Chapter 29

19 1 0
                                    

SDA 29

Bakit hindi ko 'yon naisip dati pa? I willed myself not to get too excited since I still have to check if I was right.

Pero saan naman ang 10 o'clock? Hindi ko pa din alam. Pumunta ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at tumayo lang doon.

Fraust, Ivy and Kane looked at me weirdly. Sila ang mga kasama ko at kitang-kitang naguguluhan na sila sa mga pinanggagawa ko. I shooed them away so they wouldn't bother me. I know that they would ask me questions when they see me acting this way kaya pinapapasok ko na sila sa kanilang mga kwarto. Sinunod naman nila ako at hinitay ko na muna na makapasok silang lahat.

Inalala ko ang araw na natanggap ko ang note. Nasa kwarto ko iyon kaya dito ko siguro titignan kung nasaan ang 10 o'clock ko.

So kung ang 12 o'clock ay nasa harap ko, ang 6 o'clock ay ang kwarto ko, ang 3 o'clock ay ang nasa kanan ko at ang 9 o'clock ay ang nasa kaliwa ko," sabi ko habang tinuturo ang mga kwarto na natatapatan ng mga sinabi kong oras, "then 10 o'clock is right..."

"...there." Nakaturo ang kamay ko sa isang kwarto.

Mabilis akong naglakad papunta sa kwartong iyon. Nang hindi ko na makayanan dahil 'di na ako makapaghintay ay tumakbo na ako kahit konti na lang ang pagitan namin ng kwartong 'yon.

I stopped dead in my tracks when I saw the name written on the door. I moved closer while trying to steady my breathing. I traced the letters of the name while processing what I saw.

"Fraust," I whispered, reading the name. Multiple scenarios started playing inside my head and I tried to push all of them to the back of my mind.

Bakit naman ilalagay ang 'beware' doon sa note na natanggap ko? Why Fraust? Bakit naman ako mag-iingat kay Fraust? O baka mali lang ang pagtingin ko sa lokasyon? Baka hindi naman pala lokasyon ang tinutukoy nito.

I want to strangle the person who gave me the note. Couldn't that person be nore specific? If I ever meet that person, I'll slap him/ her so hard that the person will get a bruise on his/ her cheek. Or should I just strangle that person? Which would be better?

I shook my head. Mayroon pang mas importanteng bagay na dapat kong iniisip. I reached for the doorknob but I hesitated. Anong sasabihin ko kapag pumasok ako?

Bubuksan ko pa ba? Habang iniisip ko kung papasok pa ako sa kwarto ni Fraust ay biglang bumukas ang pintuan.

I was too stunned to speak. After few seconds of just staring at each other's eyes, Fraust spoke.

"Anong ginagawa mo dito, Evelyn?"

"Ha? Ako? Ah, wala naman. Aalis na ako," I said and turned around to walk away.

"Evelyn," Fraust called, her voice dark and serious. I looked at her. When our eyes met, a shiver went down to my spine. I never saw her as a scary person.

"Bakit?" I tried to compose myself.

"Alam ko kung bakit ka andito. Pasok ka," she said as she opened the door widely.

Umupo siya sa kanyang kama habang nakatayo lang ako sa kanyang harapan. I was fidgeting my fingers and knots were starting to form inside my stomach.

"Ikaw ba? Ikaw ba Fraust?" tanong ko. It already crossed my mind that someone was betraying us. I just did not know who.

She nodded as a smile formed on her face. Pero nang tumingin ako sa kanyang mga mata, her eyes looked sad. O naiimagine ko lang 'yon?

"Bakit mo naman 'yon ginawa? Natuwa ka ba sa pagpapahamak sa amin? Natuwa ka ba sa pangloloko sa amin?"

"Oo, Evelyn, natuwa naman ako," sabi niya. "Alam kong madami kang mga tanong. Hindi ba gusto mo palagi ng sagot sa mga katanungan mo? Magtanong ka na at sasagutin ko."

She spread her arms as if she was waiting for a hug. "Halos lahat ng kasagutan sa mga tanong mo ay hawak-hawak ko. Madami akong nalalaman."

I stumbled backwards. My brain does not even want to process her words. Hindi matanggap ng utak ko at hindi ko din matanggap. Alam ko ang tinutukoy niya.

Parang kanina ang saya-saya lang namin kahit may krisis. Takbuhan namin ang isa't isa. Masyado siyang mabait. Masyado siyang positibo. Sa konting panahon ay andami na naming pinagsamahan. Wala ba iyon halaga sa kanya?

Kahit hindi kami ganoon katagal na nagsama, alam kong hindi niya iyon magagawa.

Kitang-kita na ba ang mga signs na niloloko niya lang kami? Hindi ko lang ba 'yon nakita? Was I too trusting?

"Tanong ka na. Time is precious and you, of all people should know that."

I gritted my teeth.

"Kung hindi ba ako sumali ng PAWN ay mangyayari pa din ito?" tanong ko sa kanya, tinutukoy ang virus at ang mga napahamak kong kasama.

She laughed but with no humor. "Mangyayari pa din, Evelyn. Kilala ng Nosoi kung sino tayo. Kilala na nila ang manlalaro nila bago pa tayo maglaro sa laro nila. 'Wag kang feeling na ikaw ang main player nila."

Tumango ako. I was just pretending that I was okay dahil ang mga naririnig ko ay nakakapanghina.

"Answer this with utmost honesty, okay? Pinilit ka lang ba nila na gawin ito? Pinilit ka lang ba nila na magreport sa kanila or kung ano ang pinapagawa nila sayo? May ba leverage sila sa iyo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya agad nakasagot. Maybe, just maybe, I hit a nerve. Sana pinilit lang siya kasi kung sumali siya voluntarily... Napapikit ako. O gosh.

Ironic, isn't it? We joined the PAWN and now, we became pawns. Hindi nila sinasabi pero alam naman ng lahat. Kailangan daw nila kaming isakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

And. That. Is. Bullshit!

"Isa iyan sa mga tanong na hindi ko masasagot. No personal questions."

"Bakit mo inaamin na ikaw ang butas sa team? Pwede mo naman i-deny, ah. Gusto mo kasing tulungan kita. Hindi ba? Hindi ba, Fraust?" pagdidiin ko pa. "Fraust sagutin mo naman ako! Hindi ba? Hindi ba?"

Imbes na sagutin niya ang mga tanong ko ay sinabi niyang "May tanong ka pa ba?"

I sighed and shook my head.

Nagtataka niya akong tinignan. Marahil nagtataka siya na iyon lang ang mga itatanong ko sa kanya ngunit hindi niya na ako kwinestyon pa at nagmadaling umalis sa sarili niyang kwarto.

I stared at the wall for so long. Noong nangalay ako, umupo ako sa sahig at umiyak, not minding my surroundings. Now I hate this company more. Pinapahirapan lang nila kami!

Kasalanan nila itong lahat. It's their fault!

Pero may magagawa pa ba ang pagsisisi? Kung iiyak lang ako dito at magdadrama, baka mamatay pa ang mga mahal ko sa buhay. Sobra naman ata ang sakripisyo na gagawin ko kung sakali. Hindi pa ba sapat ang paghihirap na naranasan ko?

Sina Kile, Andi, Thia, Rin, Anna, Finn, Carter, Kane, Ivy, Ajax at andami pang mga mahal ko sa buhay ang mamamatay kung wala akong gagawin. Kahit si Fraust.

Kung hindi sila mamamatay, mahihirapan naman sila na sa sobrang hirap ay mas gugustuhin nalang nilang mamatay.

Bakit ba kasi nakasalalay ang buhay nila sa akin?

Natanong ko na sa mga kaibigan ko kung bakit ako. Tinanong ko ito noong nasa mansion pa kami. Ah, and their explanation?

Dahil ako daw si Evelyn ay nasa akin ang responsibilidad. Because I was born this way and because I will do anything to save my friends.

At kung iisipin ko ito ngayon, totoo nga ito.

I am Evelyn Isolde and I will not let the people close to my heart be oppressed. And I will die if I must.

• •
Thanks for reading!!
Vote and comment :3

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon