Chapter 26

29 2 0
                                    

SDA 26

Bumalik kami sa mansion. Sinalubong nila kami at binigyan ng kung ano-ano. Binigyan nila ako ng pamunas pero bago iyon ay inisprayan pa kami at pinapasok sa isang parang telephone booth. Hindi ko alam para saan iyon kaya nagtanong ako. Sabi ng pinagtanungan ko ay para sigaruduhing wala kaming nakuhang virus noong lumabas kami.

Nagtanong si Ivy sa akin kung anong nangyari.

"Wala naman," sagot ko sa tanong niya.

Sumimangot siya. "Anong itsura ng Homer na 'yon?"

" 'Di ba nakita mo na siya sa picture?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko pero malay mo hindi niya kamukha 'yung sa picture. Malay mo mas bata pala siyang tignan in person."

I shrugged. "Hindi ko alam, Ivy. Hindi namin siya nakita. Bawal daw. Ayaw naman namin gumawa ng eksena doon."

Umupo ako sa sofa at pinikit ang mata. Akala ko aalis na si Ivy dahil pinikit ko na ang mata ko pero hindi pala. Naramdaman kong bumaba ang kutson ng sofa.

"Ahh," she said while nodding. "Bakit ikaw?"

"Anong ako?" Binuksan ko ang mga mata ko at tinaas ang isang kilay dahil sa tanong niya. Naka-indian sit siya sa sofa at nakaharap sa akin.

"Bakit ikaw ay nakagawa ng eksena sa headquarters natin?" bwisit niya sa akin.

"Ay, gano'n ba?" pikon kong sabi. Akala ko nakalimutan na nila 'yon.

Nakangiti siyang tumatango at nilabas ang phone niya galing sa bulsa ng pants niya. Winawagayway niya pa sa akin ang phone niya.

"Sige ka," banta ko, "kapag ako nakakita ng eskandalo mo, ano man 'yon, ang mga kasama natin ang unang makakaalam."

Nagbibiro lang naman ako at mukhang hindi siya nagpapadala sa biro ko.

"Deal!" sabi niya pa sa akin. "Try mo lang. Baka may mahanap ka."

Kinabukasan ay nagmeeting sina Andronika at ang kanyang mga... alalay. Sabi niya ay feel free to explore while we are having our meeting. Hindi ko alam kung sarkastiko ang pagkakasabi niya. Sinabi ko naman iyon sa mga kasama ko at go na go sila.

"Doon ako sa kitchen," sabi ni Ivy at tinaas pa ang kamay niya.

Gio scoffed. "E di pumunta ka na doon. Walang nagtatanong."

"Sinabi ko lang naman baka may gustong sumama sa akin," Ivy said.

"Ayaw naming kasama ka," bwisit ko sa kanya.

Ivy scoffed loudly, imitating Gio. "Ako? Ayaw niyo akong kasama? I'm hurt, very hurt."

Napagisipan kong ang mga kwarto nalang ang titignan ko. Boring kasi sa kwarto ko.

Umakyat ako at kumanan. Hindi ko na binuksan ang unang pintuang nadatnan ko dahil nakita ko na ang loob nito. Binuksan ko ang susunod na pintuan. Katulad lang ito ng kwarto ko. Wala din bintana at pareho lang ang mga gamit. May mga gamit na magkaiba ang kulay ngunit doon na natatapo ang kaibahan ng kwarto na 'to at ang kwarto ko.

Binuksan ko ang mga natitirang pintuan at halos pare-pareho lang ang mga 'to. May dalawa akong nakitang bathroom at dalawang comfort room. Magkahiwalay pa talaga.

Paano kaya kung nawawala ang susi ng sasakyan? Nakalimutan nila kung saan nilagay. Hahanapin ba nila 'yon sa bawat sulok ng malaking bahay na 'to? So troublesome!

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon