CHAPTER 17

293 16 0
                                    

"Say ahh baby." Inilapit ni Zac ang doughnut sa bibig ni Alessandra pero hindi man lang siya nito pinapansin. Malayo ang tingin nito sa kawalan habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod. Kanina pa niya napapansin na tahimik ito simula noong umahon sila sa dagat. Nag-aalala tuloy siya.

"Ayaw ko niyan busog ako," tipid na sabi nito, hindi man lang ito lumingon sa kaniya at nanatiling nakatingin sa kawalan na parang batang paslit. Tinatangay ng hangin ang buhok nito na natuyo na.

Nagmamaktol tuloy ang puso niya dahil sa ikinikilos ng dalaga, wala naman siyang alam na may ginawa siya ditong hindi maganda. Ano kayang problema nito?

"Baby—"

"Gusto kong magpahinga. Inaantok ako," mabilis na sabi nito at tumayo sa kinauupuan.

Maang siyang napatingin sa dalaga, ang tabang ng pakikitungo nito sa kaniya at hindi niya nagugustuhan iyon.

Pumunta ito sa loob kaya sinundan niya ito, dala-dala niya pa rin yung box ng doughnut.

Dire-diretso lang itong pumasok sa isa sa mga kwartong nandoon na pinagbabaan niya ng mga gamit nila kanina.

Dumiretso ito sa banyo at narinig niya ang lagaslas ng tubig doon.

Naiinis na siya dahil sa hindi nito pamamansin sa kaniya, umaakyat ang dugo sa ulo niya at pinipigilan lang niya iyon. Ayaw niya na galit ito sa kaniya, hindi mapakali ang puso niya. Hindi sila dapat nag-aaway.

Tumayo siya at walang pahintulot na sinipa ang pintuan ng banyo, nanlalaki ang mga matang napatingin ito sa kanya at pagkatapos ay pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib nito para takpan iyon.

""Fuck! I'm going to go crazy if you don't tell me now what the problem is and why you're ignoring me," inis na sabi niya sa dalaga.

"A-anong ginagawa mo dito? Lumabas ka nga hindi mo ba nakikitang naliligo ako—"

"I dont care Alessandra. Kausapin mo naman ako, ano bang nagawa ko? Please ayokong nagagalit ka sakin!"

Wala talaga siyang matandaan na may ginawa siyang mali, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ito ngayon.

"Zac, lumabas ka muna hintayin mo akong makatapos saka tayo mag-usap," ramdam niya pa rin ang pagtatampo sa boses nito.

Shit! Ano ba talagang nagawa niya?

"No, hindi ako aalis dito."

Niyakap niya ito mula sa likuran at hinalikan ang gilid ng leeg nito.

"Sabihin mo sa akin kung anong nagawa ko," malambing na bulong niya sa dalaga, rinig niya ang mahinang pagsinghap nito dahil sa halik na ginagawa niya mula sa leeg nito.

Humarap ito sa kaniya at sandaling tinitigan siya sa mga mata.

"Sino si Lara?" diretsong tanong nito.

Ilang sandali siyang natigilan dahil sa tanong nito.

"B-bakit mo tinatanong?"

Fuck! Bakit ba siya nauutal?!

Napapaso siya sa galit na anyo nito ngayon habang hinihintay ang sagot niya.

"Bakit ayaw mong sagutin? May mahirap ba sa tanong ko? Ewan ko sayo diyan ka na nga!"

Iniwan siya nito sa loob ng banyo at madaling lumabas, itinapi nito ang twalya sa katawan at tumalikod.

Tumabi siya dito habang nakaupo ito sa kama at nakahalukipkip. Masama pa rin ang loob nito at ramdam na ramdam niya iyon.

Shit ka talaga Ashton! Huwag sana muli magtagpo ang landas nila at malilintikan ito sa kaniya.

"Alessandra—"

"At ngayon Alessandra na lang ang tawag mo sakin? Bakit? Girlfriend mo ba ang Lara na iyon?!"

Muntik na siyang tumalon dahil sa pasigaw nitong tanong sa kaniya, bakit ba parang sinapian ito bigla. Ganoon ba ito magselos? Malinaw sa kaniya na nagseselos ito ngayon. Pasimple siyang napangiti sa isiping iyon.

Hinampas-hampas siya nito ng unan dahil sa simpleng pagngiti niya na hindi pa rin nakaligtas sa matalas nitong mga mata.

"Uuwi na ako samin!"

Galit na galit ito kaya naman mabilis niya itong niyakap.

"Baby, wag ka naman ganyan. Wag mo naman akong iwan," pagsusumamo niya sa dalaga habang yakap-yakap ito mula sa likuran, nakatukod ang mukha niya sa balikat nito.

"Ex ko si Lara, at matagal na iyon. Wag ka ng magselos," bulong niya.

"Hindi ako nagseselos!" Umingos ito.

Gusto na naman niyang matawa, hindi daw ito nagseselos eh kitang-kita naman na nagpupuyos na ito sa galit dahil lang sa simpleng tanong nito kanina kung sino si Lara.

Pero pinigil niya iyon dahil baka malintikan lang siya lalo at tuluyan itong umalis ng resort niya.

"Wag ka ng magalit, she's just my ex, my past, at wala na iyon sa akin, ikaw ang mahal ko..." Inamoy-amoy niya ang leeg nito, ramdam niya na unti-unti na itong tumatahimik at hindi na sumasagot ng mga pabalang.

Naalala niya si Ashton. Humanda talaga ang walanghiyang iyon sa kaniya, ipapahamak pa siya nito. Pagdating kay Alessandra ay umuurong ang bayag niya. Matindi pala ito magalit.

"Nasaan na ’yung doughnut ko?"

Sa wakas ay napangiti siya dahil naghanap na ito ng pagkain, means hindi na siguro ito galit sa kaniya.

"Heto oh dala ko pa rin." Inabot niya iyon sa dalaga, tumingin na ito sa mga mata niya at kinuha ang box ng doughnut.

Hindi siya umalis sa tabi nito kahit pa kain lang ito ng kain, hindi na ito galit sa kaniya dahil nakakapag-usap na sila ulit ng kung ano-ano. Salamat naman. Muntik ng humiwalay ang puso niya kanina dahil sa mala-dragon nitong anyo.

"Baby?"

Bigla ulit siyang natigilan dahil sa malambing na boses nito.
Tama ba ang narinig niya? Tinawag siya nito sa endearment niya rito.

"Yes baby?"

"Kuha mo naman ako ng tubig please?" paglalambing nito, at siyempre hinding-hindi niya kayang tanggihan iyon.

"Sure, hintayin mo lang ako saglit." Mabilis siyang tumayo para kuhanan ito ng inumin.

"Thank you!" Ang lapad na ng ngiti nito sa kaniya at kinintilan pa siya nito ng halik bago siya lumabas ng silid.

Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang tubig at inabot niya iyon sa dalaga.

"Thank you ulit."

Matapos itong uminom ay hinila siya nito sa kama.

"Tulog tayo baby, napagod ako," sabi nito at mahigpit na yumakap sa gilid niya, napangiti siya at hinaplos ang buhok nito bago tumango.

"Sige, magpahinga muna tayo," aniya at niyakap rin ito bago ipinikit ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing magkatabi sila at magkalapat ang mga katawan nila. Mahal na mahal niya ito.

"I love you so much baby," bulong niya pero hindi na ito sumagot dahil panatag ng nakapikit ang mga mata nito.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon