SDA 33
"Excuse me! Excuse po! Padaan!" sigaw ko. Kadarating lang namin ni Kane at nagmamadali na akong pumunta sa floor namin.
Pagdating sa floor namin, pumunta ako sa kwarto ni Ivy. Pabigla kong binuksan ang pintuan at gulat siyang nakatingin sa akin. Nag-siskin care pa siya.
"Evelyn naman," sabi niya.
Napangiwi ako. "Sorry. Nag-siskin care ka pala. Hindi ko man alam."
"Kailangan ko pa bang sabihin? Bakit ka pala napadpad dito? Ang alam ko may bebe time ka kasama si Kane." Habang nagsasalita si Ivy ay pumasok si Kane sa kwarto ni Ivy.
"Ayan na pala siya. Kinukuha ka niya ulit. Bakit ka ba raw kasi tumakas?" Ivy said in a mournful tone. She looked at Kane. "Ano ba kasi ang ginawa mo?"
"Ako? Wala kaya!" Kane said while raising his arms. "May nakita kasi kaming nag-rarally."
"Rally? Naku! Hindi ba kayo na-inform? Trending kaya 'yang rally na 'yan. 'Yon lang ang pinunta niyo dito?" Ivy said.
Tumango ako. "Itatanong ko lang sana kung may alam ka tungkol doon. At mukha ngang madami kang alam."
"Marami nga," she said, proud that she knows something we don't know.
"Ano ba ginawa ng gobyerno?" I asked, afraid that the CHESS is related.
"Hindi pa naglalabas ng statement ang gobyerno kaya sa ngayon ay mga chismis pa lang. Sabi raw kasi na inutos ng gobyerno sa mga doktor na 'wag na raw gamutin ang mga nahawaan dahil sayang lang sa pera."
"What?!" I shrieked.
"That's so messed up," Kane whispered.
"Si Rin!" sigaw ko nang may naalala. Kumusta kaya siya? Si tita, ayos lang ba siya?
"Ayos ka lang?" Ivy asked, her brows furrowed.
Tumango ako. "Ano pa ang balita?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko talaga alam. Parang hindi ka na ayos, eh. Magpahinga ka na muna."
"Madami ka pa bang sasabihin?" tanong ni Kane kay Ivy.
Umiling siya. "Wala na. Ang alam ko lang may proyektong pinagiipunan ng gobyerno kaya ganiyan."
"'Yung CHESS?" tanong ko. "Pero para sa cure ang CHESS,ah."
"Hindi ko alam, Evelyn. Tanong mo na lang sa... nanay mo."
I was stunned. "Alam mo?"
She smiled without humor. "Alam ng lahat, Evelyn. Kalat na. Hindi ko alam paano kumalat. Nalaman ko lang nung sinabi ni Gio."
"Ah, sige. Thank you," I said and left the room.
"Puntahan mo na muna si Fraust," sabi ko kay Kane dahil sumusunod lang siya sa akin. "Tignan mo kung ayos lang siya."
Tumango lang siya at nagsimulang hanapin si Fraust. Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot ang button papunta sa office ng aking... nanay.
Ngumiti ako sa guard ngunit hindi niya binalik ang ngiti ko. Seryoso ang kanyang tingin at lumapit siya sa akin.
"Bawal kayo dito, Ma'am Laxa," he spat.
"Bakit bawal?" I understand na galit siya sa akin dahil binaril... I shuddered. I don't like that term. Galit siya sa akin dahil... sinaktan ko ang kasama niya.
BINABASA MO ANG
Harrowing Verity
Teen FictionEvelyn Isolde Laxa, a boundless person, had always wanted to enter the PAWN. She wants to know how is the experience. She wants to know how the system works. She wants to know why they have the PAWN. So many questions of how and why. She wants to k...