Nakapakat sa labi ni Zac ang malawak na ngiti habang pasipol-sipol at nagluluto ng agahan. Wala siyang suot na damit at naka-boxer lang, may nakasabit na apron sa kaniyang leeg.
Masayang-masaya ang pakiramdam niya, sino ba naman ang hindi eh kasama niya ang babaeng mahal niya at binalikan nga siya nito kahapon. Sa buong maghapon na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang angkinin lang ito ng angkinin.
Napatingin tuloy siya sa itaas, siguro ay pagod na pagod ito. Hindi pa rin kasi ito bumababa.
Tinuloy niya ang pagluluto, sa loob ng ilang taon ngayon lang niya ulit naramdaman ang bagay na ito. Kampante, panatag, at nag-uumapaw sa kasiyahan.
Matapos magluto ay pumanhik siya sa hagdanan upang tawagin si Alessandra.
"Good morning!"
Kinintilan niya ng halik ang balikat nito, nakatagilid ito habang balot na balot ng kumot ang katawan.
"Wake up baby, breakfast is ready," bulong niya sa tenga nito.
Tumihaya naman ito at nakangiting tumingin sa kaniya.
"Morning!" bati nito. Hinila nito ang batok niya at hinalikan siya sa labi.
"Hmm, baby lalamig ang pagkain," sabi niya, natigilan naman ito dahil doon.
"Ayaw mo ba?" Ngumuso ito, parang bata na nalaylay ang mga balikat nito.
Hindi niya kayang tanggihan ang maamong mukha nito ngayon, lalo na at sumasalat pa sa balat niya ang malulusog nitong dibdib.
"Isa na lang please?"
Napangisi siya dahil sa sinabing iyon ng dalaga, tumatalon ang puso niya sa isiping hinahanap-hanap siya nito.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na tumalima sa kagustuhan nito, inangkin niya muli ang labi nito at pinalalim ang halik.
Sa loob ng silid na iyon ay kumawala muli ang mga impit na ungol.
ALAS onse na ng tanghali saka pa lang sila bumangon, tiyak niyang malamig na ang pagkain na niluto niya kaninang umaga pero okay lang, dahil napagbigyan niya ang kagustuhan ni Alessandra. Magpapa-deliver na lang siya ng kakainin nila.
"Gutom na ako," nakangiwing sabi nito sa gilid niya habang hinihimas ang tiyan, hindi niya maiwasan ang matawa dahil sa itsura nito ngayon.
"Nagluto ako kanina pero siguradong malamig na iyon. Don't worry nagpa-deliver na ko ng pagkain natin," saad niya.
"I'm sorry. Sana ay hindi na kita pinakiusapan kanina, nagluto ka nga pala ng agahan natin, ’yan tuloy lumamig na pero puwede pa naman ’yun at okay lang sakin," nahihiyang sabi nito, kita niya ang pamumula ng pisngi nito nang titigan niya ito sa mukha.
"Okay lang, mas masarap naman yung—"
"Zac!" awat nito sa sasabihin niya at mas lalo itong pinamulahanan ng mukha, kinabig niya ito at niyakap sa mga bisig niya.
"I love you," bulong niya sa tainga nito.
"I love you Zac," malambing na sagot nito bago siya hinila palabas ng silid na iyon.
10 minutes lang silang naghintay at dumating na ang pagkain nilang pina-deliver.
"Kamusta sa inyo?" Binasag niya ang katahimikan habang kumakain.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya, hindi pa ito umuuwi buhat kahapon, malamang na hinahanap na naman ito ng pamilya nito. Nakaramdam na naman siya ng takot sa isiping aalis rin ito agad at iiwan na naman siya.
"Ayoko munang umuwi samin," Matamlay ang boses nito.
"Why, what's wrong?" alalang tanong niya. Napansin niya kasi na nawalan ng buhay ang mukha nito, may nasabi ba siyang hindi maganda o ayaw nitong pag usapan ang pamilya?
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...