CHAPTER 10

375 14 0
                                    

Sa loob ng dalawang taon pinili ni Zac ang mag isa, teenager pa lang siya nang mamatay ang Mama niya, ang kanyang ama na laging busy sa trabaho ay hindi na rin siya masyadong nabibigyang pansin noong bata pa lang siya pero mahal siya nito. Hindi lang nito iyon masyadong ipinapakita pero ramdam niya kung gaano nito kagustong maging matagumpay siya sa lahat ng bagay.

Mayroong inampon ang mga magulang niya noon, si Zeus pero nang tumuntong ito ng highschool ay hinanap nito ang totoong magulang at mas pinili nitong bumalik sa tunay na kadugo. Nagpaparamdam man ito sa kaniya ay madalang na dahil naging maganda na ang trabaho nito sa France at doon na nag-stay. Pakiramdam niya ay galit sa kaniya ang mundo kaya naging mapakla ang paningin niya sa Diyos, maraming tanong ang naiwan sa kaniya lalo pa nang mamatay ang nag-iisang kasama niya sa buhay. Ang kaniyang ama. Para siyang pinagsukluban ng langit at lupa, naiwan siyang mag-isa, oo nga't marangya ang buhay niya pero malungkot naman iyon.

Anong magagawa ng karangyaan kung wala ka namang dapat paglaanan nito? Pati ang puso niya sa mga babae ay tuluyan ng nagsara. Naging mainitin ang ulo niya, masama lagi ang timpla at niyakap niya ang katotohanan na mag-isa na lang siya sa buhay.

Galit na galit siya sa mga Rivaz lalo na nang malaman niyang si Alexander Rivaz ang pumatay sa ama niya na dati nitong kakumpetensya sa negosyo. Nakita na lamang ang Daddy niya noon sa sariling opisina nito na duguan at may tama ng baril. Hindi na ito nabuhay pa. Nakita sa CCTV ang paglabas ng ama ni Alessandra sa building. Ito lang ang mortal na kalaban ng ama niya kaya malinaw na ito lang ang gagawa niyon.

Hanggang ngayon ay mapait pa rin sa kaniya ang ala-alang iyon. Nawalan siya ng gana sa buhay pero kailangan niyang magpatuloy.

Nagpakayaman siya, itinuon niya ang oras at atensyon sa pagtatrabaho. Puro trabaho lang at nakalimutan na niya ang sariling kaligayahan. May mga nirereto sa kaniya ang mga kaibigan niya ngunit wala talaga siyang gana makipag-flirt sa mga ito, nagsasayang lang siya ng oras. Isang bagay lang siguro ang ibig sabihin 'non. Hindi siya nakakaramdam ng tawag ng laman sa taong hindi naman niya mahal. Mag aaksaya lang siya ng panahon. Kahit sabihin ng iba na bakla yata siya kaya masyado siyang suplado at pihikan sa mga babae ay hinahayaan na lamang niya ang mga ito. Hindi pa siya handa dahil matigas pa rin ang puso niya at wala pang nakakapagpabago ’non.

Akala niya ay hindi na ulit niya makikita ang magandang parte ng buhay, akala niya puro pagkasuklam na lang ang mararamdaman niya sa mundo ngunit nang makilala niya si Alessandra pakiramdam niya'y may lumukob sa pagkatao niya na matagal na niyang gustong maramdaman ulit.

Galit na galit siya sa ama nito ngunit anong magagawa niya ngayon? Isang bahagi ng pagkatao niya ang nahuhumaling na sa dalaga. Ito ang bumuhay ulit sa kaniya sa kamunduhan. Ito ang nakapagparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Gusto niya itong palaging nakikita at naaadik na siya sa prisensya nito. Napakalakas ng epekto nito sa kaniya na sa tuwing masisilayan lang niya ito ay gusto niya agad itong angkinin.

Ayaw na niya itong mawala.

Ngayon ay lulan sila ng sasakyan at ipinarada niya iyon sa isang sikat na restaurant. Bago sila umuwi ay minabuti niyang kumain muna sila.

"Dito tayo kakain? Mahal dito di ba?" sabi ni Alessandra, siguro ay alam nito ang restaurant na iyon kaya nito nasabing mahal.

"The hell I care?" sabi lang niya at umikot para pagbuksan ito ng pintuan.

Bumaba naman ito nang ilahad niya ang kamay para yayain na ito sa loob.

Umorder sila ng pagkain at may isang babae ang nakita niyang kanina pa sila pinagmamasdan. Hindi niya alam kung kakilala niya ito or siya ang kilala nito. Hindi niya matandaan.

Parang nakita na niya ang mukha nito pero hindi lang niya maalala.

Hindi naman kasi siya mahilig tumanda ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya.

Maya-maya ay lumapit ito sa kanila.

*****

Nang mailapag ng waiter ang order nila ay tahimik lang na kumain si Alessandra, ayaw niyang salubungin ang malalalim na tingin ni Zac matapos na may mamagitan ulit sa kanila kanina.

Aaminin niyang kakaiba ang pakiramdam na iyon, isang bahagi ng pagkatao niya ang gustong-gusto ang lahat ng nagaganap sa pagitan nila ni Zac pero alam niyang galit ito sa kaniya at sa pamilya niya. Moody ito, minsan ay masungit at minsan naman ay parang anghel. Hindi niya rin maintindihan ang mood nito.

Maya-maya ay may lumapit sa kanilang babae, kita niya ang kamay nito na humaplos sa balikat ni Zac, napaawang ang labi niya pero pinigilan niya ang ipahalata iyon.

"Zac! Kamusta ka na? Sabi ko na nga ba ikaw ’yan. Kanina pa kita gustong lapitan pero sinigurado ko muna." Nakangiti ang babae, maganda ito at hindi sila nagkakalayo ng kutis, makinis rin ito. Halatang anak mayaman.

May kaunting kirot siyang naramdaman nang makita ang kamay nito na nakapatong pa rin sa balikat ni Zac.

Kita niyang inilayo ng binata ang balikat.

"Hindi mo ba ko natatandaan? Ako ito yung pinsan ni Lucard!"

Napaismid siya, hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang nawalan ng gana.

Nanggigigil siya sa prisensya nito ngayon, hindi man lang siya alintana ng babae.

"I'm sorry hindi kita kaagad natandaan," rinig niyang sagot ni Zac.

"It's okay, matagal-tagal na rin kasi buhat noong huli tayong nagkita sa party ni Lucard, remember lasing na lasing ka nga nun at ako pa ang naghatid sayo pauwi. God! Its been 3 years, ngayon lang ako ulit nakauwi ng Pilipinas."

Masyadong madaldal ang babae at kita niyang parang wala naman pakealam si Zac sa mga sinasabi nito pero naiinis pa rin siya. Naiinis pa rin siya dahil kanina pa nito dinadaldal ang lalaking kaharap niya. Tsk!

Sinipa ni Zac ang paa niya sa ilalim at mataman siya nitong tinitigan sa mata, para bang humihingi ito ng saklolo na gumawa siya ng paraan para makaalis na sila sa lugar na iyon dahil naiirita na ito. Iyon ang nababasa niya sa mga mata nito.

Tumikhim siya at napilitang magsalita.

"Ouch! Ang sakit ng tiyan ko babe, nasusuka ako---" utal-utal niyang sabi habang umaarte sa harap ni Zac at nung babae, bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat.

Kita niya ang simpleng pag smirk ni Zac bago ito umalalay sa likod niya.

"I'm sorry Trish, pero mukhang kailangan na naming umalis. Nasusuka na naman ang asawa ko, maselan kasi ang paglilihi niya eh!"

Kita niya ang pag OH ng babae na halatang gulat na gulat dahil sa sinabi ni Zac. Gusto niyang matawa ng mga oras na iyon pero pinigilan niya, saan kaya napulot ni Zac ang palusot na 'yon? Infairness effective iyon at nakaalis nga sila sa lugar.

Nagmamadali na siyang kinaladkad ni Zac palabas ng restaurant na iyon.

Pabagsak itong sumandal sa sasakyan.

"Nice acting!" Nakangisi si Zac habang nakatingin sa kaniya.

"Ikaw din eh," sagot niya at sumilay ang munting ngiti sa labi niya, natatawa kasi siya sa ginawa nila kanina. Mukha silang tanga.

"Sino ba kasi ang babaeng 'yon? Ex mo? Or isa sa mga—"

"Nonesense kung pag-uusapan pa natin 'yon," mabilis na agap ni Zac. Nagkibit na lang siya ng balikat at pinaandar na nito ang sasakyan pauwi.

Dumaan na lang sila sa isang drive thru para sa bahay na kumain.

"Nauwi tuloy tayo sa Jollibee," sabi ni Zac sa gilid niya "Okay lang ba?"

"Ha? Oo naman!" mabilis na sagot niya, hindi naman siya maselan sa pagkain, ano bang akala nito sa kaniya?

Ngumiti si Zac at muli nitong pinaharurot ang sasakyan.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon