SDA 07
Magkakasama na naman kaming pito. Puro nalang libot ang inatupag namin.
Kahit nagsasaya kami, bakit feeling ko lumilibot lang kami dahil sa akin?
Parang last moments with them kahit hindi naman ako mamamatay. Nakakalungkot kung iisipin pero paano nga ba kung nasaktan ako sa PAWN? Ang worst case scenario ay malulumpo na ako o may matatamo akong kahit anong malubhang injury. Wala namang namamatay sa PAWN because the government makes sure of it. Wala pa...
Kung ano-ano na kinakain namin. Food trip halos at walang mga road trip dahil kahit marunong ng magdrive si Finn ay ayaw naming sumakay sa sasakyan na minamaneho niya kung malayo ang pupuntahan. Makikisakay lang kami sakanya tuwing pupunta sa mall or magda-drive thru.
"Kile!" tawag sa kanya ni Thia. "Umayos ka nga. Pati ikaw, Carter!"
Pinipicturan kasi ni Thia ang pagkain at ang gulo-gulo ni Kile. Nakikita kasi ang ulo niya o ang kamay niya sa picture.
"Paano kami hindi gagalaw, ha? Kanina ka pa nagpipicture diyan. Hindi na kami makakain," sabi ni Carter.
"Kanina pa tayo kumakain. Parang hindi ka kumain kanina, ah. Kung makapagreklamo ka diyan..." sabi sakanya ni Thia.
"Kanina pa iyon! Iba ang kanina sa ngayon," sabi ni Carter.
Inikutan lang siya ng mata ni Thia.
"Tama na kasi pagpicture, Thia. Lahat kami dito bwisit na," sabi ko.
"Gutom na din," dagdag ni Rin.
"Okay," Thia said while nodding her head. "Pero last na talaga 'tong selfie na 'to."
We all groaned. Masakit na panga namin dahil nga kanina pa nagseselfie si Thia. Group selfie pa. Nandamay pa!
"Smile kayo! Smile!" sabi niya.
Sumunod kami kahit nabwibwisit na kami. Pinanghawakan namin ang sinabi niya na last na talaga itong picture na ito. Sana lang.
Habang kumakain kami, may biglang nagring na phone.
"Kanino 'yon?" tanong ni Anna.
"Hindi 'yon sa akin," sabi ni Finn.
"Hindi din iyon sa akin," sabi ni Kile.
Tinignan ko ang phone ko at hindi naman sa akin ang nag-riring.
"Kanino kasi 'yon? Sagutin mo na ang tawag," sabi ni Rin. Ang lakas kasi ng volume ng ringtone.
Umiiling kaming lahat at sinasabing hindi sa amin ang phone na nagriring nang nagsalita si Kile. "Sa akin pala 'yon."
"Tapos sasabihin mong hindi sa iyo ang phone. Iba ka talaga, bro!" sabi ni Carter.
"Iba talaga!" sabi naman ni Finn. Echo naman nito.
Sinagot ni Kile ang tawag. Tumayo siya at lumayo sa table namin. Pinagpatuloy naman namin ang pagkain.
Habang kumakain kami, bumalik na si Kile at mukhang nagmamadali.
"Aalis na ako, bros. And sis. Sorry!" mabilis niyang sabi. Kinuha niya ang bag niya at diretsong lumabas na ng restaurant bago pa kami makapagsalita at makapagpaalam sa kanya.
"So... umalis na nga siya?" sabi ni Finn.
Maya-maya, nalaman kong ako pala ang tinatanong niya.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...