CHAPTER 30

302 11 0
                                    

Kinabukasan ay maagang umalis si Zac kaya naiwan si Alessandra sa loob ng bahay, agad siyang tumakbo sa lababo nang makaramdam siya ng pagbaligtad ng sikmura, parang hinahalukay na naman ang tiyan niya kaya kumuha siya ng maligamgam na tubig at ininom iyon.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi na maganda ang nagiging kutob niya.

Posibleng buntis siya at hindi siya tanga para hindi maisip ang bagay na iyon, madalas silang magtalik ni Zac at wala naman itong proteksyon na ginagamit simula't sapul.

Wala sa sariling nahawakan niya ang manipis na tiyan, mamaya ay lalabas siya upang pumunta sa isang pharmacy. Hindi niya muna sasabihin kay Zac kung ano man ang maging resulta.

Kumain muna siya ng kaunti bago naligo at pagkatapos ay tahimik niyang nilisan ang bahay.

Kagat-kagat niya ang kuko sa daliri habang hinihintay na matapos ang customer sa harap niya, nasa pharmacy na siya at hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman, nanginginig pa ang kamay niya nang sa wakas ay iabot sa kaniya ng babae ang pregnancy test.

"S-salamat," pilit ang ngiting sabi niya bago tumalikod at nagmadaling umuwi.

Napabuga siya ng hangin pagkabalik sa bahay ni Zac, hawak-hawak niya ang PT at tinitigan niya iyon.

Buntis nga kaya siya?

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Zac, muntik na siyang mapalundag dahil sa biglaang pagsulpot nito.

"Baby? Anong ginagawa mo bakit nakatayo ka diyan?" takhang tanong nito sa kaniya.

Mabilis na itinago niya ang PT sa kamay at naging mailap ang tingin niya kay Zac.

"Baby, what's the problem?" nag-aalalang tanong nito, umiling-iang siya at pilit kinalma ang sarili.

"H-ha? W-wala. Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" balik na tanong niya kay Zac para itago ang kabang nararamdaman.

"Tapos na ang meeting ko," sagot naman nito, sinusuri pa rin siya nito.

"Bakit ang bilis naman? Wala kapang dalawang oras nakakaalis ah?" aniya.

"Gaano ba katagal dapat makipag-usap sa kanila? Nagmadali akong umuwi para sayo, wala kang kasama dito," sagot nito, bahagya siyang kinilig dahil sa sinabi nito. Inaalala pala siya ni Zac kahit nasa trabaho ito.

"G-ganoon ba? Hmm okay!" Pinilit niyang ngumiti at humakbang papunta sa sofa kaya lang sa kinamalas-malasan nalaglag sa kamay niya ang PT, dahilan para mapatingin doon si Zac.

Shit!

Parehas silang nakatingin lang sa nahulog at saglit na natigilan, balak niya pa sanang bilisan na damputin iyon at itago kaya lang ay naunahan na siya ni Zac.

"Z-zac..." tawag niya sa pangalan nito, nasa kamay na nito ang PT at maang itong lumingon sa kaniya.

"Baby, what's this?" tanong nito, naging mailap ang mata niya kay Zac.

"Baby, answer me! Are you pregnant?" nagniningning ang mga nito habang nakatitig sa kaniya, lumapit ito sa kaniya at ginagap ang kamay niya.

"H-hindi ko pa alam, wala pa naman nakalagay diyan hindi ko pa nati-test," sagot niya, kagat niya ang ibabang labi nang kuhanin sa kamay nito ang PT.

"God! I'm going to be a Dad!" masayang sabi nito kahit wala pa namang resulta. Masiglang-masigla ito at hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksyon ni Zac.

"Wala pa naman hindi ko pa nga alam, hindi pa ako nagti-test sa sarili ko," sabi naman niya, baka kasi mamaya ay hindi naman talaga siya buntis.

Ngumiti lang si Zac at niyakap siya nito.

"Baby, I knew it. Kaya siguro ang sungit-sungit mo sakin these past few days, siguro ay pinaglilihian mo ako," nakangising sabi nito habang ang mukha ay nasa leeg niya.

"Huwag ka nga agad mag-expect diyan, hindi pa naman tayo sigurado, kaya nga ayaw ko rin sana munang sabihin sayo pati tong pag-test ko. Ayokong madismaya ka kapag negative ang result," aniya pero parang hindi man lang siya nito narinig. Hinimas nito ang tyan niya na para bang siguradong-sigurado na itong buntis siya.

Naupo muna sila sa sala habang hinihintay niya na tawagin siya ng kalikasan, at nang maramdaman niya iyon ay nagpunta siya sa banyo. Si Zac ay nakasunod sa kaniya na kanina pa rin hindi mapanuto, tanong na ito ng tanong kung naiihi na raw ba siya.  Gustong niyang matawa, ganoon na ba nito kagustong magka-baby? Hindi niya inaasahan iyon kay Zac pero masaya siya.

Nasa loob na siya ng banyo habang si Zac ay nasa labas at hinihintay siya.

"Baby? Are you done? Please let me in," sabi pa nito.

"Huwag kang magulo, maghintay ka lang diyan," sagot niya, tumingin muna siya sa itaas habang hinihintay ang magiging resulta ng test, paano kaya kung negative? Paano kung masyado lang silang nagbibigay ng kahulugan?

Biglang bumukas ang pinto ng banyo at di na nakapagpigil si Zac na pasukin siya sa loob.

Hindi pa rin niya tinitingnan ang resulta pero nagulat na lang siya ng bigla siyang buhatin ni Zac habang sumisigaw.

"Yes! I knew it! Oh my God! I'm going to be a father, yes yes!" bulalas nito habang buhat-buhat siya.

"Zac ano ba ibaba mo nga ako!" kinakabahang sabi niya.

Ngiting-ngiti si Zac nang ibalik sa kamay niya ang PT, dalawa ang guhit kaya positive, buntis nga siya, napangiti na rin siya lalo pa ng makita niya ang reaksyon ni Zac na masayang-masaya.

"Baby, hindi mo alam kung gaano ako kasaya," anito at hinalikan ang buong mukha niya. "I love you so much!"

Pinisil niya naman ang pisngi nito.

"I love you baby. Handa ka na ba maging tatay?" Ipinalupot niya ang braso sa batok nito.

"Yes, kahit isang dosena pa!" Ngumisi ito kaya kinurot niya ito sa braso.
Akala yata nito ay ganoon lang kadali ang manganak.

Lumabas na sila ng banyo pero hindi pa rin maalis-alis ang pagkakahawak ni Zac sa bewang niya.

"Simula ngayon bawal ka ng gumalaw-galaw, kailangan magpahinga ka lagi baby," seryosong sabi nito, gusto niyang matawa dahil masyado itong OA, hindi pa naman malaki ang tiyan niya kaya walang kaso iyon.

"Ano ka ba naman, buntis lang ako hindi ako baldado," aniya at binuntutan ng tawa ang sinabi.

"Baby, ayokong mapahamak ang bany natin. Mas mabuti na ang nag-iingat," sabi pa nito.

Naupo sila sa sofa at niyakap niya ito roon, siguro ay napaglilihan niya nga si Zac palagi niyang gusto ang prisensya nito ngayon, gustong-gusto niya itong niyayakap o kaya ay ayaw niyang nawawala ito sa paningin niya, noong una naman ay bwisit na bwisit siya rito at halos ayaw niya itong tumatabi sa kaniya. Ganoon ba kapag buntis? Parang baliw lang.

"So what do you want to eat? Just tell me whatever you want, baby," ani Zac sa kaniya, lumapad ang ngiti sa labi niya. Kanina pa kasi talaga siya may kine-crave na kainin.

"Gusto ko ng manggang hinog," sagot niya at isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg nito, hindi niya alam kung panahon ng mangga ngayon.

"Mangga? Hmm panahon ba nun ngayon?" tanong nito at parang nabasa ang nasa isip niya.

"I don't know, gusto ko nun. Ihanap mo ako nun," paglalambing niya.

"Sure my baby, hahanapan kita ng mangga mamaya, pero sa ngayon manood muna tayo."

Binuksan nito ang TV at sumandal sa sofa habang siya naman ay nakasiksik pa rin sa tabi nito, she feels happy and complete. Napakaswerte niya kay Zac, mahal na mahal siya nito at ang magiging baby nila. Ngayon pa lang ay nakikita na niya kung gaano ito ka-excited, mas excited pa ito sa kaniya.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon