SDA 20
Nagsigawan kaming lahat. Sino ba ang hindi matatakot? Bigla-bigla nalang may lumilitaw na mga tao. Ang dami-dami pa naman nila. Habang ang iba naming kasamang mga lalaki ay nasa loob pa din ng kwarto nila. Ang nasa labas pa lang ay ako, si Fraust, si Ivy, si Laurence, si Ajax at si Gio, ang lalaking binaril ko sa kamay.
I hate to admit it but I was one of the people who shouted loudly. Noong sumigaw kami, nagsilabasan ang mga kasama naming lalaki at may hawak-hawak silang mga baril. Thank goodness!
Si Raul ay may hawak-hawak na backpack at dali-dali niya itong binuksan. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong puno iyon ng baril at mga bala ng baril. Madami ang mga ito nguni maliliit lang ang mga baril. Siguro mga pistol lang. Nagulat ang aming mga kalaban nang lumabas sina Raul kaya hindi sila nakareact ng mabilis.
Naghagis si Raul ng baril sa direksyon namin. Sinalo ko ang isa at nakitang puno ito ng mga bala. Binaril ko sa paa ang kalaban na pinakamalapit sa akin. Puro putok ng baril ang maririnig dito. May mga tao pa ba na andito? Wala na siguro. May krisis, eh. Sana ay walang mga nagbabakasyon dito. Paano pala ang mga nagtatrabaho dito? Damay sila!
After a while, a path cleared in front of me so ran for it while calling my comrades. Sumunod naman sila kaagad sa akin. Sina Gio ay nasa likod at sila ang mga bumabaril sa mga kalaban habang sinusubukan naming tumakbo palayo.
Balak ko sana ay pumunta na ng parking ngunit ang tinakbo ko palang direksyon ay palayo sa parking. May nakita akong stairs at nagmamadali akong umakyat doon habang nakasunod pa din sina Ivy sa akin. Hindi ko nga din alam kung saan ako pupunta, eh! Wala man lang akong plano!
Nasa second floor kami at pumasok ako sa isa sa mga kwartong andito. "Bilis! Dalian niyo!" sigaw ko sa kanila. Nang nakapasok na kami lahat ay kaagad naming ni-lock ang pinto.
"Kunin niyo ang mga upuan! Kahit anong mga gamit diyan!" sabi ni Fraust, nagpapanic din.
Sumunod naman kami sa kanya. Noong nakita kong kaya na ito ng mga lalaki ay naghanap na ako ng lugar kung saan kami pwedeng tumakas. Tumingin-tingin ako sa labas ng mga bintana at nakitang nasa gilid na pala ito ng resort. Kung lumabas kami dito gamit ang bintana, makakalabas na kami ng resort at makakapunta na sa parking area.
"Kane!" tawag ko sa kanya. "Pwede tayong lumabas sa bintana!"
Tinignan niya ang labas ng bintana at tumango.
Natigilan ako nang may naisip. "Paano pala niyan tayo bababa? Nasa second floor tayo!"
Nawalan ako ng pag-asa dahil wala namang kwenta ang bintanang ito. Si Kane naman ay hindi pa din nawawalan ng pag-asa. Mga ilang segundo lamang ang nakalipas, narining ko na ang kalabog sa pintuan. Andito na sila! Ano ba ang gusto nila sa amin?!
Lalapit na sana ako sa mga kasama ko para tulungan sila nang kinalabit ako ni Kane. "Ano?" tanong ko.
"May malaking tubo sa labas. Nasa tabi lang 'to ng bintana. Pwede tayong makababa gamit 'yon."
Tumango ako at hindi na tinignan ang sinasabing tubo ni Kane. Sinimulan ko na ang pagbasag sa bintana nang pingutin ako ni Kane.
"Ang tanga naman nito. Tabi! Ako na gagawa," sabi niya. Tinapat niya ang baril niya sa bintana at pinaputok ang kanyang baril. Dalawang beses siyang nagpaputok at nabasag kaagad ang bintana.
"Hoy!" sigaw ko sa kanila para makuha ang kanilang atensyon. Tumingin sila sa banda namin ni Kane. "Dito! Dito!" sabi ko at tinuro ang basag na bintana.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...