EPILOGUE

511 18 0
                                    

"Shh, stop crying, baby, please. What's happening? Oh God, help me!"

Nasa ganoong tagpo si Zac nang abutan ni Alessandra. Galing siya sa palengke at namili ng mga pangangailangan nila sa bahay. Ang bilis ng panahon. 7 months na agad ang anak nilang si Zandra Alexine.

"Anong nangyayari, baby?" nag-aalalang tanong niya nang makita ang itsura ni Zac na tila hindi alam ang gagawin.

"She's been crying a lot earlier. I don't know what to do," anito at sinasayaw-sayaw ang anak nila.

Ibinaba niya ang mga pinamili at nilapitan ang mag-ama, kinuha niya ang bata at sinayaw iyon. Agad naman itong tumahan.

"What the..." hindi makapaniwalang sabi ni Zac, natawa siya dahil sa reaksyon nito.

"Hinahanap niya ang amoy ko," sagot naman niya.

"So that's how it is? I've been dancing with her for a while, she didn't want to stop, but as soon as you carried her, she stopped." Punong-puno ng pagkamangha ang mga mata ni Zac. Hinalikan niya ang ilong nito.

"Ibig sabihin, maka-Mommy si Zandra." Hinimas-himas niya ang noo nito hanggang sa makatulog.

"That means she doesn't love me?" Nalaglag ang balikat ni Zac na mas ikinatawa niya naman.

"Of course not. Ganoon lang talaga ang mga baby, mas panatag sila kapag sa sarili nilang ina."

Napatango-tango naman si Zac dahil sa sinabi niya at pinagmasdan ang anak nila.

Kamukha ni Zac ang anak nila at tanging labi lang niya at noo ang nakuha nito.

Naupo sila sa sala habang si Zac ay inayos ang mga pinamili niyang pagkain at gamit. Off ng katulong nila ngayon kaya wala ito.

Nakadapa sa kaniya si Zandra habang nakahiga siya sa sofa at nanonood ng TV, ilang saglit lang ay lumapit na si Zac sa kanila. May dala itong camera at ilang beses sila nitong kinuhanan ng larawan.

"Baby hindi naman ako naka-smile diyan," reklamo niya rito.

"Tingnan mo si Zandra," utos nito sa kaniya at muli silang kinuhanan ng larawan. Parang stolen shot iyon.

Napangiti siya matapos ipakita sa kanya ni Zac ang kuha niyon. Maganda at parang anghel ang anak nila sa picture. Tumabi si Zac sa kaniya at sa katawan na siya nito ngayon nakasandal habang ang anak nila ay nananatiling nakadapa sa dibdib niya.

"P’wede na kaya nating sundan si Zandra?" bigla ay tanong nito.

"What? Naku tumigil ka diyan baby. Ang hirap-hirap manganak," aniya at siniko ito, mahina naman itong napahalakhak.

"Mas maganda marami agad, para madali lang silang lumaki." Hinalikan nito ang buhok niya.

"Sige basta ikaw ang manganganak," biro niya at tumawa. Kinurot niya ang pisngi nito dahilan para pugpugin siya nito ng halik sa mukha.

"Aanakan talaga kita ng marami kasi tingnan mo naman kung gaano kaganda ang lahi ko sayo." Tumawa ito habang nakatingin sa anak nila.

"Siyempre maganda ako." Sinabayan niya ang pagtawa nito.

"Yeah. Maganda ka talaga baby." Naramdaman niya ang paghalik nito sa gilid ng leeg niya at nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanuya. Nangungusap na naman ang mga mata nito.

"Tulog naman si baby eh, baka p’wedeng umisa?" parang batang sabi nito. Pinandilatan niya ito dahil alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Miss na miss na kita. One week na kitang hindi nasosolo," pagmamaktol nito. Akala mo naman ay napakatagal nilang hindi nagsama, ang sarap talaga kutusan minsan ni Zac.

Muli nitong hinalikan ang leeg niya.

"Dalhin na natin si Zandra sa crib niya sa taas," anito at mabilis na tinanggal ang zipper ng bestida niya sa likod. Wala siyang nagawa nang kuhanin nito si Zandra sa kaniya at sinundan niya na lang ito sa itaas nang magpatiuna na itong pumanik sa hagdan.

Pagkababa nito kay Zandra na mahimbing na natutulog ay agad siyang nilapitan ni Zac sa kama. Tinanggal nito lahat ng saplot niya sa katawan at nagsimula nitong damhin ang dibdib niya. Napakagat labi siya dahil sa pamilyar na sensasyong naramdaman.
Naputol lahat ng pagtitimpi niya sa katawan at nagpatianod siya sa lahat ng gusto ni Zac. Paulit-ulit siya nitong inangkin at sunod-sunod ang naging pagpapakawala niya ng ungol sa loob ng silid nilang mag-asawa.

Umiyak lang si Zandra kaya sila natigil, pero nakadalawang round na rin sila nang magising ang anak nila. Natawa na lang siya sa sarili at si Zac naman ay naiiling na tumayo matapos magbihis. Kinarga nito si Zandra at isinayaw-sayaw, kumawala ang mga munting halakhak sa labi niya habang pinagmamasdan ito.

Tanging si Zac lang ang nakapagbigay ng kapanatagan sa buhay niya, tunay na napakaswerte niya sa piling nito. Mahal na mahal siya nito at ang anak nila.

"Baby bagay na bagay ’yan sayo," nakangiting sabi niya habang patuloy pa rin sa pag sayaw si Zac sa baby nila.

Nang tumahan si Zandra ay lumapit sa kaniya ang asawa at hinalikan siya sa labi.

"I love you Mrs. Fuentabella."

Ngumiti siya.

"I love you aking asawa." Nakangiting niyakap niya ang kaniyang mag-ama.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon