Chapter 30

18 1 0
                                    

SDA 30

Nakatulala pa din ako nang may pumasok sa kwarto ni Fraust. Agad kong pinunasan ang aking luha. Ayokong makita niya akong iniyakan ko siya. Akala ko si Fraust ang bumalik ngunit nang tignan ko kung sino ang pumasok, I just smiled at him— which looked more like a grimace.

Sinuklian niya din ako ng ngiti at umupo sa tabi ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya.

"Hindi kaya," I said. It would have been more believable if I did not let out a stifle.

"Bakit?"

Umiling ako. "Bakit andito ka pala?"

"Pinuntahan ako ni Fraust. Pumunta daw ako sa kwarto niya at nung pumasok ako, ikaw nakita ko."

My ears perked up. Pinapunta siya ni Fraust dito? Para i-comfort ako? Or what?

He sighed.

"Evelyn, pwede ka naman magsabi sa akin. Basta andito lang ako. Alam mo 'yon? Hindi naman magbabago ang paningin ko sayo kahit ano pa sabihin mo."

When I did not say anything he continued, "Naranasan ko na kasing hindi magsabi ng problema kasi takot ako na baka layuan nila ako. Baka hindi sila maniwala sa akin. Wala akong takbuhan no'n kaya tina-try ko ung best ko na i-comfort ang ibang tao. Wala kasing nakagawa ng ganito sa'kin, eh."

If he was trying to comfort me, it was working. Pinunasan ko ulit ang aking pisngi bago magsalita.

"Kane," I looked at him, tears starting to form in my eyes, "kung sanang napansin ko na dati si Fraust, hindi na 'to mangyayari. Hindi masasaktan si Laurence. Hindi kayo masusugatan ng ganyan. Hindi kayo mapapagod dahil sa mga biyahe-biyahe natin. Kung napansin ko lang si Fraust. Kung sana napansin ko lang siya."

Paulit-ulit ko na lang itong sinasabi. He draped his arm around my shoulders. Pinatong niya pa ang ulo ko sa kanyang balikat at binigyan ako ng panyo.

"May panyo ako," tanggi ko sa kanya.

He let out a chuckle. "Kahit umiiyak ka na, ayaw mo pa din tanggapin 'to."

"Mayroon naman kasi talaga akong panyo," giit ko. Nagkibit-balikat siya at ngumiti.

Pagkatapos ng pag-iyak ko, bumalik na ako sa kwarto. Pinilit pa ako ni Kane na ihatid niya ako sa kwarto ko ngunit hindi na ako pumayag. Pagbalik ko sa kwarto, tumulo ulit ang mga luha ko.

Nabwibwisit ako! Hindi kay Fraust kundi sa sarili ko. Bakit ba iyak ako nang iyak? Bakit ko iniiyakan si Fraust? Bakit hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko?

• •

"Ayos ka na?" bulong ni Kane sa akin. Nasa cafeteria kami at kumakain ng dinner. Siya lang ang nakakaalam na umiyak ako. Well... si Fraust din ata.

Tumango lang ako sa kanya at sumenyas na tumahimik siya. Ayaw ko ng malaman pa ng iba.

Tumayo ako para itapon ang mga buto-buto na natira sa plato ko. Sumunod naman si Kane. Napapikit ako sa inis. Bakit ba ang kulit niya?

Pumunta siya sa harap ko para tumigil ako sa paglalakad. "Bakit ka ba umiyak?"

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "'Di mo alam?" Pinagtitripan ba ako nito? "Hindi ko ba nasabi sayo?"

Umiling siya. "Ang sabi mo lang kung sanang napansin mo si Fraust. Basta. Paulit-ulit mo lang 'yon sinasabi."

I didn't say a word.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon