Chapter 05

85 3 0
                                    

SDA 05

Simula nang pinagbantaan kong ibigay nalang sa mga kaibigan niya ang mga binili kong pagkain, hindi na siya nag-alangang kainin ang mga libre ko. Binibilhan ko siya ng lunch paminsan-minsan as a thank you sa mga ginawa niya sa akin, sa mga paghatid niya at sa mga libre niya.

Naglalakad kami ngayon sa courtyard papunta sa shed. Naging tambayan na namin ang shed. Hindi naman kaming dalawa lang palagi. Our friends would see us together and they would always tag along. Okay na din iyon kasi mas masaya kapag kasama sila. Okay lang.

Naglilibre si Anna ngayon dahil birthday niya. Andaming pagkain! Dahil kay Kile, nauso ang libre sa aming magkakaibigan. Noong nalaman ng mga kaibigan ko na nililibre ko si Kile, nagprotesta sila na kung bakit hindi ko sila nililibre. At dahil kasama ko na lagi si Kile, kasama ko na din lagi ang mga boy best friends niya, si Finn at si Carter. Carter pala ang pangalan ng isa.

Nakadating na kami sa shed at hinanda na ang pagkain. Pinagkanta naming happy birthday si Anna at hawak-hawak ni Rin ang cake.

"Blow the cake. Blow the cake," sabi ni Finn.

Binatukan siya ni Carter. "Tangek! Blow the candle 'yon."

Natawa kaming lahat. Hindi ko man nga lang napansin na mali pala si Finn. Kung sinabi ko din 'yon, napahiya din ako.

Pagkatapos, nagusap-usap kami tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Isang beses nga, pinag-usapan namin kung bakit kami napunta sa topic ng pangalan ng mga bata dahil ang una naming naging topic ay ang mga lessons namin sa school. Sobrang tagal naming inisip kung ano-ano ang mga naging topic.

Tulad non, hindi ko din alam kung paano napunta ang usapan namin sa PAWN. Sa dinami-dami ng mga topic, bakit ang PAWN pa?

"Hindi ba kapag nanalo ka sa PAWN may trabaho ka na?" tanong ni Carter.

Tumango si Thia. "Yeah. May award pa nga na pera sa winner."

"Gustong sumali ni Kile doon, eh," sabi ni Carter.

"Oo nga, bro. 'Di ba gusto mong sumali doon?" tanong ni Finn kay Kile.

"Kailangan ko agad ng trabaho. Mas lalong kailangan ko kaagad ng pera. Kailangan talaga."

"Oh? Gusto din sumali ni Lyn sa PAWN," sabi ni Rin.

"Gusto mong sumali doon? Bakit naman? Sira ka ba? Babae ka pa naman," sabi ni Anna na nanlalaki ang mata.

"Sira nga siya. Hindi ko alam bakit gusto niya pang sumali. She has all the money that she needs," Thia said. Kahit kailan talaga...

"So kailan mo balak sumali sa PAWN, Lyn?" tanong ni Finn.

"Kung pwede na next year, why not? Bakit mo naitanong?" sabi ko.

Finn clicked his tongue and looked at Carter and Kile. Nagsuklian din sila ng mga tingin.

"Bakit may problema ba?" tanong ko.

"Meron. Malaking-malaki," sabi ni Carter.

Nasamid tuloy si Kile kaya bingyan ko kaagad ng inumin. Wala kaming tubig kaya buko juice ang binigay ko. Masamang tinignan ni Kile si Carter at siniko. Nagtataka kong tinignan si Kile.

"Wala iyon. Kung ano-ano lang pinagsasabi ni Carter," sabi niya.

"Anong ano-ano? Nasabi ko ba na ASAP din ang pagsali ni Kile sa PAWN?" sabi ni Carter.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon