Chapter 11

57 3 0
                                    

SDA 11

Naglakad-lakad pa kami. Hindi namin alam kung ilang oras na ang nakalipas simula noong iniwan namin si Ivy sa pyramid.

I still feel sad. Kahit hindi ko man siya nakasama ng matagal ay nalulungkot pa din ako. Thinking about it was depressing. What a cruel fate!

Ang sakit na ng paa ko. Kahit ganoon, patuloy pa din kaming naglalakad. Hindi man lang nga namin alam kung ano ang pupuntahan namin.

Madilim palagi. Walang ilaw. May mga parte pa ng maze na matataas ang damo.

Ilang beses na kaming nakadating sa isang dead end. Dagdag pagod dahil ang lalayo ng mga turns sa maze.

Tapos andito pa ang katahimikan. Wala akong naririnig na ibang tao o mga hayop. Kahit ang mga insekto, hindi ko man lang marinig ang kanilang ingay. Ang naririnig ko lang ay ang paghinga namin at ang pagtapak ng aming mga sapatos sa lupa.

"Stop!" sigaw ni Fraust at tinaas pa ang isang kamay.

Kaagad naman akong tumigil sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa ni Kane. Nakiramdam ako sa paligid, tinitignan kung may iba pa bang presenya.

"Pahinga na muna tayo," Fraust said.

I scoffed. "Akala ko pa naman kung ano. Sige, pahinga na muna tayo."

Mukhang aangal pa si Kane pero pinanlakihan ko siya ng mata meaning 'Kapag umangal ka ibabalibag kita.'

He raised both of his arms as if he was surrendering. "Sasabihin ko lang sana na huwag sana dito. We're so out in the open. Kaagad tayong makikita."

"Pagod na kami," Fraust whined. "Hindi ko kayang umalis dito na hindi nagpapahinga."

Kane exhaled loudly. "Mga babae talaga ang hina ng stamina..."

"Excuse me?" Narinig ko 'yon! Akala niya ata...

Umiling siya. "Wala."

Pasalamat siya at pagod talaga ako. Binuksan ko ang backpack ko at kumuha ng tubig. Uminom ako at pagkatapos, sumandal sa pader ng corridor ng maze. Noong medyo nangalay ako sa tayo ko ay umupo na akoz

"Sige, ako na muna magbabantay para walang nagrereklamo. Magpahinga ka na din, Kane. Pagod ka din," sabi ko.

Tumango lang siya. Hindi na siya umangal pa at umupo sa tabi ko.

"Fraust, baka gusto mong lumapit," sabi ko sa kanya. Nakaupo kasi siya sa kabilang pader at malayo-layo din iyon. Siguro mga pitong metro ang layo.

Lumapit si Fraust sa amin at umupo sa tabi ko. Bali ako ang nasa pagitan nilang dalawa.

Halatang pagod kaming tatlo. Sa damit palang namin ay kitang-kita na ang pawis namin. Tumutulo ang pawis sa mukha ko at pinupunasan ko lang iyon gamit ang kamay ko. Nakakainis pa na nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis sa likod ko. Grr.

Nakatulog silang dalawa. Habang natutulog sila ay pinipilit ko naman ang sarili kong 'wag makatulog dahil kung mangyayari iyon ay patay na. Wala na, finish na.

Pinagmasdan ko nalang ang paligid ko. May nakikita pa naman ako kahit kaunti.  Siguro kung andiyan ang araw ay maganda ang lugar na ito. The trees are swaying not that quietly. The leaves are rustling because of the gentle breeze.

This surrounding wherein I can sleep and rest peacefully, where everything is safe and sound. Sana maranasan ko din makapagpahinga sa paligid na ganito.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon