SDA 12
Tumawa bigla ang lalaki. Ano namang nakakatawa?
"Ah, ikaw pala sinasabi niya," sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko. "So hindi ikaw si Kile? Pero... kilala mo ba siya? Kilala mo si Kile? Paano mo siya nakilala?"
Tumawa siya ulit. Anong nakakatawa? Naiinis na ako! Hindi ko makuha ang dahilan niya sa kung bakit siya tumatawa. Hindi ba halatang gustong-gusto ko ng malaman ang mga sagot sa tanong ko? May patawa-tawa pa siyang nalalaman.
Tinignan niya sina Fraust at Kane. Nakuha ko naman agad ang ipinaparating niya.
"Kane, Fraust, bitawan niyo na muna siya," sabi ko sa kanila. Mukhang aangal pa sila kaya nagsalita ako ulit.
"Huwag niyo na akong pilitin. Alam ko ang sinasabi ko. Just... just give us some space," I said. "Kaya ko ang sarili ko. I can make him unconscious if I want to. Just temporarily..."
Lumayo sila ng kaunti. Si Kane ay nasa may harap namin pero malayo-layo siya. Ganoon din si Fraust ngunit nasa likod naman namin siya.
Umupo siya at sumandal sa pader. Napaka-relax niya naman para sa isang taong pwedeng mabalian ng buto.
"So... hindi ikaw si Kile?" tanong ko sa lalaki.
Tumawa na naman siya at umiling.
Napabuntong-hininga ako. Right, Evelyn! How stupid of me to think that he is Kile. May hawig siya kay Kile pero— gosh, Evelyn!
"Kilala mo si Kile?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Kilalang-kilala ko siya," he said. "Ikaw ba si Eve?"
Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman pangalan ko? Nagulat man ako pero napanatili ko pa din ang itsura ko at ang aking composure.
"Ako ang magtatanong at ikaw ang sasagot," I said. "Hindi ang kabaliktaran, okay? Para maisagot ang iyong tanong, ako nga si Eve. Iyon na ang huli mong itatanong sa akin. Naiintindihan mo ba?"
Tumango lang siya.
"Ngayon, paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
" 'Di ba sinabi ko na? Kine-kwento ka niya sa akin."
"At bakit niya naman ako ikekwento sa iyo?"
Tumawa na naman siya. Ano ba?! Pang-ilang tawa niya na 'yan?
"Isang tawa mo pa diyan..." I let the threat hang. He'll understand.
Nagkibit siya ng balikat. "Okay, hindi na ako tatawa. Para maisagot ang tanong mo," panggagaya niya pa sa sinabi ko kanina. "Hindi ko din alam. Bigla ka niya nalang kinekwento sa akin palagi."
I don't know if I find it flattering that Kile talks about me a lot to a stranger or what.
"Nasaan si Kile ngayon?"
"Hindi niya ba sinabi sa iyo? 'Yung mama namin naospital tapos... tapos," he said. I can see the tears forming in his eyes and there was this thought in my head that wants to comfort him.
Tinuloy niya ang sinasabi niya. "Tapos ay sasali siya dapat sa PAWN. Wala naman kaming pera pambayad sa ospital kaya kailangan naming tumigil sa pagaaral. Noong hindi pa din sapat ang pera para sa ospital ni mama ay ayaw niya ng sumali sa PAWN."
Bumigat ang pakiramdam ko. Kile, anong ginawa mo? Paano 'yung mama mo, Kile? 'Yung mama niyo?
"Sabi niya may promise daw na mauuna si Eve. Kaya... ayan na," sabi niya. Tumutulo na ang kanyang luha. "Ako nalang ang sumali. Hindi kaya ng panganay, eh kaya ako nalang. Tutal ako naman ang susunod."
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...