Chapter 08

67 2 0
                                    

SDA 08

Simula noon, hindi na nga kami nagkita pa ni Kile. Ano ba kasing ginagawa niya? Sobrang importante ba talaga?

Paano kung ayaw niya lang kami makita?

"Gosh, Lyn! Huwag mo nga siyang pagisipan ng masama. Hindi ganyan ang itinuturo sa iyo," I said, scolding myself.

"Uy, Lyn, okay ka lang?" tanong ni Anna.

"Oo naman. Bakit hindi?" sabi ko. "Kung tungkol sa pagusap ko sa sarili ko, huwag kang mag-alala dahil dati ko pa 'yun ginagawa."

"Ha? Hindi iyon ang sinasabi ko. Alam mo na... 'yung kay Kile," sabi niya.

Nag-iba ang timpla ng mukha ko. Kahit kanina ko pa siya iniisip, iba pa din kapag sinabi na ng ibang tao.

"Miss mo?" tanong ko sa kanya.

"Anong ako? Ikaw ang may miss doon!"

"Shh!" bawal sa kanya ng isang estudyante.

Nasa library kasi kami ngayon. Hindi man alam ni Anna, nakatayo ako sa pwesto kung saan kami huling 'tumambay' ni Kile sa library.

"Ah, ako ba?" sabi ko.

Kahit nagbibiro ako, mahirap pa din sa aking tanggapin ang nangyari. Bakit ba kasing kailangan niyang umalis?

Pagkatapos ng ilang araw, pumupunta pa din akong library tuwing tapos na ang klase ngunit hindi na sa parehong dahilan. Pumupunta ako sa silid-aklatan dahil nag-aaral ako para sa PAWN.

Bago ka kasi makasali sa PAWN, kailangan mo na munang magtake ng test. Kung nakapasa ka sa standards nila, pasok ka na sa PAWN. At doon palang magsisimula ang paghihirap mo.

Matataas naman ang mga grade ko since highschool ngunit hindi pa din ako nagpapakampante. Nagbabasa ako ngayon ng libro tungkol sa general information. Pagkatapos noon, nagbasa ako ng kaunting geography at history.

Ang hirap! Tumigil lang ako sa pagbabasa nang sumakit na ang mata ko.

Habang naglalakad ako pauwi, naalala ko na naman ang paguusap namin ni Kile.

Wala ng manlilibre sa akin. Wala ng maghahatid sa akin pauwi. Wala na akong kaibigang may pangalang 'Kile'. Wala ng Kile.

Pero sinabi niyang magkikita pa kami. Iyon ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Pagkauwi ko sa bahay, nagulat ako sa nakita kong tao. Hindi ko aakalaing andito siya. Gusto ko ulit maiyak.

"Tay..."

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Buti at nandito ka ngayon, tay," sabi ko.

Tumawa siya ng kaunti. "Makikipaglaban na ang anak ko tapos hindi pa ako uuwi? Hindi naman ako ganoong tao."

Inalis ko na ang yakap ko sakanya. "Andito ka ba para pigilan ako?"

Tumawa na naman siya. Sana ganoon din ako kadaling matawa.

"Hindi," sagot niya. "Andito nga ako para tulungan ka, eh."

"Talaga, tay?" I said with wide eyes.

"Hindi naman kasi kita mapipigilan kaya mas mabuting turuan nalang kita para mas malaki ang tyansa mong manalo."

Dati, ayaw din ni papa na sumali ako sa PAWN pero ngayon tuturuan niya na daw ako! Niyakap ko siya ulit dahil sobrang saya ko. Ngayon palang ulit ako nakangiti ng totoong ngiti.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon