Chapter 13

52 1 0
                                    

SDA 13

We saw rubbles that met at the top. It is like the rubbles formed a triangle. Pinili namin ang pinakamalaking ganoon para naman magkasya kaming tatlo.

Kahit hindi ligtas ay mas pinili na naming matulog doon kaysa sa pumasok pa kami sa sirang pyramid. Mas delikado kung papasok pa kami. Medyo tago din naman ang pwestong napili namin.

Nilapag namin ang mga gamit namin sa lupa at umupo. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng tatlong saging na saba at isang bote ng tubig.

O gosh! Ngayon ko lang narealize na paubos na ang tubig ko. Isa nalang niyan ang matitira kapag naubos ko na itong hawak-hawak ko! Uminom kasi ako noong naglalakad pa kami.

Sinilip ko ang laman ng sa mga kasama ko at nakitang paubos na din ang sa kanila. Akala ko ako lang... Ayoko naman kasing manghingi sa kanila kapag naubusan na ako. I don't want to be a parasite.

Pwede namang mamaya ay sabay kaming tatlo na maghanap ng makakain. Sa dinami-dami ba naman ng mga puno dito, wala pa ba kaming makikitang bunga?

Nagre-ready na akong magpahinga. Hihiga na sana ako sa lupa nang nagsalita si Kane.

"Sino magbabantay sa atin? Hindi na ako, ah! Nagbantay na ako kanina habang natutulog kayong dalawa," sabi niya.

Napataas ako ng kilay. "Hoy! Ako ang unang nagbantay kaya hindi din ako."

"Sinabi ko ba na ikaw? Sinabi ko lang 'yon para kay Fraust. Nagpaparinig lang ako," sabi niya at tinuro si Fraust.

"Ah..." I muttered.

"Oo na at ako na ang magbabantay. Wala naman akong sinabi na hindi ako ang magbabantay. Matulog na kayo," sabi bi Fraust.

Humiga na ako sa lupa. Ngayon pa ba ako aarte? Kahit madumi ay mas gusto kong nakahiga dito kaysa sa sumandal doon sa sirang semento. Baka masira pa iyon at madaganan pa ako ng semento tapos game over na.

Nakita ko si Kane na nangdiri noong nakita niya akong humiga sa lupa. Ano ngayon kung mandiri siya?! Nag-indian sit lang siya at pinatong ang ulo niya sa dalawa niyang kamay na nakapatong sa mga tuhod niya. Ganoon lang ata siya matutulog.

Hindi ko alam kung ilang araw na kaming andidito pero ang alam ko ay pangalawang tulog na namin ito. Para sa akin, patapos na ang pangalawang araw namin sa PAWN.

Ilang araw pa kaya kami ganito? Nasaan kaya ang ibang grupo? Ganito lang din ba ang ginagawa nila? So far, isa palang ang nakita namin. Hindi man lang nga isang grupo ang nakita namin kundi isang tao lang.

Noong nakatulog ako, ayoko ang napanaginipan ko. It was such a nightmare! Sana ako nalang pala ang nagbantay.

Nagsimula ang panaginip ko sa parehong kapaligiran. Umupo ako sa pagkakahiga ko at nakitang wala sina Kane at Fraust. Wala din ang mga bag nila. Mga gamit ko lang ang natira doon at ang balat ng mga prutas na kinain namin. Siyempre ay nagpanic ako.

Tumayo ako at pinagpag ang duming galing sa lupa na dumikit sa damit ko at sa katawan ko. Naglakad ako papalayo sa pinagtulugan namin at hinanap sila.

Wala akong nakitang mga tao kaya naglakad-lakad pa ako. Tahimik ang kapaligiran at parang may fog pa. It looks like the scene was straight from a horror movie.

Dahil ako lang mag-isa ay sobrang dahan-dahan kong gumalaw. Nanginginig ang mga kamay ko at sinusubukan kong itigil iyon.

Bumalik ako sa may maze at punong-puno ito ng mga puno. Matataas na mga puno at puno ito ng mga dahon. There were also vines crawling on the wall.

Noong may nadaanan akong ilaw ay mas malinaw kong nakita ang paligid. Nilibot ko ang paningin ko at huminto ito nang may nakita ako.

Nakita ko ang mga magulang ko! Maging ang mga kaibigan ko ay nakita ko! Si Kile ang nasa gitna nilang lahat. Tumakbo ako papunta sa kanila pero napatigil noon may napansin akong kakaiba.

Ang mga mata nila ay napaliligiran ng kulay itim. Mukhang puyat sila o kaya ay mukha silang binugbog. Sobrang gugulo na kanilang mga buhok. Pagkatapos, sobrang papayat nila. Halos makita ko na ang mga buto nila sa sobrang nipis ng katawan nila. Sira-sira din ang mga damit nila. My first thought when I saw them: they're zombies!

Inalis ko iyon sa isipan ko at dahan-dahang lumapit sa kanila. It was like there was a force pulling me towards them. Noong nakalapit na ako na mga isang metro nalang ang layo namin sa isa't isa ay may napansin ako. Namumula-mula din ang kanilang mga mata at kumikintab-kintab ito.

It took me a while to realize that they are crying. There were tears steaming down their faces. Gusto ko silang i-comfort pero natatakot din ako.

Bakit ba kasi ganyan ang itsura nila?

Hindi ko alam kung paano ko pa sila nakikilala. Ibang-iba ang mga itsura nila. It's like all the joy, hope and positivity were removed from their bodies.

Bigla kong narinig ang mga boses ni Kile. "Lyn, sama ka na sa amin. Miss na miss ka na namin."

Binuksan niya ang kanyang mga kamay na parang hinihintay niya ang yakap ko. Umiling ako at nagbago bigla ang itsura nila. Mukhang mas nagalit sila.

"Hindi ka sasama sa amin, Lyn? Hindi mo na ba kami gusto?" tanong ni mama. Iba-iba ang nagsasalita pero iisa lang ang sinasabi nila at iyon ang sinabi ni mama.

Mayroong iba sa mga boses nila. Parang pagod na pagod na sila. They have this raspy voice and I don't like that sound.

Tumulo ang mga luha ko sa mukha ko. Hindi ko alam na dadating ang panahon na matatakot ako sa mga mahal ko sa buhay. Sila ang pinagkukuhanan ko ng lakas. It may sound corny but it is true. Ngayon, ang pinakagusto kong gawin ay ang makalayo sa kanila.

All of them were extending their arms and trying to hold me. I stepped backwards but there was like this force that keeps on pulling me towards them.

Kahit gustong-gusto ko silang makita, ayaw ko naman silang makitang ganito. Nakakatakot sila. Ngayon palang ako natakot sa kanila ng ganito. Iyong parang mas gugustuhin ko nalang na hindi sila makita kahit kailan man kung ganito lang din naman ang aking makikita.

Humangin pa ng malakas kaya mas nalapit tuloy ako sa kanila. Kile extended his arms and he touched my arms. Noong nahawakan ako ni Kile ay nagpumiglas ako. Pilit kong tinatanggal ang pagkahawak niya sa akin pero sobrang higpit nito.

Hinawakan naman ako ni Thia sa may ulo at pilit niyang hinaharap ang ulo ko sa kanya.

Tumatawa-tawa sila at nakahawak na sila halos sa buong katawan ko. Hindi ako makasigaw dahil parang may nakaharang sa bibig ko at hindi ko ito magalaw. Habang pinipilit kong makaalis sa hawak nila ay bumukas na ang mata ko.

Gising na ako.

I was sweating like crazy! My heart was racing so fast and I was feeling a little bit dizzy. I was trembling with fear. Just because of that dream!

Iyon ang pinakaayaw kong napanaginipan ko. Kinalma ko ang sarili at hinawakan ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Mukhang totoo talaga ang napanaginipan ko. I was shaken up!

Kamusta na kaya sila? Maayos lang ba kalagayan nina mama at papa? Sina Thia ba ay ayos lang din? Sana ay ayos lang sila. Miss na miss ko na sila...

I steadied my breath, trying to calm myself down. Noong nakalma ko na ang sarili ko, doon ko palang napansin na may mali. Oh my gosh!

Wala ang mga gamit nila. Backpack ko nalang ang nandito. Kaparehong-kapareho ito ng panaginip ko!

Panic started to build up inside me again. Terror sucked the very breath from my mouth. Tears were forming in my eyes and they started falling.

Nasaan sina Fraust at Kane?!

• •

Pls vote, comment and share!
Thank you for reading!

Thank you po pala sa 400+ reads! Ang saya-saya ko po talaga at binabasa niyo po ang story ko! Salamat!

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon