Chapter 37

10 1 0
                                    

"Kailangan?" tanong ko. "Bakit?" Tumingin ako kina Kane dahil baka may alam sila ngunit nagkibit-balikat lang sila.

"Kuya naman, Evelyn is tired," Ajax said. "Let her rest. Maraming nangyari ngayon."

"Ha? Hindi, okay lang ako, Ajax. Baka pwede naman palang ayusin na ngayon. Sa susunod na lang ako magpapahinga."

Pilit na ngumiti si Kile. Lumabas siya ng kwarto ni Kane at sumunod ako sa kanya.

Nagsalita si Kile haubang papunta kami sa... pupuntahan namin?

"Sorry talaga, Evelyn. Kapag kasi wala ka, mawawala na rin 'yung CHESS. Masisira na ang CHESS. Nag-aaway-away na kasi 'yung mga leaders sa CHESS dahil... uhhh... wala na 'yung pinaka-leader nila."

"Ayos lang," sabi ko. "Kinukumusta pala kayo nina Rin."

"Talaga?" sabi niya. Tumango na lang ako.

"Ikaw, Evelyn, ayos ka lang?"

Pumikit ako ng mariin. When I opened my eyes, I forced a smile. "Oo nga, Kile. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Sa dinami-dami ng nangyayari... uhh... alam mo na..."

I looked down and then looked at Kile when he suddenly stopped.

"Andito na tayo?"

Umiling siya. "Wala pa."

"Ah... O, bakit ka tumigil?"

"Basta, Evelyn, kapag kailangan mo ng... kahit ano, nandito lang ako. Promise. 'Wag mong kikimkimin 'yung mga nararamdaman mo. Ginawa ko na 'yan at sobrang hirap. Sobra."

Ngumiti ako sa kanya. "Syempre naman, Kile. Ikaw una kong sasabihan kapag may problema ako."

Napawi ang nigit niya. "Evelyn naman. Wala ka bang problema ngayon? You should at least talk to someone. Kahit hindi sa akin. Kahit kay Ajax lang."

"Oo na, oo na," I said so he would stop. Pag-iisipan ko naman 'yung sinabi niya. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil kami sa harap ng isang hospital room. Nang buksan ni Kile ang pintuan, tumingin ang lahat sa amin.

"Andito na pala kayo, Miss Laxa," sabi ng isa. Matangkad siya at may itsura pero halatang mas matanda siya a amin ni Kile. Maybe he was in his mid 30s. Nakita ko si James at nginitian niya lang ako.

"Bakit niyo ako pinatawag?" taas noo kong tanong.

"We need a leader now. And looking at you, I think they're right," sabi ng isa pang matandang lalaki. Hindi ko sila kilala. Ngayon ko pa lang sila nakita.

"A leader of what? What will I lead?"

Ngumiti ang matandang lalaki. "Ang CHESS, hija."

"I know nothing about the CHESS. And why do you want a leader now? Can't you wait for... uhm... your previous leader to be... buried?"

"Your mother wanted this to happen," sagot ng isa. Tumingin ako sa nagsalita at parang doktor siya dahil sa suot niya ngayon.

"Anong gusto niyang mangyari? Elaborate, please."

"Na kapag nawala na siya sa mundo, kukuha agad ng bagong leader. She did not specify who so now we're having a problem."

"Gano'n na lang ba kadali para sa inyo na palitan siya?"

Pumikit nang mariin ang lalaking tumawag sa akin ng "Miss Laxa". "We are honoring your mother by fulfilling her wish. I don't even think you are fit for this position but since you are her daughter, I think it's just right."

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon