"Could you help me find a sweet ripe mango? I need to buy right away," sabi ni Zac sa kabilang linya habang nakapamulsa. Galing siya sa palengke at wala siyang nahanap na mangga kaya nakabusangot ang mahal niyang nobya. Umaasa ito kanina pa na meron siyang dalang mangga pag-uwi pero wala talaga siyang nakita. Ginalugad na niya buong palengke pero hindi daw panahon nun ngayon.
"Ano? Nababaliw ka na ba Zac? Saang lupalop ka naman hahanap ng manggang hinog ngayon eh hindi naman panahon nun!" bulalas ni Lucard sa kabilang linya.
"Babayaran kita kahit milyon pa, basta hanapan mo lang ako ’non!" panunubok niya rito.
"T-teka hahanap ako," mabilis na sagot nito sa kabilang linya. Tsk! Kahit kailan talaga ay mukhang pera ang kaibigan niyang iyon.
Nilingon niya si Alessandra na nakasimangot pa rin habang nanonood ng TV, bakas sa mukha nito ang matinding pagkadismaya. Nahahabag siya, ayaw niya itong nakikita na malungkot kaya kahit gaano pa kamahal ang manggang gusto nito ay pag-aaksayahan niya iyon ng pera maibigay lang iyon sa nobya.
"Baby, wag ka ng malungkot diyan. Nagpahanap na ko ng mangga," sabi niya upang mabawasan man lang ang pagkalukot ng mukha nito
"Kanino ka nagpahanap?" Lumingon ito sa kaniya habang ang isang unan ay yakap-yakap nito sa sofa.
"Kay Lucard," tipid niyang sagot, hindi naman ito kumibo at nanatili lang na nakahiga at kapagkuwan ay bumaling ng tingin sa TV.
Tinabihan niya si Alessandra at umunan naman ito sa kaniya pero naroon pa rin ang pananamlay nito.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at rumehistro ang pangalan ni Lord, mabilis niyang sinagot ’yun dahil isa din ito sa pinahanap niya ng mangga.
"How much will you pay me, my friend? Your damn ripe mangoes are in my hands," bungad agad nito sa kabilang linya.
Agad siyang natuwa sa narinig mula kay Lord kahit na lumalabas agad ang pagkamautak nito at mukhang peram
Kaparehas ng walanghiyang si Lucard."Marami kang nabili?" tanong niya at nakaramdam ng excitement dahil sa isiping mabibigay niya na ang gusto ni Alessandra.
"2 kilos na lang ang mayro’n dahil madalang na madalang ito ngayon. Papunta na ko diyan," anito at ibinaba ang linya.
"Baby, mayroon ng nahanap si Lord na mangga," masayang sabi niya kay Alessandra, maluwag naman ang ngiti nito dahil kanina pa sila nito nadidinig ni Lord na magkausap.
"Oo nga narinig ko. Mukhang kung saan-saan pa sila naghanap ’nun. Thank you baby, hindi lang pala si Lucard ang pinahanap mo." Niyakap siya nito habang tuwang-tuwa. Kitang-kita niya ang pagka-excite sa mga mata nito.
Wala pang ilang minuto ay tumunog ang doorbell kaya naman dali siyang nagtungo sa labas at naroon na nga si Lord bitbit ang supot ng mangga na pinahanap niya.
"Baka gusto mo muna akong papasukin," reklamo nito dahil tirik ang araw sa labas. Niluwagan niya ang gate at sumunod na ito sa kaniya papasok sa loob, agad niyang kinuha ang supot ng mangga sa kamay nito at dinala iyon kay Alessandra
"Baby, here's your ripe mangoes," sabi niya sa dalaga na agad kinuha ang supot.
"Thank you baby! God gusto ko ng tikman! Thank you Mr. Valdemor," nakangising sabi nito kay Lord.
"Huwag kang mag thank you, babayaran sakin ’yan ng mapapangasawa mo," tumatawang sabi ni Lord, ngumiti lang si Alessandra dito at hindi ito pinansin. Nagtungo ito sa kusina upang hiwain ang mangga.
"So magkano?" taas ang isang kilay na tanong niya kay Lord nang maiwan silang dalawa sa sofa.
"Alam mo ba kung saang sulok ng Pilipinas ko pa hinanap ang mangga mo? At alam mo ba kung gaano ako napagod diyan at kung ilang tao ang napagtanungan ko para lang—" Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol niya iyon. Itinapik niya sa dibdib nito ang cheke na nagkakahalaga ng 50,000.
"Dami mong satsat eh!" aniya.
Tiningnan nito ang cheke at kumamot sa buhok.
"Wengya! 50K lang?! Ang hirap-hirap kong hinanap ’yan!" reklamo nito habang kakamot-kamot sa ulo.
"Ayaw mo pa? Saan ka makakakita ng dalawang kilong mangga na 50 thousand ang halaga? Maidi-date mo na yung nobya mo niyan sa magandang restaurant," pang-alaska niya rito.
"Langya ka! Ano naman akala mo sakin cheap at ngayon lang maidadala si Irene sa mamahaling kainan? Bawiin ko kaya yung mangga sayo ’no?"
"Subukan mo at hindi ka na makakalabas ng buhay dito," banta niya na ikinatawa naman nito.
"Iba na talaga kapag magiging tatay na. Grabe siguro takot mo kay Alessandra kung hindi ako nakakita ng mangga na ’yan, tiyak na kawawa ka kung nagkataon." Humagalpak ito ng tawa dahil sa sinabi.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan at kniluwa niyon si Lucard, may dala-dala itong mga supot at gulat na gulat pa ito pagkakita kay Lord.
"What the hell? Anong ginagawa mo dito Valdemor? ’Wag mo sabihing inagawan mo pa ko ng kliyente?!" reklamo nito at masama ang tingin na ipinukol kay Lord.
"Sus! Late ka na, wag ka ng magreklamo," sagot ni Lord at ngumisi.
Lumapit ito at ibinaba ang mga plastic sa lamesa.
"Walanghiya! Sayang lang ang pagod ko." Naupo ito sa katapat na couch. Siya naman ay binuksan ang mga plastic na dala nito, halos mapamura siya pagkakita sa laman niyon. Walang manggang hinog. Ang laman ng plastic ay mga biscuit, sandamakmak na jelly ace, at cakes. And guess what? Mango flavor lahat.
"What the fuck Lucard? Ano ’tong mga dala mo?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
Kumamot ito sa batok at ngumisi.
"Ah hehe, wala kasi talaga akong makitang mangga kaya ’yan na lang total mango flavor naman lahat. Baka lang magustuhan din ni Alessandra sayang kasi yung isang milyon," anito, kulang na lang ay paulanan niya ito ng mura.
Isiniksik niya sa dibdib nito ang supot ng jelly ace.
"Fuck you! Kahit kailan ka talaga!" iritang sabi niya kay Lucard, si Lord ay kanina pa tawa ng tawa at nakahawak sa tiyan. Sobrang epic kasi talaga gumanap nitong si Lucard.
"HAHAHAHAHA! Tangina ka talaga Lucard, seryoso ka talaga diyan?" pang-aasar ni Lord.
"Ano nga, gago! Malay mo naman magustuhan ni Alessandra." Seryoso pa ang mukha ng gago.
Muling humagalpak ng tawa si Lord.
"Late ka na bro. Mayroon na akong nakuhang mangga. Ayun nga at binabanatan na ni Alessandra, ikaw na lang ang kumain niyang mga dala mo nang tumamis ka naman!"
Kotang kota si Lord sa pang-aalaska kay Lucard, naiiling na lang siya habang hinihimas ang sentido. Bakit ba siya nagkaroon ng mga ganitong kaibigan? Sumandal siya sa couch.
"Lakas din ng loob mong Panginoon ka eh ’no? Inagawan mo pa ’ko ng mapagkakakitaan eh ang yaman yaman mo na nga!" giit nito kay Lord, namumula na ang mukha ni Lord sa kakatawa.
"Eh kinontak din ako ni Zac so anong magagawa ko? Siyempre alam kong pera iyon, tatanggihan ko ba? Saka wala ka naman nabiling mangga. Iuwi mo na lang ’yang mga jelly ace na ’yan hahahaha!"
Wala pa rin itong humpay sa kakatawa kaya binato ito ni Lucard ng throw pillow. Ipinikit niya nang mariin ang mata, mauubos ang dugo niya kay Lucard, hindi niya alam kung paano niya ito naging bestfriend.
Ilang oras din na nanatili ang mga kaibigan niya bago nagpaalam ang mga ito sa kaniya, pupunta pa sila sa party ni Lara mamaya kaya maghahanda na raw ang mga ito. Si Alessandra ay nasa itaas na at hindi na ito lumabas kanina buhat noong makakain ito ng mangga. Sa tantiya niya ay nakatulog na ito roon. Gigisingin na lang niya ito mamaya para makapaghanda na rin sa pagpunta nila sa party.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...