CHAPTER 23

278 13 0
                                    

Nakatingala si Zac habang iniikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan niya, nasa opisina siya at walang ibang laman ang isip niya kundi si Alessandra.

Iniwan lang niya ito kahapon sa pamilya nito pero miss na miss na naman niya ito agad.

Masaya siya at nakahinga ng maluwag dahil sa mga nangyari, tinanggap siya ng pamilya nito at pinagkatiwalaan. Malaking bagay iyon sa kaniya, kahit maraming nangyari sa pagitan niya at ng pamilya nito, sa huli pag-ibig pa rin nila ni Alessandra ang namayani.

Sinong mag-aakala na ito ang mamahalin niya? Siguro ay sinadya ng Diyos ang bagay na iyon, ama man nito ang dahilan ng poot niya noon, ang anak naman nito ang naging kapalit ng kasiyahan na nararamdaman niya ngayon.

Napatingin siya sa pintuan ng may biglang kumatok doon.

"Come in," wala sa sariling sabi niya at umayos ng upo habang hinihintay kung sino ang papasok.

Parang bigla siyang naestatwa nang pumasok roon ang isang pamilyar na babae.

"Zac..." nakangiting sambit nito habang nakatingin sa kaniya.

Hindi siya nakakilos at nanatili lang na nakatingin sa panauhing pumasok.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito?

"Lara..." Sa wakas ay nakapagsalita rin siya.

Anim na taon na rin buhat noong huli niya itong makita.

"Zac!" Masaya itong lumapit sa kanya at nakipag-beso pa.

"A-anong ginagawa mo dito?" naguguluhan niyang tanong sa dalaga, bigla na lang itong sumulpot sa opisina niya. Paano nito nalaman na dito siya nagtatrabaho? Hinanap ba siya nito?

"Hi! I'm just here to invite you. Nakakapagtampo ka kasi, hindi mo man lang sini-seen ang mga messages ko sa facebook mo," sabi nito at tila nalungkot ang mukha, parang bata itong nagtatampo. Wala pa rin itong pinagbago, mukhang may pagka-isip bata pa rin.

"Sorry. I'm just not really into checking social media," sagot niya.

Ngumiti ang babae.

"Hindi ka pa rin nagbabago, ayaw mo pa rin sa mga social media thingy. Hello? Uso na kaya 'yon, napag-iiwanan ka na," biro nito sa kaniya.

Tiningnan niya ang hawak nitong invitation, inabot nito iyon sa kaniya.

Binasa niya ang laman.

"Oh ikakasal ka na?" tanong niya pagkabasa sa nilalaman niyon.

Dati niyang kasintahan si Lara at kaibigan nila ito, naghiwalay sila 6 years ago dahil nangibang bansa na ito at ngayon ay umuwi na. Maganda ang samahan nila dahil magkakaibigan sila nila Lucard.

Maayos naman silang naghiwalay at wala na sa kaniya iyon, parang magkaibigan lang naman kasi talaga ang turingan nila dati kahit mag-nobyo at nobya sila.

"Gusto ko nandoon kayong lahat sa kasal ko. Isama mo sila Lucard, huwag kayong mawawala magtatampo ako sa inyo," sabi nito.

"S-sure, asahan mong nandoon kami," sagot naman niya.

"Kailan kapa nakauwi?" kapagkuwan ay tanong niya, maliit itong babae at hindi katulad ni Alessandra, morena ang kutis nito at bumabagay iyon sa maganda nitong mukha. Pero para sa kaniya si Alessandra ay nagtataglay ng kakaibang karisma, mayroon itong ganda na hindi nakakasawang tingnan, at hindi siya nagbubuhat ng bangko ng nobya kung sasabihin niyang mas maganda si Alessandra sa babaeng ito.

Ipinilig niya ang ulo.

Why is he even comparing the two? Of course his fiancée is much more beautiful than his ex, there's no doubt about that.

"Kahapon lang kami nakauwi ni Darwin. Marami pa sana tayong dapat pagkuwentuhan pero kailangan ko ng umalis dahil nilalakad ko pa ang pagbibigay ng invitation, ’di bale magkakaharap-harap naman tayo sa party. Sige na I have to go, Zac." Ngumiti ito at nagulat siya dahil yumakap ito sa kaniya.

"Na-miss kita. Na-miss ko kayong lahat. Basta ha? Wag kayong mawawala," muling paalala nito.

Wala sa sariling napatango na lang siya at tinapik-tapik ang likod nito habang nakayakap sa kaniya.
Nang maghiwalay sila ay tinanaw na lang niya ito palabas ng opisina niya.

-

Masayang-masaya si Alessandra na nagtungo sa opisina ni Zac upang dalhan ito ng pagkain. Balak niyang i-surprise si Zac. Wala itong kaalam-alam na dadalawin niya ito sa oras ng trabaho nito.

Napangiti siya nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng opisina nito.

Akmang bubuksan na niya ang pinto nang mapansin niya na bukas naman pala iyon at bahagyang nakaawang.

Napatigil siya nang makarinig ng dalawang boses na nag-uusap, boses ni Zac iyon at parang nanikip ang ang dibdib niya nang mapagtanto na mayroon itong babaeng kausap sa loob.

Mabilis siyang humakbang upang sumilip sa nakaawang na pintuan at halos manigas siya sa kinatatayuan niya nang makita niya si Zac.

Mayroon itong kayakap na ibang babae at hinahagod pa ni Zac ang likod nito.

"Na-miss kita—" ’Yun lang ang malinaw sa narinig niya at tila na-blangko na siya sa mga sumunod pa dahil umakyat na ang dugo sa ulo niya. Nanikip ang dibdib niya.

Hindi rin niya namalayan na nalaglag na pala ang bitbit niyang pagkain para sa binata.

Dali siyang tumalikod habang unti-unting naglalandas sa mga mata niya ang luha, ang sakit-sakit ng puso niya dahil sa nasaksihan. May kayakap na ibang babae si Zac at hindi niya alam kung sino iyon. Wala naman itong ibang kamag-anak kaya mas masakit sa kaniya ang isipin na mayroon itong ibang babae. Nakagat niya ang ibabang labi habang nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Sumakay siya sa sasakyan niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta, masakit ang puso niya. Masakit na masakit. Ayaw niyang umuwi sa kanila dahil alam niyang pupunta doon si Zac mamaya. Pinaghanda pa naman niya ito tapos iyon lang ang masasaksihan niya. Niloloko lang ba siya nito?

Well ano pa nga ba? Nakipagyakapan ito sa ibang babae at sa loob pa mismo ng opisina nito.

Namalayan na lang niya na pauwi ng Nueva Ecija ang daan na tinatahak niya. Wala siyang pakialam kailangan niyang lumayo, ayaw niyang makita si Zac, umiinit ang dugo niya rito. Uuwi siya sa bahay ng Lola niya.

Saglit na nag-text siya sa number ng Kuya niya upang hindi siya hanapin ng mga ito, pero sinabi rin niya na huwag sasabihin kay Zac na uuwi siya sa Lola nila. Nanay iyon ng Mommy niya, sinabi rin niya na hindi na matutuloy ang binabalak na kasal.

"What?! Are you sure? Baka naman kamag-anak lang niya ang nakita mo. Huwag kang padalos-dalos ng desisyon, Alessandra."

Parang nanenermon pa ang reply ng Kuya niya nang sabihin niya sa text kung ano ang dahilan at hindi na matutuloy ang kasal.

Mababaw ba siya?

Malakas ang kutob niya na babae iyon ni Zac at ayaw niyang makita ang lalaking iyon. Baka hindi niya alam kung ano ang magawa niya.

Padaskol na inihagis niya ang cellphone sa backseat ng sasakyan at saka pinaharurot ang kotse niya. Hindi na niya nireplayan ang Kuya niya.

Galit siya at nasasaktan. ’Yun lang ang tangi niyang nararamdaman sa mga oras na ito. Ayaw niya munang makita ang lalaking iyon, hindi niya rin alam kung bakit sobra-sobra ang inis niya. Naiirita siya at alam niya sa sarili niyang hindi naman siya ganoon dati.
Marahas siyang bumuga ng hangin. Kasalanan ni Zac kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon