SDA 04
Grade 12 na ako pero hindi pa din nagbabago si Thia. Sinusubukan niya pa din akong kumbinsihin na 'wag ng sumali sa PAWN kahit wala na talagang makakapagpabago ng isip ko.
"Rin, sabihin mo nga sa kanya kung gaano 'yun kadelikado," sabi ni Thia. "Nakakabwisit siya. Paano yung mga taong maiiwan niya? Sabihin mo nga sa kanya baka sakaling makinig sa'yo."
"Sa tingin mo makikinig 'yan? Hayaan mo na siya. Alam niya na mga ginagawa niya. Kapag may nangyaring masama, she will face the consequences. Responsable naman siya," sabi ni Rin sa kanya.
Thank you, Rin! May God bless you! Mwah!
Kung makapag-usap sila parang wala ako dito, ah.
"Kinukunsinti mo naman!" sabi ni Thia. Gosh! Parang siya na ang nanay ko.
"Kapag may gustong gawin o kaya may gustong malaman mahirap na 'yan pigilan," sabi ni Rin. Wow! Rhyming!
I butted in. "Oo nga, Thia. Hayaan mo na ako. Promise mananalo ako. At 'di naman ako mamamatay. Kung makapagsalita ka akala mo..."
Sinamaan ako ng tingin ni Thia. "Tahimik! Usapan 'to ng mga matatanda."
"Magkasing-edad lang tayo, ah."
"Hindi kaya. Mas matanda ako ng isang taon sa'yo," sabi ni Thia.
"Mas matanda ka lang sa akin ng apat na buwan. 'Di pa kasi ako nagbibirthday kaya ganyan."
"18 years old pa din ako at 17 ka palang," sabi ni Thia.
Tinuro ko si Rin. "Paano siya? 17 palang din naman siya."
"Mas matanda pa din siya sa'yo kahit isang buwan lang," sabi ni Thia.
"Wow!" mangha kong sabi.
Kakaiba sila! Hindi na ako umangal. Tinuloy na naman nila ang kanilang pag-uusap at hindi talaga nila ako hinayaang makasali sa usapan.
Isa lang 'yan sa mga pag-uusap namin ( nila lang pala).
Ngayong nag-18 na ako 'di ko pa din alam kung bakit gusto ko pang sumali sa PAWN. At first I thought it was a child's dream na kapag lumaki na ako, magbabago na din pangarap ko.
I guess some things just never change.
Kahit gusto ko namang baguhin ang pangarap ko, may parte pa din sa akin na ayaw bumitaw sa pangarap na 'yon. Hindi maatim ng sarili ko na bibitaw ako sa pangarap na pinanghawakan ko buong pagkabata ko.
I can't let go. I just can't.
Pero hindi na ako bata. Pwede na nga akong makulong at kung ano-ano pa.
Siguro gusto ko lang sumali dahil gusto kong may mapatunayan. Na may kaya ako. I've always been a disappointment to my family dahil nga gusto kong sumali sa PAWN. And there is a part of me that wants to prove na hindi isang malaking pagkakamali ang pinapangarap ko.
Naglalakad ako sa hallway nang may nakita akong kumakaway sa akin. Kumakaway si Rin sa akin at kasama niya si Thia na nag-aaral. May iba pa silang kasama pero hindi ko makita ng maayos kung sino. Nasa shed lang sila kaya pinuntahan ko na.
Nang malapit na ako sa kanila, nakilala ko na kung sino pa ang mga kasama nila. Si Kile and Company! Si Kile kasama nila! Si Kile!
Taas noo akong naglakad papunta sakanila. Tumatawa pa sila habang nakatingin sa akin. Ako ba pinagtatawanan nila? Ha? Ha?!
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...