Isang buwan ang mabilis na lumipas at hindi na masyadong maselan ang paglilihi ni Alessandra. Si Zac naman ay madalas hindi niya makasama. Masyado itong busy at lagi niyang napapansin na may kausap ito sa cellphone, laging may tumatawag dito at lumalayo ito sa kaniya kapag sasagutin, hindi naman niya inuusyoso iyon dahil alam niyang sa trabaho lang, maaga ito laging umaalis patungong opisina. Nililibang na lang niya ang sarili sa pagbe-bake dahil iyon ang nakahiligan niya ngayon. Mahilig siya sa sweets, mga cookies at cupcakes ang napagdidiskitahan niya.
Hindi nababanggit ni Zac sa kaniya ang tungkol sa kasal nila kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakapaghanda. Ayaw niya naman itong pangunahan, gusto niya ay kay Zac unang magmula iyon. Minsan iniisip niya tuloy kung may balak nga ba itong pakasalan siya? Kahit lagi nitong sinasabi sa kaniya noon na pakakasalan siya nito hindi naman na nito nababanggit ulit ang bagay na iyon.
Ayaw niyang mag-isip ng negatibo pero minsan kinakabahan at natatakot siya, ramdam niya naman ang pagmamahal sa kaniya ni Zac siguro ay masyado lang siyang nag-e-expect agad.
Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang doorbell, agad niyang sinilip kung sino ang tao sa labas. Nagliwanag agad ang mukha nya pagkakita sa Mommy niya. Noong isang linggo ay dumalaw sila ni Zac sa pamilya niya.
Nasa ibang bansa na ang Kuya Alexus niya at tanging si Almond lang ang kasama ng Mommy niya sa bahay.
Gusto niyang kunin ito ngunit ayaw naman nitong iwan mag-isa si Almond, siya naman daw ay may kasamang asawa. Si Almond ay maiiwang mag-isa sa bahay kapag sinamahan siya nito. Ganoon pa man ay madalas itong dumalaw sa kaniya lalo na nang malaman nito na magkakaapo na ito sa kaniya. Masayang-masaya ito at excited. Kahit ang kuya Alexus niya ay nagpiprisintang mag ninong. Hindi raw puwedeng hindi niya ito kuhanin at nag-aasam ito agad na sana ay lalaki ang maging pamangkin sa kaniya. Ramdam na ramdam niya kung gaano siya kamahal ng mga ito at buong pusong tinanggap ng mga ito si Zac."Mommy!" nakangiting sabi niya habang niluluwagan ang pagkakabukas ng malaking gate.
"Ang laki-laki talaga ng bahay na ito tapos ikaw lang ang tao?" sabi ng Mommy niya, pumasok na sila sa loob.
"Next month po ay kukuha na ng katulong si Zac, ayaw ko sanang pumayag talaga kasi kaya ko naman ang mga gawain kaya lang ay hindi na raw siya papayag na walang katulong. Isa pa ay para may kasama raw ako sa tuwing busy siya sa trabaho," paliwanag niya.
"Tama lang iyon anak, huwag ka ng kumontra sa kaniya, pasalamat ka nga at nag-aalala sayo ang mapapangasawa mo."
Bigla siyang natigilan sa sinabi ng Mommy niya, hindi pa rin niya asawa si Zac dahil hindi pa naman siya kasal dito. Mapapangasawa, iyon pa lang ang tamang itawag. ’Di niya maiwasang malungkot. Gusto na niyang makasal sa lalong mabilis na panahon. Pero anong magagawa niya? Mukhang wala pa namang plano si Zac.
Bumuntong-hininga siya at itinuon sa mga cookies ang atensyon.
"Mukhang madami ka ng nagagawang cookies ha, maganda ’yan nang may napaglilibangan ka."
Ngumiti siya sa Mommy niya.
"Opo Mommy, mamaya ay cupcakes naman. Tikman mo para malaman ko kung masarap ba ang gawa ko." Ang Mommy niya naman ang ngumiti pagkasabi niya 'non.
Kumuha ito ng isang piraso at tinikman iyon.
"Hmm masarap anak. Hindi masyadong matamis. Tamang-tama lang at hindi nakakasawa ang lasa," anito at muling kumagat sa cookies.
"Salamat naman Mommy at nasarapan niyo ang gawa ko. Si Zac ay hindi masyadong mahilig sa matamis pero paminsan-minsan ay napapakain ko rin naman," aniya sa ginang.
Nagtimpla siya ng juice para sa ina at sa sarili, sinabayan na rin niya itong kainin ang cookies na ginawa niya. Pagkatapos ay pinanood siya nito sa pag gawa ng mga cupcakes. Pinupuri siya nito at kapag may gustong i-suhestiyon ay tinutulungan siya ng Mommy niya. Buong araw silang nagkuwentuhan at naging bonding nila iyon.
Magdidilim na nang umalis ito kaya naiwan ulit siyang mag-isa sa bahay. Pumanhik siya sa itaas at naglinis ng katawan, matapos maglinis ay minabuti niyang mahiga. Medyo nangawit kasi siya kanina sa mga ginawa nila.
Binuksan niya ang malaking flatscreen tv sa kwartong iyon at nanood ng balita, maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si Zac.
"Baby, nandiyan ka na pala," aniya at tumayo. Hinalikan ni Zac ang noo niya.
"Sorry marami lang akong inasikaso kaya medyo late na ’kong nakauwi. Are you okay?" nag-aalang tanong nito sa kaniya.
"Oo naman okay lang ako. Nandito kanina si Mommy. Kaaalis lang niya. Nag-bake kami."
Tinanggal niya ang suot nitong tie at pagkatapos ay kinuha niya ang pampalit nito ng damit.
Nakatitig ito sa kaniya kaya bahagya siyang nailang.
"W-why?" tanong niya,ngumiti lang ito.
"Nah, I'm just happy and feel lucky to have you. I love you!" Hinapit nito ang bewang niya at hinalikan siya sa labi, tinugon niya naman ang halik nito.
"I love you too!" sambit niya at nginitian ito.
"Kung ganoon ay hindi ko pala inabutan si Mommy, pero salamat naman at may nakasama ka pala dito kanina," anito at naupo sa kama, hinila siya nito kaya napaupo siya sa kandungan nito.
Sanay na itong tawagin na Mommy ang Mommy niya dahil iyon ang sinabi ng Mommy niya, dapat daw ay Mommy na rin ang itawag ni Zac sa kaniya at ayaw nito ng Tita. Sinunod naman iyon ni Zac kaya Mommy na rin ang tawag nito.
"Baby?" pukaw ni Zac sa kaniya habang ang mga mata ay seryosong nakatitig sa mata niya, medyo kinabahan siya dahil doon.
"What?" tanong niya rito.
"Paano kung malaman mo na natukso at nambabae ako? Anong magagawa mo sakin?"
Napalaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito, agad naman itong tumawa at binawi ang sinabi.
"Just kidding, I just wanted to see your reaction. But don't worry. I won't let that happen."
Ngumiti ito sa kaniya at hinalikan ang tungki ng ilong niya "Mahal na mahal kita," bulong nito.Nawala ang inis niya sa tanong nito nang magsimula nitong halikan ang labi niya at ihiga siya sa kama, hindi na siya nakapalag dahil gustong-gusto na ng katawan niya ang mga sumunod na nangyari. Inaangkin siya nito at kusa siyang nagpaubaya.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...