Chapter 17

39 2 0
                                    

SDA 17

Pumunta kami sa lugar na sinabi ni James. Sumakay kami ng van. Tatlo ang ginamit naming van at siksikan kami sa loob. Magkakasama kaming nina Fraust, Kane at Ivy. May kasama din kaming galing sa ibang grupo at hindi ko pa sila nakakausap.

Pagdating namin sa destinasyon namin ay dali-dali kaming nagsibabaan sa van.

"Wooh! Fresh air!" sigaw ni Kane.

"Ah, so kanina hindi fresh air?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga, eh. Ganyan kasi 'yung katabi ko kaya wala akong nalalanghap na fresh air," sabi niya.

Papaluin ko sana siya kaya lang tumakbo na siya palayo. Ako kaya ang katabi niya! Ang katabi niya naman sa kanan ay ang pintuan ng sasakyan.

"Nakakatawa ka niyan?!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya.

Bumagal ang takbo ko noong nakapasok na kami sa building. Ramdam na ramdam kong may nabubuong tensyon kahit kakapasok ko lang. Nasa harap ko lang si Kane at mukhang seryoso na.

Nauna kasing nakadating ang dalawang van kaysa ang sa amin. Nakita ko si Raul na katabi lang si Ajax, ang kapatid ni Kile at... ano nga ba ang pangalan niya?

Masama ang tingin nilang tatlo sa tatlo pang manlalaro. Masama din ang tingin ng ibang mga manlalaro doon sa tatlong manlalaro na sinasamaan ng tingin nina Raul.

May nagsalita na lalaki. "Kami na kasi ang gagawa. Kaya na namin 'to. Hindi na namin kayo kailangan kaya alis! Shoo!"

Lumapit ako kay Raul. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para hindi ko maagaw ang atensyon ni Ajax. Things are akward between us.

"Anong nangyayari?" bulong ko kay Raul.

"Ito kasing mga pabibong 'to ay napakapabibo," inis niyang sabi.

"Wow! May nalaman ako," sabi ko.

"Sila kasi, eh! Gustong sila nalang ang gumawa ng iniutos sa atin," sabi niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Pabibo kasi sila. Mga bobo din!"

Sa huli, hinayaan nalang namin silang tatlo na gawin ang assignment namin. Pinapakuha lang kasi ang dugo ng ibang mga namatay para maitest ng gobyerno at malaman ang dahilan ng kanilang pagkamatay.

Bahala sila. Kung ayaw nilang tulungan namin sila edi 'wag! Kawalan nila iyon.

Dahil wala naman kaming ginagawa, halos nakaupo lang kaming lahat sa semento. Ang iba ay tumatayo dahil nangangalay na ang kanilang paa sa pagkakaupo. Nakasandal si Fraust sa pader at tahimik.

"Ivy," mahina kong tawag sa kanya.

Humarap naman siya sa akin. "Bakit?"

"Ayos ka na? Ayos na 'yung katawan mo?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Oo naman," sabi niya. "Okay lang. Mga ilang araw na din naman ako nakapagpahinga."

"Ilang araw ba?" biglang sali ni Kane sa usapan.

"Mga tatlo? Tatlo ata," sabi ni Ivy. "Kung hindi kayo dumating siguro mag-aapat na araw na akong nagpapahinga."

"Tapos 'di ka naliligo?" tanong ni Kane.

Sinimangutan siya ni Ivy. "Oo! Bakit ba? E sa hindi kami pinapaligo."

Mga kalahating oras pa ang lumipas bago natapos ang tatlong mga bobong bibo kids.

Harrowing VerityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon