Hindi alam ni Alessandra kung ilang minuto na siyang nakapangalumbaba habang nakatulala at nakatingin sa kawalan, tinapik lang ni Nicole ang balikat niya kaya siya natauhan.
"Hey, you okay?" nag-aalalang tanong nito, napakurap kurap siya at mabilis na bumaling ng atensyon sa kaibigan.
"H-ha? Ayos lang ako," sagot niya sa kaibigan. Humila naman ito ng isang silya para maupo sa tabi niya
"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka, what's bothering you?" usisa nito nang may pag-aalala sa mukha.
Timingin siya sa kaibigan at kapagkuwan ay humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
These past few weeks palagi na lang niyang napapansin na hindi normal ang kilos ng Daddy niya, lagi itong balisa dahilan para mag-isip siya. Hindi naman ito ganoon dati, natatakot tuloy siya sa isipin na meron itong hindi sinasabi sa kaniya, mababaliw na siya sa pag iisip kaya't hanggang dito sa party ng kaibigan nilang si Fierrah eh bitbit niya ang alalahanin para sa ama, hindi tuloy siya makapag-enjoy sa party. Ang ibang mga kaibigan nila ay masaya ng nag-iinuman at nagsasayawan.
"Nag-aalala kasi ako kay Dad," sambit niya sa kaibigan.
"Why? What's wrong with Tito Alex? May problema ba?"
Umiling siya dahil hindi rin niya alam ang sagot.
"I don't know Nicole, these past few weeks kasi ang daming kakaibang nangyayari sa loob ng bahay, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko parang may tinatago sakin si Daddy, palagi siyang balisa," saad niya.
"Ha? Eh ano naman kaya iyon?" balik na tanong nito na ikinakibit na lang ng balikat niya, wala rin siyang ideya.
"Baka naman pagod lang sa negosyo si Tito kaya ganoon, or may mga inaayos siyang kaunting problema sa trabaho kaya hindi siya mapakali. Huwag ka na mag-isip diyan. Wala lang iyon," pagpapakalma nito sa kaniya.
"Let's have fun!"
Ngumisi ito at inginuso ang ilan pa nilang kaibigan na sila Alba, Szentin, Diem, Maria, at Carisma. Si Fierrah naman ay kasalukuyang inaasikaso ang iba pa nitong mga bisita.Hinila na siya ni Nicole palapit sa mga ito, halatang lasing na si Diem dahil maingay na ito at abot na ang taas sa bote ng alak paulit-ulit.
"Hey!" bati ni Nicole sa mga ito at kapagkuwan ay kumuha ng isang bote ng smirn off, kumuha pa ulit ito ng isa at iniabot iyon sa kaniya, tinanggap niya naman iyon.
"Hey! Kanina pa kami umiinom dito tapos kayong dalawang nagtatago lang dun?" nguso ni Alba sa pinanggalingan nila ni Nicole kanina
"Tingnan mo itong si Divine Mary, shenglot na!" tatawa-tawang sabi ni Alba, sinamaan naman ito ng tingin ni Diem
"Fuck you Alba!" mura ni Diem sa kabigan dahil tinawag nito ito sa buong pangalan na ayaw na ayaw nito.
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na Divine Mary ang pangalan ng isang magaslaw na ito? Masyadong banal ang pangalan nito para sa pagkatao nitong si Diem. Hindi bagay.
Divine Mary...
Mahina siyang napamura sa sarili niya bago naiiling na bumaling sa mga kaibigan, pinigil niya ang matawa sa isiping iyon.
Pastor ang ama ni Diem kaya siguro Divine Mary ipinangalan nito sa anak.
Si Diem ang pinakamagulo sa kanilang magkakaibigan, pero siyang tahimik naman nito kapag nasa bahay na. Isang maling galaw lang kasi nito ay tiyak na lagot ito sa ama.
Si Szentin Roa naman ang pinakamayaman sa kanila, doctor ang parehas nitong mga magulang at may lima lang naman itong kapatid na lalaki na lahat ay doktor din. Nag-iisang babae lang si Szentin at bunso pa ito. Ito ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan. 22 pa lang ito, samantalang sila nila Nicole ay matanda ng dalawang taon dito.
Si Fierrah ay anak naman ng may ari ng Eastwood Academy, school ito kung saan hindi basta basta ang nakakapasok, mayaman din ito at patay na patay pa rin sa ex nitong si Lucas Alejandro na iniwan na lang ito bigla sa ere. Isang taon na rin ang nakararaan at hindi pa rin nakaka-move on ang kaibigan niya. Hanggang ngayon ay umaasa pa din ito sa dating kasintahan.
Si Alba naman ang madalas mapagkamalang tomboy sa kanila, galing din ito sa marangyang pamilya may pagka-wirdo nga lang. Mahilig itong magsuot ng mga t-shirt na malalaki at nakabalanggot lagi. Hindi niya rin alam kung bakit, kapag naman tinatanong nila ito kung tomboy ba ito ay mabilis naman itong tumatanggi. Komportable lang daw ito sa ganoong pormahan. Tulad ngayon, party ang pinuntahan nila pero nakasimpleng pantalon lang ito at maluwag na t-shirt habang may nakalagay na balanggot sa ulo.
Si Maria Venice naman ang pinakatahimik sa kanila, tamang-tama lang dito ang pangalan nito na Maria, kahit kasi galit na ito ay napakahinhin pa rin magsalita, dentista ito at may sariling clinic malapit sa lugar nila.
Si Carisma ay may-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa buong Pilipinas, kaya madalas busy ito dahil kung saan-saan pa ito nakakarating na lugar para lang maghanap ng ibang mga putahe na ilalabas sa resto nito, ngayon nga lang nila ulit ito nakasama, siguro ay kinunsensya ito ni Fierrah.
Si Nicole ay nasa abroad ang mga magulang. Nakatapos ito ng education ngunit ayaw magturo. Mas gusto pang mag-business at mayroon itong sariling boutique na masasabi niyang maganda rin ang takbo. Si Nicole ang pinaka-close niya sa lahat.
Siya naman ay arkitekto na at matagal rin niyang ibinuno ang pag-aaral na iyon sa kolehiyo. Gayunpaman, kahit mahirap ay nakatapos siya. Iyon ang gusto ng ama niya sa kaniya, ang maging arkitekto dahil arkitekto din ang isang Kuya niya habang tapos naman ng Civil Engineer ang isa pa niyang Kuya.
"Kamusta ka naman Carisma? Grabe anong pamba-blackmail kaya ang ginawa sayo ni Fierrah para makasama ka samin ngayon?" tatawa-tawa si Szentin habang sinasabi iyon sa kabigan.
Tatlong taon na niyang kilala ang mga ito, si Nicole lang at Szentin ang kilala niya dati, ngayon ay nakilala niya na rin ang iba pa dahil din sa mga ito.
"Well well well, namiss ko lang talaga kayo no!" saad ni Carisma.
"Yun naman oh!" Napapalatak pa si Alba at itinaas ang hawak nitong bote.
"Cheers para sa pagdating ni Carisma!" sabi nito at napatawa na lang din silang lahat habang itinataas ang kani-kanilang bote ng alak.Halos 12AM na nang matapos ang party ni Fierrah, syempre hindi agad sila umalis kahit nag-alisan na ang iba pang mga bisita. Nagpakalango muna sila sa alak, unang-una ay dahil wala namang babawal sa kanila.
Wala naman kasi silang mga nobyo! Hindi niya alam kung may sumpa ang samahan nilang magkakaibigan dahil ngayong taon ng 2020 ay sabay-sabay silang single!
Natawa siya sa sarili, palabas na siya habang kinakapa sa bulsa ang susi ng kotse niya, hindi niya iyon makita.
"Nasaan ba ang susi ko? Naiwanan ko pa yata sa loob," mahinang bulong niya.
Nauna na sa kaniya sila Nicole at si Alba na lang ang naiwan sa loob nila Fierrah, dun na siguro ito matutulog dahil lasing na lasing na ito.
Hindi pa siya sobrang lasing pero ramdam niya ang bahagyang hilo, akmang babalik na siya sa loob ng gate nila Fierrah upang balikan ang susi niya nang bigla niyang maramdaman na may humawak sa magkabilang braso niya, kasunod niyon ay ang pagtakip nito ng kamay sa bibig niya, binuhat siya ng lalaking hindi niya maaninag ang mukha. Nagpumiglas siya pero hindi siya makawala mas lalong hindi magawang lumabas ng sigaw sa bibig niya dahil sa pagtakip nito doon.
Ang huling naramdaman niya ay nasa loob na siya ng sasakyan ng hindi niya kilalang lalaki.
Kinidnap siya nito!
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...