SDA 32
Kasama ko si Kane ngayon. Kaming dalawa lang ang umalis. Si Ivy kasi ay kasama si Frasut. Siya ang dumadalo kay Fraust at si Kane naman sa akin. Sa tingin ko nga ay pinag-usapan nilang dalawa ito.
Tahimik lang akong nagbabasa habang nag-dadrive si Kane. Nasanay na kasi akong nagbabasa habang umaandar ang sasakyan. I was reading 'We Need New Names' by NoViolet Bulawayo.
"Isolde," tawag sa akin ni Kane.
Napatingin ako kaagad sa kanya. Wala naman kasing tumatawag sa akin ng Isolde. Tinatawag lang nila akong 'Isolde' kapag hindi ako nakikinig. Tama pa ang pronunciation ng pangalan ko. Kapag kasi nakita nila ang pangalan ko, Ee-sold daw. Nakakainis kaya kapag gano'n.
"Pa'no mo nalaman 'yung second name ko?" tanong ko.
He flashed a smile at nag-'pogi' sign pa. "Magaling ako."
I rolled my eyes and continued reading the book.
"Gano'n ba ako ka-boring kasama?" tanong niya.
"Ha? Bakit mo naman natanong?"
Sumimangot siya at tumingin sa akin. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ang saya ko kaya kasama."
"Nagtanong ka pa. Ikaw lang pala sasagot sa tanong mo."
"'Di mo sinagot, eh."
"So vain," I whispered. Pero sinadya kong iparinig sa kanya.
Sinarado ko na ang book at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ang konti lang ng mga sasakyan. Ang konti lang nga mga taong lumalabas. Everyone was afraid. They are starting to live their lives in fear. I... don't want that.
"Sa tingin mo," I looked at Kane, "kailan magiging maayos ang lahat? 'Yung wala ng problema."
"Parang imposible naman 'yan. Laging magkakaproblema ang bansa natin."
"Ang nega mo naman. Kaya hindi ka masaya kasama, eh," tukso ko pa sa kanya.
"Gusto mo tumawa ako habang nagsasalita? Parang ganito ba? Ang saya-saya ko kasi laging may problema ang bansa natin," he said while laughing hysterically.
Pinalo ko siya sa kanyang throat at napatigil siya sa kanyang ginagawa. Kahit papaano ay napapatawa niya pa din ako. Kahit ang hirap ngumiti. Parang natural lang na mapapangiti ka.
"Sige, maging nega ka na lang," sabi ko. Kapag kasama mo si Kane, imposibleng hindi ka ngumiti.
~
"Andito na tayo," Kane announced.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba sa sasakyan. Nauna ako kay Kane na maglakad. Nakita ko ang building. Papasok na sana ako nang nakita na nakasara pala ito. Tumalikod na ako at babalik na sana sa sasakyan kaya lang nagkatama pa kami ni Kane sa may braso. Pareho kasi kaming mabilis ang lakad.
"Oww!" sigaw niya at hinawakan pa ang braso niya.
I smiled awkwardly. "Sorry."
"Blow mo nga para mawala sakit," sabi niya. Linapit niya pa sa'kin ang kanyang braso. Sinuntok ko iyon. Napangiwi ako. Ako pa ata ang nasaktan.
"Blow ka diyan! May bayad 'yon!"
"May bayad pa 'yon? Big-time ka na talaga, idol!"
"Idol na idol mo talaga ako," I said and smirked. Sinubukan ko siyang akbayan. Naabot ko naman kaya lang ay hirap na hirap kaming dalawa. Nakatingkayad ako habang siya naman ay napayuko. Nakaalis siya sa akbay ko at ako naman ang inakbayan niya.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Подростковая литератураEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...