CHAPTER 22

297 13 1
                                    

"Baby?"

Nagmulat ng mga mata si Alessansdra dahil sa tinig ni Zac na tumatawag sa pangalan niya.

"Hmm?" Humarap siya sa binata at isinuksok naman nito ang mukha sa leeg niya, nagpapahinga na sila at mukhang naalimpungatan lang ito kaya tinawag siya, pinilit lang niya itong kaladkarin sa loob ng kwarto kanina dahil lasing na lasing ito.

"Baby..." muli ay pagtawag nito sa kaniya, nananaginip ba ito?
Nagsasalita ng tulog eh.

Ramdam na ramdam niya ang init ng paghinga nito sa leeg niya.

"Magpahinga ka na, maaga pa tayong uuwi bukas." Hinaplos-haplos niya ang buhok nito at muli na itong natahimik, siguro nga ay nananaginip lang ito kanina.

MAG-AALAS sais ng umaga nang magising sila at nakahanda na ang agahan dahil alam nila Mang Ambo na uuwi na sila ngayon. Sila Lucard ay magpapaiwan pa raw hanggang sa isang araw. Iniwan niya si Zac na naliligo sa loob ng banyo.

"Baby, pakibilisan at kakain na tayo," sabi niya sa binata.

"Okay," tipid lang na sabi nito.

Mga limang minuto rin ang lumipas bago ito lumabas at kaagad siya nitong tinabihan, naroon ulit sila sa kubo at wala pa sila Lucard, siguro ay tulog na tulog pa ang mga ito kaya sila na lang ni Zac ang nag agahan.

"Baby say ahh..."

Itinapat ni Zac sa bibig niya ang kamay nito at tinanggap niya ang pagkaing isinusubo nito sa kaniya, napangiti siya at sinubuan din ito ng pagkain. Para silang teenager na nagsusubuan at paniguradong kung makikita sila ngayon ng mga kaibigan ni Zac ay aasarin na naman sila nito.

"Mami-miss ko dito," sabi niya sa binata at inilinga ang mga mata sa magandang paligid ng lugar.

"Babalik tayo dito kapag gusto mo," sagot naman ni Zac.

Sumimsim siya ng juice sa baso at humilig sa balikat ng binata.

"Uuwi muna ako sa bahay pagdating natin sa Manila. Siguradong nag-aalala na sakin sila Mommy," sambit niya.

Tumango lang si Zac at pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila saglit at naghanda na upang umuwi.

"Oh, uuwi na kayo?" Pupungas pungas si Lucard habang papalapit sa kanila, nakangiting tumango lang siya sa lalaki.

"Yep. Kayo na bahala dito," sabi naman si Zac habang inilalagay ang gamit nila sa likod ng sasakyan nito.

"Sayang naman. Di bale may next time pa naman. Na-late kasi kami ng dating eh, mas mahaba sana ang bonding natin. Anyway mag-iingat kayo bro," paalam nito kay Zac at tinapik ang balikat nito.

"Sure, pakisabi na lang kila Lord na nauna na kami, okay bye guys."

Inakay na siya ni Zac papasok sa loob ng sasakyan, tinanaw niya lang ito saglit nang magpaalam ito kay Mang Ambo at pagkatapos ay pumasok na rin sa loob ng sasakyan, pinaandar na nito iyon at nilisan na nila ang lugar.

Habang daan ay tahimik lang silang nakikinig ng music, medyo inaantok pa siya kaya umidlip muna siya saglit.

Nang magmulat siya ng mga mata ay nasa Maynila na sila.

Napahaba pala ang tulog niya at hindi niya namalayan ang oras.

"Ihahatid na kita sa inyo," sabi sa kaniya ni Zac.

"D-doon mo na lang ulit ako ibaba sa boutique ni Nicole," kinakabahang sagot niya.

Hindi naman kumibo si Zac bagkus ay nagulat siya dahil sa tapat ng bahay mismo nila siya nito inihinto.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon