Chapter 15

44 2 0
                                    

SDA 15

Si Ivy nga ang nasa picture! Hindi ako pwedeng magkamali. Ganito ang itsura niya.

Tinignan ko sina Kane at Fraust para magtanong ngunit nagtataka din sila. Maya-maya pa, nagsalita si Kane.

"Mga out na 'to sa PAWN," sabi niya. "'Yung mga tanggal na."

"Paano mo nalaman? Sure ka sa sinasabi mo?" sabi ko sa kanya.

He shrugged. "Nakalagay kaya dito."

May tinuro siya. Sa bandang ilalim ng screen ay nakasulat nga na out na sila sa game.

Lumingon ako para pagmasdan ulit ang kwarto. Napansin kong wala na ang foam kung saan kami nahulog ngunit andoon pa din ang aming mga backpack at pagkain.

"Huy! Wala na ang foam!" I shrieked.

"Oo nga, no?" sabi ni Kane.

Si Fraust naman ay lumapit sa kung saan kami nahulog. Tinapakan niya ang floor pero wala namang nangyari. Wala ang foam. Kulay puti pa din ang floor.

Kinuha ni Fraust ang aming backpack at hinagis ang sa amin. Sinalo ko ang hinagis niyang backpack.

"Pero may foam kanina, hindi ba?" tanong ko. Baka kasi ako lang ang nakaramdam ng foam.

"Meron nga," sabi ni Kane. "Pero paano nawala?"

I looked at Fraust but she looks as troubled as me and Kane. "I... don't know," she muttered. Bumuntong hininga siya.

"So anong ibig-sabihin nito? Out na ba tayo?" kinakabahan kong tanong.

Parang kanina lang ay determinadong-determinado akong manalo tapos ay malalaman ko lang na out na kami. Kakaiba talaga ang tadhana kung ganoon.

Bigla ko nalang narinig ang putok ng bala. At first I thought that it was just one of my teammates but when I looked at them they looked startled too. Nilibot ko ang paningin ko at parang may nakita akong paggalaw sa bandang kanan ko.

Lalapitan ko sana nang may narinig ulit akong putok ng baril. Buti nalang at maingay ito. Kung may silencer ang kalaban ay wala na kami.

"Takpan niyo ko," sigaw ko sa kanila.

Nagmamadali kong binuksan ang backpack ko at kinuha ang M14 7.62MM Enhanced Battle Rifle. Isa ito sa mga pinagpraktisan kong baril noong tinuturuan ako ni papa.

Madali lang dapat hanapin ang kalaban dahil puting-puti ang lugar na ito. Black ang suot nga mga manlalaro sa PAWN. Kung hindi ito manlalaro sa PAWN at nakaputi ito ay medyo mahihirapan kaming hanapin ang kalaban.

Tumahimik ang paligid kaya naglakad kami padahan-dahan. Ako ang nasa kaliwa. Si Kane ang nasa gitna at si Fraust ay nasa kanan.

May narinig akong ingay kaya tinapat ko ang baril ko doon. Napakalawak ng kwartong ito. Hindi ko pa nga nakikita ang pintuan nito para makalabas kami. O wala ba talaga itong pintuan?

May nakita naman akong taong biglang lumitaw na nanggaling sa gilid at nagpaputok siya ng baril. Nageecho ang tunog kaya mas maingay.

Nagsilitawan ang mga tao. Bad news: ang dami pala nila! Good news ay mukhang kaaway din nila ang isa't isa. Lumapit ako kina Kane at Fraust. Siguro lampas sampu ang andito. Oo at madami na iyon para sa akin dahil walo na ang nakita kong out sa PAWN. Ang daming mga sumali ngayon!

Ako ang pinupuntirya ng iba dahil siguro ay napansin nilang ako ang may sugat. Nakita ko din ang kapatid ni Kile na may hawak ng baril. Actually lahat ng tao dito ay may hawak ng baril. Iba't ibang klase pa ang mga ito.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon