong strand ang STEM at ako lang ang nahiwalay sa mga kaibigan ko. Pareho silang nag-ABM. Ayoko do'n. Feel ko boring. Feel ko din na mahirap, eh.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon