Chapter 10

61 2 0
                                    

SDA 10

"Well... that was surprising," sabi ni Fraust.

"Kung hindi natin ito sinuot," Ivy exclaimed, "ay tanggal na tayo?"

Hindi din ako makapaniwala. Wala namang ganito sa PAWN dati. Laban-laban lang dati dito.

Sabagay, madami ng nagbago sa PAWN. Wala pang mga team dati. Siguro ginawa nila ang sa contact lens para makapagtanggal ng mga manlalaro kaagad.

Umakyat kami papunta sa pangalawang palapag. Pinagusapan namin na sa bawat palapag ay mauuna si Kane. May mga ginagawa siya para hindi kami mapahamak sa mga ginawa niyang traps. Ang bilis niya naman makagawa ng traps. O masyado lang talaga akong matagal na nagpalakad-lakad kanina?

Pinanuod ko si Kane na gawin ang trabaho niya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin ang bagay na 'to. Kahit matalino ako ay pakiramdam ko na ang bobo ko.

Sinasabi niya sa amin kung kailan ligtas ng maglakad. Sumagi nga sa isip ko na paano kung niloloko niya lang kami at maya-maya ay may sasabog na bomba sa ilalim namin. Pagkatapos, sasabihin ni Kane na 'it's a prank!'.

Gosh, my imagination!

Sa ikatlong palapag, mayroong lamesa at may mga nakalagay na backpack doon. Ang gagaan lang ng mga backpack at kulay itim ang mga ito. Buti nga at kulay itim ito dahil kung babalik kami sa maze ay mas konti ang tyansa na makita kami ng ibang grupo.

Linagay ko sa bag ang mga kinuha kong bala kanina at ang iba kong baril. Natira nalang na hawak ko ay isang pistol.

Pare-pareho lang ang itsura ng bawat palapag. Kulay gray ang kisame, pader at floor. Nakasemento lang ang floor at hindi ito nakapintura. It is so dull in here. May bakal lang na harang sa gilid pero pwede ka pa din mahulog doon.

Ang pinagkaiba lang ng bawat level ay ang mga nakalagay sa lamesa.

Sa ika-apat na palapag, may nakita kaming mga prutas at bottled water. What a diet! Siguro kasya na sa amin iyon ng two days. Kumuha kami ng tig-anim na bottled water at nilagay sa kanya-kanya naming bag.

"Hoy, ano 'yan?!" sigaw ni Kane.

Gulat akong napatingin sa kanya. Nakita kong tinuturo niya ako kaya naplitan ang pagkagulat ko sa pagkalito.

" 'Yung ano?" I said.

"Ilan na nilagay mong prutas sa bag mo?" he said.

Tinignan ko ang laman ng bag ko at ang dami ko na palang nailagay na prutas. Ngumiti ako sa kanila at binalik ang ibang pagkain.

"Kung hindi pa kita nahuli..." Kane muttered.

Umakyat na kami sa ika-limang palapag. Ako ang unang pumunta sa lamesa. I stopped in my tracks when I saw the things on the table.

Alam na alam ko kung ano iyon dahil mayroong isang malaking label na nakadikit sa gilid ng lamesa. With red ink and in bold letters, the label read: HANDLE THE BOMBS WITH CARE.

As if I would touch those.

"Bomba?" tanong ni Kile. "Yes! Maganda ito!"

Humarap ako sakanya. "Anong maganda doon?"

"Pwede nating bombahin ang ibang pyramid," he said in a matter of fact tone.

"And paano natin mahahanap ang ibang pyramid?" tanong ni Fraust.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon