SDA 25Binalik ako sa kwarto kung saan ako gumising kanina. Ang gusto ko sana ay may kasama pa ako pero ang sabi nila ay sumunod nalang ako sa kanila kahit ako pa daw ang lider. Tch! Akala ko pa naman may perks ang pagiging leader.
Umupo ako sa kama at dinama ang malambot na kama. Humiga ako para matulog kaya lang ay hindi ko magawang matulog. Madami akong iniisip. Napakadaming problema.
Dahil doon ay umalis ako sa kama at pinakialaman ang mga gamit dito. May study table na malapit sa kama. Umupo ako sa kapartner nitong upuan at binuksan ang drawer ng lamesa. Wala kasing masyadong nakalagay sa ibabaw ng study table. Wala man lang laman ang drawer noong binuksan ko ito. *Gosh!* Anong gagawin ko dito?
I stomped my foot loudly so that anyone who's down there will hear it. Sumakit na ang mga paa ko pero wala pa din pumapsok sa kwarto ko para patigilin ako. Makikipagsundo sana ako.
Pagkatapos kong magdabog ay humiga ako ulit sa kama. Sinusunod ko nalang ang mga utos nila dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa akin. Ang bilis nila kaming matalo nang pinalibutan nila kami sa kalsada.
Anong trabaho ba nila?
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto. Napabalikwas ako at dali-daling binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang isa sa mga lalaking katabi ng lider nilang babae. Siya ata ang nasa kanan ng babae.
"Bakit?" tanong ko.
"Kakain na. Walk this way," he said then led the way.
I caught up with him and playfully poked him. "Uy, anong pangalan mo? Bakit hindi ka nagpapa-po sa akin? Ilang taon ka na ba?"
"Rogue, 17 years old," he said.
Nanlaki ang mata ko. Ang bata niya pa pero marunong na siyang makipaglaban. "17 ka pa lang? O 'yung lider nyo, ilang taon na siya? Siya 'yung lider niyo, 'di ba?" sunod-sunod kong tanong. Bumababa kami ng hagdan habang nagtatanong ako sa kanya.
Kanina pa ako walang kausap kaya napapadami ang mga tanong ko. Saka walang kwentang kausap si Kane.
"She's 20 years old. Yes, she is our leader," Rogue answered.
Ano ba 'to? Ang panget niyang kausap. Parang ayaw niya talagang makipag-usap sa akin.
"Ayaw mo ba akong kausap?" diretso kong tanong sa kanya. He nodded so fast that I was so offended.
"So stop asking questions."
Inirapan ko nalang siya. Sheesh! Nakarating na kami sa dining room. Ang laki ng dining are nila. May dalawang lamesa dito at parehong mahaba ang mga 'to. Bakit hindi ganito sa HQ namin? Pwede ko 'tong i-suggest.
Iginiya ako ni Rogue doon sa isang lamesa. Andoon na ang iba kong mga kasama. Si Ivy nalang ang wala.
Pinaupo ako sa dulo ng lamesa. Sa kabilang dulo ng lamesa ay si Ajax ang nakaupo. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso. Parang ang laki kasi ng kasalanan ko kay Ajax.
May mga pagkain na sa lamesa at lahat ng iyon ay lutong bahay. Tumingin ako kay Kane na nasa kaliwa ko. "Ano palang pangalan ng lider nila?" sabi ko at tinuro ang babaeng tinutukoy ko gamit ang aking nguso.
Sumimangot si Kane sa akin. "Nagpakilala na siya kanina, eh. Ay! Oo nga pala! Wala ka pa pala nung nagpapakilala siya. Andronika daw pangalan niya."
"Ahh," I said while nodding. "Ano ulit? Andronika?"
Tumango si Kane.
Habang kumakain kami ay nagtanong ako ulit kay Kane. "Kane, ilang taon ka na pala?"
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...