CHAPTER 20

346 14 0
                                    

Sa ika-labing tatlong araw nila sa resort na pag-aari ni Zac ay hinayaan na nitong bukas iyon para sa mga turista, mabilis na sumapit ang araw at bukas ay uuwi na sila. Hindi alam ni Alessandra kung bakit parang pinipiga ang puso niya sa isiping aalis na sila sa lugar na iyon. Ang dami nilang ala-ala na ginawa sa lugar na iyon at masaya ang puso niya.

"Hey are you okay?" untag sa kaniya ni Zac nang mapansin na malalim ang iniisip niya, nasa kubo sila at nakahiga ito sa hita niya, masaya na ang paligid dahil marami ng tao ang nagtatampisaw sa dagat, alas dyes pa lang nang umaga.

Naglakbay sa isipan niya ang mga pinagsaluhan nila sa dagat na iyon, saksi ito sa pagmamahalan na binuo nila. ’Di niya maiwasang ngumiti kahit may halong pait iyon. Nagpasya rin siya na uuwi siya sa pamilya niya pagkaalis nila dito bukas, alam niyang nag-aalala na ang mga ito sa kaniya.

"Baby?" muling tawag sa kaniya ni Zac.

"Okay lang ako." Pinilit niyang ngumiti sa binata.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Zac, kinuha nito iyon sa bulsa at sinagot ang nasa kabilang linya.

"Hello?"

Kumunot ang noo ni Zac dahil sa kausap nito sa kabilang linya.

"What? You're here? Huh! Dimwits are not welcome here, so back off!" Sumimangot si Zac sa kausap na animoy nakikita ito ng nasa kabilang linya.

Ibinaba nito ang cellphone at iiling-iling na nagpakawala ng buntong-hininga sa hangin sabay tingin sa kawalan.

Napansin niya na may tinitingnan si Zac at napatapik ito sa noo nang makita ang papalapit na bulto ng mga tao.

Ang isa ay kumakaway kay Zac habang may hawak na cellphone sa kamay at iwinawagayway nito iyon.

"Fuck!" bulong ni Zac sa sarili.

Hindi na niya naiwasan ang magtanong.

"Sino ang mga iyon?" tanong niya kay Zac.

Anim na katao ang nakikita niya ngayon na naglalakad papalapit sa kanila, tatlong babae at tatlong lalaki. Mukhang magkakasintahan ang mga ito.

"Hey!" bati ng isang lalaki, nakilala niya kung sino ito. Ito yung lalaking kausap ni Zac noon sa opisina nito na may dalang folder.

"What's up my dear bestfriend, did you miss me?" sabi naman nung isa, nakaakbay ito sa kasama nitong babae.

"Fuck you Lucard!" iritadong sabi ni Zac sa lalaki.

"Mabuti na lang talaga at nalaman namin na nandito ka, na-miss namin dito eh. ’Di ka man lang nag-aya," sabi ulit ng isang lalaki.

"Sinabi lang ni Ashton na nagkita daw kayo dito," sabi pa ulit nong isa pagkatapos ay naupo na ito sa upuang kawayan at pinaupo din ang katabi nitong babae.

"By the way Hi Miss beautiful!" bati sa kanya no’ng lalaki na nakita niya dati sa opisina ni Zac, akmang ilalahad nito ang kamay pero mabilis na tinabig iyon ni Zac.

Tumawa lang ang lalaki.

"I'm Lord Valdemor," pagpapakilala nito sa kaniya at agad na binawi ang kamay.

"And this is my fiance, Irene."

Ngumiti ang babae sa kaniya, singkit ito at petite. Ngumiti din siya sa babae. Sunod na nagpakilala ay yung lalaking tinawag nitong Lucard.

"Hi Pretty, my name is Lucard at ako lang naman ang bestfriend ni Zac, ako lang kasi ang tumagal sa ugali niyan eh," sabi nito at rinig niya ang bulalas ni Zac mula sa gilid niya.
"Asshole," bulong nito sa hangin at pagkatapos ay umiling-iling. Hindi nakalimutang ipakilala ni Lucard ang asawa nito sa kaniya "Anyway this is Keesha. Ang aking mahal na may bahay."

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon