CHAPTER 04

453 17 0
                                    

Hindi mapakali si Alexus habang nakatingin sa orasan, buong araw ng hindi umuuwi ang kapatid niyang si Alessandra, grabe na ang pag-aalala nila para rito. Nasaan na ba ito?

"Kuya tinanong ko na ang mga kaibigan nila, even Nicole pero wala raw doon si Alessandra, umuwi daw ito pagkatapos ng party." May pag aalala na rin sa mukha ng isa pa nilang kapatid.

"Huwag mo na lang muna sabihin kay Daddy dahil baka makadagdag pa sa alalahanin niya, kahit si Mommy nag-aalala na pero hindi rin sinasabi kay Daddy. Ang sabi lang namin eh busy si Alessandra dahil may mga inaayos ito sa trabaho."

Marahang napatango-tango si Almond, matanda lang siya ng isang taon dito at halos magkamukha sila at napagkakamalang kambal. Matangkad lang siya ng kaunti dito ngunit hindi naman mapapansin iyon kung hindi sila magdidikit.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nasaan ka na ba Alessandra?

Lahat na ng puwedeng kontakin ay pinakontak na niya kay Almond, lahat ng mga kaibigan nito ay pinuntahan pa nila pero hindi alam ng mga ito kung nasaan si Alessandra, nakapatay na rin ang cellphone nito at hindi na makontak ang number.

Bigla ay napaisip siya ngunit kaagad din niyang iniwas ang isiping iyon na ayaw niyang magkatotoo.

Hindi maaari...



*****

Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ni Zac habang pinagmamasdan ang natutulog na si Alessandra, natulog ulit ito matapos niyang iwan sandali kanina dahil may inasikaso siyang meeting, mabuti na lang at maaga iyong natapos.

Itinali niya ang mga kamay nito ngunit hindi naman natuloy ang binabalak niya dahil nga tumawag ang secretary niya. Pinapunta siya nito sa opisina.

Ngayon ay nandito siya sa kwarto niya kung saan niya ikinukulong ang dalaga, mahimbing itong natutulog at tila isang anghel na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Nakagat niya ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa hita nitong bahagyang nakaawang. Hindi pa rin pala ito nakakapagpalit ng damit.

Damn! Nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Tiningnan niya ang number ni Lucard sa cellphone niya at tinawagan iyon.

"Hey bastard," agad na sagot nito sa kabilang linya.

"Fuck you man! Where's your wife?" masungit na tanong niya sa kaibigan.

"Huh? Teka, anong kailangan mo sa asawa ko—"

"Moron, hindi ko aagawin sayo ang asawa mo!" singhal niya sa kabilang linya kaya rinig niya ang mahinang pagtawa nito

"Y-yeah relax, easy! Heto na nga tatawagin ko na. Hey sweetie—"

Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil ayaw niyang marinig ang mga kasunod na sasabihin nito sa asawa. Si Lucard ang lalaking malandi na nakilala niya. Mas malandi pa ito sa babae kapag kausap ang asawang si Keesha.

"Hey Mr. Fuentabella," bati ni Keesha sa kaniya sa kabilang linya.

"May kailangan ka?" dagdag pa nito.

"Yeah, I need women's—"

Natigilan siya bigla, ano bang sasabihin niya?

"Women's what?" paghihintay ni Keesha sa sasabihin niya.

"Ah, I need women's clothes right now—"

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang biglang sumingit sa usapan ang walanghiyang kaibigan niya na nakikinig pala sa usapan nila.

"What?! Zac, are you fucking gay?!" bulalas nito, rinig niya ang mahinang halakhak ni Keesha

"Fuck you Roscoe!" pagmumura niya sa apelyido nito.

"Why the fuck do you need women's clothes?"

"It's none of your business, asshole! I'm not talking to you, give the phone back to your wife, I'm gonna kill you!" galit na wika niya.

Hindi na niya narinig ang boses ni Lucard dahil inagaw na ni Keesha ang cellphone dito.

"Anong size ba ang kailangan mo and anong uri ng mga damit?" tanong ni Keesha.

"Anything, it seems like you have the same body type as the woman in my house so you know what to do. It's up to you, just name your price," he replied.

"Sure Mr.Fuentabella, Lucard will be there in a minute, bye!" paalam nito

Napabuga siya ng hangin dahil sa huling sinabi nito, ang walanghiyang si Lucard pa pala ang magdadala ng mga iyon sa bahay niya! Fuck!

Kaibigan niya si Lucard since high school at may ari naman ng boutique si Keesha na asawa nito, nagkakilala ang mga ito sa London dahil doon nag-aral si Lucard ng kolehiyo, alam niyang hindi basta-basta ang itinitinda ng babaeng ito dahil lahat iyon ay nanggagaling pa sa ibang bansa at alam din niyang halos may ginto ang presyo ng bawat isa. Knowing him, alam ni Keesha na hindi siya papayag bumayad sa mga cheap prices lang.

Mga dalawangpung minuto ang lumipas ay bumaba siya dahil sa mga sigaw mula sa ibaba.

"Hey, you piece of shit! I'm Zac's friend, why don't you let me in?" Gigil na gigil si Lucard habang nagpipilit na makapasok sa loob ng bahay niya.

Ang sarap panoorin ng scene, napangisi siya pero agad din niyang pinawi iyon.

"Let him in," utos niya sa mga tauhan na nakabantay sa labas ng bahay niya, nakapalibot ang mga ito sa paligid ng mansyon.

Muling tiningnan ng masama ni Lucard ang mga tauhan niya at may halong pagbabanta iyon.

Inayos nito ang kuwelyo bago bumaling sa kaniya at lumapit.

Inilahad nito ang kamay sa kanya, hawak-hawak pa rin nito lahat ng paper bags. Kulay pink pa naman lahat yon. Pfft. Ibig niyang matawa sa kaibigan.
Sino kaya ang mas mukhang bakla sa kanila ngayon?

"You see, you look more gay than me now," he teased.

Napapasong inabot nito sa kaniya ang mga damit.

"How dare you? Matapos ’kong bitbitin sayo ang mga ito at pinagpawisan pa ang gwapo kong mukha dahil sa mga walanghiya mong tauhan!" asar na sabi nito kaya napangisi siya.

Ang sarap talaga tingnan ni Lucard kapag nabubwisit ito.

"One hundred thousand." Inilahad ulit ni Lucard sa kaniya ang kamay.

"One hundred thousand for just ten pairs of clothes?" taas ang kilay na tanong niya. Ayaw niyang isipin na baka ginugulangan na naman siya ng gunggong na ito.

"Oh, nangungwestiyon na ngayon ang isang Zac Fuentabella?" Ngumisi ang kaibigan niya.

"Fuck you!"

Ibinagsak niya sa palad nito ang cheke.

"Thanks my friend." Ang lapad ng ngisi nito, mabilis na niya itong itinaboy matapos makuha ang mga damit.

Bago ito umalis ay luminga-linga pa ito sa paligid na animoy gustong usyosohin kung may kasama ba siyang babae sa bahay.

"Get out Lucard, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko!" giit niya.

Nagtaas lang ng middle finger si Lucard bago tuluyang lumabas ng mansion niya. Napabuga siya ng hangin. Baliw talaga ang isang 'yon.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon