CHAPTER 15

343 16 1
                                    

Mabilis na sumapit ang isang linggo at nailibing na ang ama ni Alessandra. Masakit man ang loob niya ay pinatawad niya ang kaniyang ama sa huling araw nito bago mailibing.

Pinalaya niya ang sakit sa puso niya at ang bigat na naroroon. Ibinigay niya ang pagpapatawad para sa ama.

Mugto ang mga matang tinungo niya ang loob ng kaniyang kwarto, nahiga siya sa kama at nagkalat sa gilid niya ang mga planong hindi nuya pa natatapos noon. Nakapatong pa rin ito sa lamesa. Siguro ay hindi man lang nabisita ng Mommy niya ang kwartong iyon noon nung nasa kamay pa siya ni Zac.

Bigla niyang naalala ang binata.

Kamusta na kaya ito ngayon? Isang linggo na rin buhat noong huli niya itong nakita.

Nami-miss na niya ito.

Pumikit siya at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya, siguro dahil sa matinding puyat na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw kaya mabigat ang pakiramdam niya.

Pagkagising niya ay alas-dose na ng tanghali, kumakalam na ang tiyan niya kaya naman bumaba siya upang makakain, nasa trabaho na ang Kuya Alexus niya pati si Almond, ang Mommy naman niya ay nasa silid lang nito. Siguro ay natutulog din dahil puyat din ito noong mga nagdaang gabi.

Nagtimpla siya ng gatas at hinila ang isang upuan, pinapak niya ang bacon na nasa plato.

Muling sumagi sa isipan niya si Zac, nasaan na kaya ito? Pinangako niya na babalikan niya ito, gustong-gusto na rin niya itong makita. Nasasabik na siya sa binata.

Kaagad niyang niligpit ang pinggan at baso matapos siyang kumain, pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo upang maligo.

Pupunta siya ngayon sa mansyon ni Zac, tutuparin niya ang pangako na babalikan ito kaagad.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapalagay sa mga damit na naisukat niya, hindi siya makuntento. Maging sa ayos ng buhok at mukha niya ay papalit-palit siya ng isip. Gusto niyang maging maganda sa paningin nito kapag nagkita ulit sila.

Sa huli ay napili rin niya ang simpleng bestida na bulaklakan, kulay light pink ito at bumagay iyon sa kaniya. Mas minabuti niyang nipisan lang ang make up at nilugay lang niya ang basa pa niyang buhok.

Kaagad siyang lumabas ng gate at pinaandar ang kotse niya. Isinauli pala iyon ni Fierrah nang maiwan niya iyon sa party noon. Pati ang susi kasi niyon ay naiwan din niya sa loob ng bahay nito kaya alam niyang hindi iyon mawawala.

Excited siya na makita si Zac kaya naman napabilis ang biyahe niya, sanay pa naman siyang magmaneho ng mabilis dahil dati siyang sumasali sa mga car race. Natigil lang iyon dahil ayaw ng Daddy at mga Kuya niya, maaari raw niya itong ikapahamak.

Dalawampung minuto lang niyang binyahe ang lugar ni Zac at tumambad agad sa kaniya ang mala-palasyo nitong bahay. Huminga siya ng malalim pagkababa at pinagmasdan ang kabuuan niyon. Maaliwalas na iyon tingnan dahil wala ng mga armadong nakabantay mula sa labas.

Pansin niyang may mga bulaklak din doon na nagbigay ng magandang view sa bahay. Noong umalis siya ay wala pa ang mga iyon.

Bigla siyang kinutuban.

Bakit may mga bulaklak? May babae na ba sa bahay nito?

Nanikip ang dibdib niya sa isiping iyon pero pinindot pa rin niya ang pindutan na nasa gate, huli na ng mapagtanto niyang bukas iyon.

Pagpasok niya ay kumatok ulit siya sa malaking pintuan, bukas din iyon ibig sabihin ay may tao dahil iniwanan iyon nang hindi nakasusi.

Marahan siyang pumasok sa loob, at nagkalat na papel ang sumalubong sa kaniya habang nakasalampak sa sahig ang lalaking hinahanap ng mga mata niya kanina pa. Tila frustrate na frustrate ito habang pinagmamasdan ang mga papel na nasa lamesa. Nakatalikod ito at siguro ay pinagtatapon ang mga papel na iyon dahil sa inis. Kita niyang aburido ito habang nagmumura.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon