Chapter 01

130 6 0
                                    

SDA 1

" Uy! Nakita mo ba iyong billboard na yun? " tanong sa akin ng kaibigan ko habang nakaturo sa tinutukoy niyang billboard. " Ang ganda niya, no? May asawa na daw pala siya pero alam ko bata palang yan, eh."

Yung sikat pala na artista ang sinasabi niya. Pinagmasdan ko din ang mukha niya. Kahit malayo ay masasabi mo talagang pinaulanan siya ng kagandahan.

Hinarap ko ang kaibigan ko. " Ilang taon na ba siya? Atleast may pera na yan. Kahit anong age pa yan magasawa. "

" Ang alam ko at sinasabi din ng iba 19 palang 'yan. Ang bata pa, no? "

Tumango nalang ako sa kaibigan ko. Dahil sa pagtuturo niya sa mga billboard kanina pa ay tumitingin na din ako ng billboard habang naglalakad kami papunta sa palagi naming pinupuntahang fastfood restaurant.

Habang tumitingin ay naagaw ng pansin ko ang napakalaking billboard. Mayroong babaeng nakatayo na may hawak na 'spear'.  Puro puti lang ang background niya at kitang kita sa mukha niya ang tagumpay. Sa ngiti niya palang kitang kita mo na ang tagumpay. Lalo na kapag tinignan mo ang mata niya.

Alam na alam ko na itong nakalagay sa billboard. Palagi ko iyan nakikita lalo na last year. Siya kasi ang nanalo sa Philippines Annual War Night o mas kilala bilang PAWN na ginanap lang last year.

A woman. Rare. Super rare lang na manalo ang babae doon! Siya ang pangatlong babaeng nanalo sa PAWN.

Oh, how I have always dreamed of participating in that game.

Simula nung bata pa ako ay gustong gusto ko ng lumaban doon kaya lang ay ayaw ni mama dahil masisira daw ako doon.

Hindi lang daw ang katawan ko ang masisira kundi pati ang buo kong pagkatao pero kahit pa alam ko iyon ay gustong gusto kong sumabak. It's worth the risk. Kung mananalo.

Pero wala namang namamatay sa PAWN dahil hindi pa naman ganoon kasama ang gobyerno ng Pilipinas para hayaang mamatay ang isa sa kanilang tao.

" Laxa! Lyn! Sel! Huy! Tinatanong kita! Ano ba! " Halatang iritado na siya sa hindi ko pakikinig.

" Sorry, Thia! Hehe. Sorry na."

"Nakita mo lang iyon... hayss. Kung ako sayo kakalimutan ko na iyan at papalitan ko ang pangarap ko. Mapapahamak ka lang do'n," sabi niya.

Aside kay mama, si Thia ang pinaka vocal na ayaw niya ang kagustuhan kong sumali. Inirapan ko na lang siya.

Mahirap sabihan ang taong may pusong punong-puno ng determinasyon. 

" Tch. Oh, ano na yung tinatanong mo kanina?" pag-iiba ko ng topic.

" Tinatanong ko lang naman kung ano ang oorder mo. May pa tch tch ka pang nalalaman," sagot niya at ginaya pa ako!

Pero atleast sinagot niya. Ayoko lang naman kasing pinaguusapan ang PAWN. Actually, wala talagang may gustong magusap-usap tungkol doon. Ayaw 'yun ng mga tao.

Nakadating na nga kami sa destinasyon namin. Si Thia na ang nag-order at habang ginagawa niya yun ay naghanap na ako ng table namin.

Umupo ako sa upuan sa nakita kong bakanteng lamesa at nagmuni-muni habang hinihintay si Thia.

Konting-konti nalang ay makakasali na ako. Basta ba 18 years old ka na ay pwede ka ng makasama.

Good news ay 16 taong gulang na ako kaya lang nag celebrate lang ako ng birthday ko noong nakaraang buwan.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon