Chapter 31

17 1 0
                                    

SDA 31

Nagsimulang manginig ang labi ko. Gusto kong magtanong kaya lang parang tinakasan ako ng boses ko. May namumuo na namang luha sa mga mata ko. Umiiling-iling ako habang nakatingin kay Kane. Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Hindi, Kane. My mother's not heartless."

"I'm sorry, Evelyn. Sana hindi talaga totoo pero Celia ang pangalan ng nanay mo, hindi ba?"

That hit me. But I still refused to believe. "Madaming taong may pangalang 'Celia', Kane."

"I know but her surname is Laxa," he said, more of a whisper.

Ayoko pa din paniwalaan ang mga sinasabi ni Kane. Hindi 'yon magagawa ng mama ko. Oo at strict siya pero hindi niya 'yon magagawa. Hindi niya magagawang magpadala ng mga tao para lang hanapin ang dahilan ng virus at hayaan silang mamatay. At may pakialam si mama sa akin!

"Kane," I called him as a thought entered to my mind, "ngayon pa lang nabuo ang CHESS."

"Sa pagkakaalam natin. Natatandaan mo pa ba 'yung sinabi ni Andronika? Under na sila sa CHESS dati pa. Matagal na," he said. I was starting to believe his words and I did not like it.

"Baka matagal na pala 'yung CHESS for a different cause pero iniba ang dahilan ng CHESS and ginawa itong public," he added.

The government has many secrets—too many. I just don't want to believe it.

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko. Kaya lang baka hindi na naman kami magkaintindihan ni Kane. Baka akala niya ay galit ako sa kanya.

Gusto ko lang na ako na muna mag-isa. I process information easier when I am alone. I don't know why. Maybe because I can think of things peacefully. Hindi ako naiimpluwensiyahan ng mga opinyon ng iba. Saka ko na lang sila tatanungin.

Napansin niya ata na gusto ko umalis kaya hinatid niya na lang ako sa kwarto ko.

Kinabukasan, may nabuo na akong desisyon. Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Kane. Alam ko namang magaling siya sa mga ganyan-ganyan but still...

Hindi ako pumuntang cafeteria para mag-breakfast. Mayroon akong mas importanteng gagawin. Pumasok na akong elevator at pinindot ang button papunta sa 26th floor.

I smiled nang tumaas ang elevator. Hindi naman pala kailangan ng i.d. para makapunta sa 26th floor.

Pawis ang aking palad dahil sa sobrang kaba. I exhaled loudly when the the elevator dinged.

Nang bumukas ang elevator ay may nakita na akong mga gwardya sa corridor. Ang dami nila.

My face turned sour. Ang dami-daming mga gwardya dito pero noong pumunta kami sa Pangasinan, kami-kami lang. Parang ang dali lang nila kaming i-discard.

"Ma'am, bawal kayo dito," sabi sa akin ng isang guard.

"Bakit bawal ako? Kailangan kong i-meet ang head," I said in a matter-of fact tone.

"Ma'am, bawal pa din po," sabi niya. "Sasabihan po kami ng head kung may pupunta ba." Pumunta na siya sa harap ko at sinenyas na pumasok na lang ako ulit sa elevator.

I stayed and shook my head.

"Sabi nila nanay ko daw ang head. Ang bilis kumalat ng tsismis na 'yon. Gusto ko lang malaman kung totoo," I said innocently.

Pinakatitigan ako ng gwardya at nanlaki ang mata niya. Natural lang ba na magulat siya? He immediately removed that reaction. I did not know if that was a good thing. Would he then allow me to enter the office of the head?

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon