SDA 22
"Bakit ka ba kasi biglang nagwawala?" sabi ni Kile sa akin. Nasa cafeteria na kami. Magkatapat kami. Nasa tabi ko si Carter habang nasa tabi niya naman si Finn.
"Ako? Nagwala ba ako?" sabi ko at pumikit-pikit pa. "Hindi naman ata. Akala mo lang 'yon.
Tumawa naman sina Carter at Finn. Sinamaan ko sila ng tingin. Kayo ang may kasalanan dito! Nakatingin lang si Kile sa akin.
"Fine!" I exclaimed. "Sina Carter kasi," sisi ko sa kanila.
Tinuro pa ni Carter ang sarili niya. Maging si Finn ay ganoon ang ginawa. "Ako? Kami? Ano namang ginawa namin?" tanong ni Carter.
"Tinanong ko kung nasaan si Kile tapos ang sabi mo ay kung nabalitaan ko na ba ang mga namatay na doctor."Carter scoffed. "Hindi ko kasi narinig ang tinanong mo. Kung itatanong ko kung ano ang sinabi mo ay sasabihin mo lang na wala iyon kaya pinabayaan ko nalang."
"Dapat tinanong mo pa din!" sabi ko.
"Bakit ba kasi 'yon yung sinabi mo, Carter?" tanong ni Kile. Nagtaas ako ng kilay kay Carter. May kakampi ako!
"Wala na akong maikwento, eh."
Kinurot ko siya sa kamay niya. Sumigaw siya dahil sa sakit. Nginitian ko lang siya na parang wala akong ginawa.
Nag-eskandalo ako para sa wala! Pero mas okay na iyon dahil wala akong kakilalang namatay. Nasira naman ang dignidad ko!
Biglang tumunog ang phone ko. Hindi ko kilala ang number na tumatawag sa akin kaya nagdalawang-isip na muna ako bago ko ito sagutin. Tumayo ako at lumayo sa lamesa namin para magkaroon ako ng privacy.
"Hello?" sabi nang nagsasalita sa kabilang linya. Sa simpleng salita na sinabi niya, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'to.
I sighed. "Bakit ka napatawag?"
"Time na. Ang tagal-tagal mo! Ikaw nalang hinihintay. Ano ba ang ginawa mo?"
"Huwag atat, Kane. Papunta na nga ako diyan, eh. Hindi mo na kailangan pang tumawag," pagsisinungaling ko. In-end ko na ang call at nagmamadaling lumapit sa lamesa nina Kile.
"Uy, sorry, ah. Tumawag 'yung kasama ko at sinabi niyang kailangan na naming umalis. See you nalang!" paalam ko. Kinuha ko na ang bag ko at kumaway sa kanila.
"See you!" sigaw ni Carter.
Mabilis akong naglalakad dahil nakakahiya na sa mga kasama ko. Mga ilang sandali pa ay tumakbo na ako. Baka matagal na nga silang naghihintay. Hingal na hingal ako pagkalabas ng building. Agad ko namang nakita ang coaster. Nakabukas ang sliding nitong pintuan kaya kita ko na may mga tao na sa loob. Si Kane ang malapit sa pintuan at mayabang itong nakaupo. Nakaharap siya sa akin at mayabang din nakangiti.
Tumigil ako sa harap ni Kane para magpahinga. Mas lumaki ang ngiti niya nang nakita niya akong hinihingal.
"Usog!" sabi ko sa kanya para makaupo na ako kaagad.
"Ayoko nga! Masikip na dito. Sa likod ka nalang. May pwesto pa doon," sabi niya sa akin at tinuro ang pinakalikod ng coaster.
Inis ko siyang tinignan at dumiretso na sa tinuro niyang bakanteng pwesto.
"Bakit hindi pa tayo umaalis?" tanong ko sa kanila. Ang alam ko kasi ako nalang ang hinihintay. May sira ba sa sasakyan namin?
Malakas na tumawa si Kane. "Sorry, Evelyn. May hinihintay pa tayong isa. Siya na 'yung katabi mo."
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...