Chapter 16

44 1 0
                                    

SDA 16

Nagising nalang ako na hindi na gaanong masakit ang paa. Umupo ako sa hospital bed. Wala man itong kahirap-hirap. Sinubukan kong galawin ang paa kong binaril ng pisting iyon. May konting kirot pa  pero mas maayos na siya kaysa sa kanina.

Nakapatay ang mga nakakasilaw na ilaw sa kwarto. May mga nakasinding ilaw pero dim lights lang.

Pareho pa din ang suot ko. Buti nalang. Ayaw ko kasing hinahawakan ako ng ibang tao ng walang paalam. Nakataas ang sweat pants ko sa kanan kong paa, kung saan ako natamaan.

May ibang mga gising din. Mukhang kakagising lang din ng iba. Tulog pa din sina Kane at Fraust. Maging si Ivy ay tulog din.

Dahil wala akong magawa, tumayo ako at lumapit sa ibang mga manlalaro. Hindi ako lumapit sa mga nakaaway ko. Takot ko lang...

"Hi," bati ko sa isang lalaki.

"Hi," sabi niya. After that, there was this akward silence between us. Ugh! Nakatayo lang ako sa harap ng hospital bed niya habang siya ay nakayuko lang at parang wala man  pakialam sa akin.

Maya-maya ay nagsalita siya. "Alam mo, mas gusto ko na 'yung ganito."

"Huh? Bakit?" kuryoso kong tanong.

"May iimbestigahan lang daw tayo tapos may makukuha na tayong pera. Hindi na natin kailangang magaway-away pa," sabi niya.

"Ah," sabi ko at tumango. "Ayos lang sayo kung umupo ako?"

"Saan?" he asked and looked up.

"Sa tabi mo, duh," I said in a matter of fact tone. Sa tingin niya ba buong pag-uusap namin ay nakatayo lang ako?

"Oh, sorry," sabi niya at umusog para bigyan ako ng space. Umupo ako sa tabi niya.

"Your name," he said.

"Ha?" naguguluhan kong tanong. Anong problema niya sa pangalan ko? Inaano ko siya?

"Hindi ko pa alam pangalan mo," sabi niya.

"Ah, Lyn ang pangalan ko. Ikaw ba?"

"Raul," sabi niya.

"Sinong ka-team mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Tatlo lang kami sa team namin," sabi ni Raul. " 'Yung isa, si Laurence, kaagad natanggal kaya dalawa nalang kami natira."

"Sino si Laurence? 'Tsaka sino 'yung natirang kasama mo?"

"Ayun siya, oh," sabi niya at tinuro ang isang lalaking natutulog pa. "Ajax naman pangalan ng kasama kong natira." Tinuro niya din ang lalaking nangangalang Ajax.

"Ah, weh?"

Tumayo ako para tignan ang itsura ng mga kasama niya. Una kong nilapitan si Laurence. Isa nga siya sa mga nasa screen kanina. Pinuntahan ko naman si Ajax na natutulog pa din. Tagilid siyang nakahiga kaya pumunta pa ako sa kabilang side para makita ang mukha niya.

Siya ang kapatid ni Kile! Ajax pala ang pangalan niya.

Bumalik na naman ang napagusapan namin ng kapatid ni Kile. O gosh.

Lumapit ulit ako kay Raul. "Ka-team mo siya?" tanong ko at tinuro si Ajax.

"Oo nga. Bakit ang kulit mo?"

"Nakita ko na siya, eh," sabi ko. "Nakita namin siya ng mga ka-team ko sa maze. Nasaan ka non?"

"Ah, nakwento niya nga iyon. Nagkahiwalay kami kasi may nakasalubong din kaming ibang grupo. Himala nga na nagkita kami ulit, eh."

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon