Kinse minutos ng naroon si Zac sa burol ng Daddy niya at hindi pa rin mapalagay si Alessandra, panay ang sulyap sa kanila ni Nicole at alam niyang na-gets na skya nito, sinenyasan niya ito na maging tahimik.
Gustong-gusto na niyang itaboy si Zac dahil baka maabutan pa ito ng Kuya Alexus niya at magkaroon pa ng gulo, ayaw niyang mangyari iyon sa harap mismo ng burol ng kaniyang ama.
Marahan niyang hinila ang braso nito palabas, kunwari ay mag-uusap lang sila at mukhang na-gets naman ng Mommy niya ang naging kilos niya hinayaan lang sila nito. Alam niyang maraming gustong itanong ang Mommy niya dahil mayroon siyang bisitang lalaki, pero siguro ay pinili na lang muna nito ang manahimik dahil masyado pa silang abala ngayon.
"W-what?" naguguluhang tanong ni Zac sa kaniya matapos silang makalayo sa mga tao.
"Zac, please kung ano man ang pinaplano mo huwag mo na ituloy."
Kunot-noong tumingin ito sa kaniya.
"Really? May iniisip ka sakin na gagawa ako ng hindi maganda?" gulat na tanong nito, wala siyang mabanaag na galit sa mukha nito pero kinakabahan siya.
"A-ayoko lang magkagulo," sambit niya.
"Ikaw ang ipinunta ko rito, and thankfully nakita ko na rin ang Daddy mo. Mukhang hindi kami sa lupa magtutuos," biro nito kaya bahagya niyang hinampas ang dibdib nito.
"Zac naman!"
"H-hey I'm just kidding." Tila wala man lang itong anomang poot na nararamdaman, nagtataka na tuloy siya. Inaasahan niya na galit ito at manggugulo sa burol ng Daddy niya pero hindi nito ginawa iyon. Parang normal lang ito na bisita na dumalaw sa kanila, hindi niya ma-imagine kung paano nakakaya ni Zac ang maging normal at malambot sa harap ng pamilya ng taong pumatay sa ama nito.
"Wag kang mag-alala, aalis din ako kaagad gusto lang talaga kitang makita."
Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon.
Na-miss niya kaagad ito, ang gwapong mukha nito.
Ilang saglit siya nitong tinitigan
"Hmm, namumutla na ang mukha mo, sige na nga aalis na ako. Mukhang ayaw mo akong makita eh." May halong pagtatampo ang tinig nito kaya naman wala sa loob na niyakap niya ang binata.
Sobrang pagkasabik agad ang nararamdaman niya dito isang araw pa lang silang hindi nagkikita.
"I missed you," malungkot na sabi niya bago ito pinakawalan, ngumiti naman ito at hinalikan ang noo niya.
"Sapat na sa akin iyon. Aalis na ako, Alessandra," paalam nito sa kaniya, marahan siyang tumango at tinanaw ito palayo.
Wala pang limang minutong nakakaalis si Zac ay dumating na ang Kuya Alexus niya, nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito inabutan si Zac, pero pansin niya na iba ang tingin nito sa kaniya. Tinalikuran niya na lamang ito.
Maya-maya ay may dumating na mga bulaklak para sa patay, wala naman siyang natatandaan na may inorder siyang bulaklak at ngayong araw ang delivery niyon. Magaganda ang bulaklak at napakarami nito. Kulay puti iyon lahat.
"Ahm excuse me, akala ko bukas pa ang deliver ng mga bulaklak?" takhang tanong niya sa lalaki na nagbibitbit niyon.
"Ma'am may kumontak lang po samin para dalhin ito ngayon."
Nagtatakang napatango na lang siya sa lalaki.
Baka ang Kuya niya ang kumuha ng mga iyon, balak yata nitong gawing hardin ang burol ng ama nila.
Maya-maya ay lumabas ang Kuya niya.
"Kanino galing ang mga bulaklak na ’yan?" tanong nito.
Napatanga siya sa narinig, hindi ang Kuya niya ang umorder niyon?
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...