Napadilat si Alessandra nang makapa na wala si Zac sa gilid niya, tumatama ang sinag ng araw mula sa nakaawang na kurtina ng silid, nag-inat siya nang mga kamay kasabay ng paghihikab. Bumangon siya at lumabas upang hanapin ang binata.
Mula sa labas ay matatanaw muli ang payapang dagat at ang mga cottage na naroroon. Mayroong isang mas malawak na bahay kubo at doon niya nakita si Zac na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa lamesa.
Mag-aalas otso pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ito, wala itong suot na pang itaas at naka-short lang. Abala ito sa ginagawa at paminsan-minsan ay lumalabas ng kubo upang tingnan ang iniihaw nito.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng kasiyahan. She's really in love with Zac Fuentabella, hindi niya akalain na mahuhulog ang puso niya sa lalaking ito. Sa lalaking akala niya ay masamang tao noong una, natatakot pa siya dito noon pero heto at palagi siyang pinagsisilbihan nito ngayon. Napakalambing nito sa kaniya at tumatalon ang puso niya sa mga panunuyo nito. Lalo na kahapon, nagseselos kasi siya sa nabanggit na babae ni Ashton, hindi niya alam pero basta bigla na lang sumama ang mood niya at inis na inis siya.
Naglakad siya patungo kay Zac, nakasuot siya ngayon ng maiksing short na floral at naka-spagetti lang siya ng damit, nakangiting sinalubong siya nito kaagad,
"You're awake," nakangiting sabi nito at kinintilan ng halik ang noo niya, pero sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.
"Baby, gusto mo bang makapatay na naman ako dahil sa suot mo? Mabuti na lang talaga at pinasara ko muna ito." Sumeryoso ang mukja nito, hindi niya masyadong narinig ang huling sinabi ni Zac.
"H-ha? Bakit anong masama sa suot ko?" tanong niya.
"Masyadong litaw ang balat mo." Hinila nito ang kamay niya at pinisil iyon.
"Pero Zac nasa dagat naman tayo."
"Yeah I know pero ayokong tinitingnan ka nila. Gusto ko ako lang ang nakakakita niyan."
Hinapit siya nito sa baywang, may mumunting kuryente na dumaloy sa katawan niya nang ilapit nito ang labi sa tenga niya.
"Z-zac..."
"Hmm?"
"Bitiwan mo na ako, masusunog na yung iniihaw mo," sambit niya.
Kaagad siyang binitawan ni Zac at nilingon nito yung iniihaw na isda, natawa siya kasi hindi pa naman talaga masusunog iyon. Gusto lang niyang pakawalan siya nito dahil pumipintig na naman ang nasa pagitan ng mga hita niya dahil sa ginagawa nito.
Pumasok siya sa bahay kubo at naupo sa upuang kawayan na naroon, tinanaw niya ang dagat. Wala ng tao. Kahapon ay mayroon pang magilan-ngilan eh. Bakit kaya ngayon eh wala na siyang makita?
"Zac bakit parang wala ng tao?" takhang tanong niya.
"Pinaalis ko na muna sila," walang emosyon na sabi nito.
"Bakit mo naman ginawa iyon? Ano ka ba naman, ang lungkot tuloy ng paligid," sabi niya na dahilan para lumapit ito sa tabi niya.
"Nalulungkot ka kahit kasama mo na ako?" Bumagsak ang balikat nito sa paningin niya, gusto niya tuloy tapikin ang bibig, nasaktan ba ito sa sinabi niya?
"H-hindi. Ang ibig kong sabihin, mas maganda sana kung may iba pang tao para naman hindi lang tayo ang nandito—"
"That's exactly what I want. Gusto kitang masolo."
Parang bigla siyang kinilabutan sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya, gusto raw siya nitong masolo. Nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Darn! Hindi siya dapat nagkakaganoon dahil lang sa simpleng salita nito, ganoon ba kalakas ang epekto nito sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...