CHAPTER 27

267 11 0
                                    

Minabuti ni Zac na pumunta sa grocery store upang bumili ng mga gagamitin niya sa pagluluto mamaya. Balak niyang magluto para maging goodshot kay Alessandra, nakausap niya ang lola nito kanina at sinabi nito kung saan ang palengke ng Zaragoza, halos kinse minutos ang itinakbo ng sasakyan para lang makarating doon.

Sa puregold na siya dumiretso at sinabay na rin niyang bumili ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan sa bahay ng lola nito, balak na niyang yayaing umuwi si Alessandra bukas.

Napangiti siya nang makita ang oreo na biscuit kaya dali dali niyang inilagay 'yon sa cart.
Bumili rin siya ng manok dahil adobo ang iluluto niya mamaya.

Matapos niyang mabili lahat ng dapat niyang bilhin ay nagbayad na siya sa cashier, medyo nabigatan pa siya sa mga napamili niya dahil napadami iyon, buti na lang at tinulungan siya ng isang tricycle driver na dalhin iyon sa sasakyan niya. Nagpasalamat naman siya rito.

Pagkarating niya sa bahay ng lola ni Alessandra ay gulat na gulat pa ito dahil ang dami niyang pinamili.

"Ang dami naman niyan hijo, pinakyaw mo na ata ang palengke," sabi nito sa kaniya.

"Ahm para sa inyo po ’yan Lola, para mayroon po kayong stock, bukas po ay uuwi na kami ni Alessandra, may trabaho na po kasi ako," sagot niya sa matanda.

Kailangan na nilang makauwi bukas dahil may importanteng tao pa siyang kakausapin.

"Ganoon ba? Hala ay napakadami naman, nag-abala ka pa, pero salamat ha."

Ngumiti lang siya rito "Wala ho ’yun."

Pumasok na sila sa loob at tatlong balik siya sa sasakyan niya para maipasok sa loob ng bahay ang mga pinamili niya, wala pa rin si Alessandra sa sala. Siguro ay hindi pa rin ito lumalabas buhat kanina.

Nanood na lang siya ng TV sandali dahil ayaw niyang lapitan ito muna, baka mamaya ay magalit na naman ito sa kanya, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa mahabang upuan habang nakabukas ang tv.


*****

Nag-unat muna si Alessandra bago bumangon sa kama, napahaba pala ang tulog niya. Pagtingin niya sa orasan ay ala-sais na ng hapon. Grabe naman ang naging tulog niya. Pakiramdam niya kasi ay antok na antok siya.

Bigla niyang naalala ang lalaking mokong na iyon, napasimangot siya.

Ano kayang ginawa nun maghapon?

Minabuti niyang lumabas na ng silid, at agad na sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy ng pagkain, amoy adobo.

Parang biglang kumalam ang tiyan niya kaya dali siyang naglakad sa kusina, naabutan niya si Zac na nakatalikod habang nagluluto. Topless ito at may nakasabit na apron sa leeg.

Ito pala ang naaamoy niya, ang bango ng niluluto nito.

Tumikhim siya kaya napalingon ito at nagulat pa sa kaniya, agad na sumilay ang ngiti sa labi nito pagkakita sa kaniya.

"Baby, gising ka na pala, gutom ka na ba?" Malambing ang boses nito habang nakatingin sa kaniya.

Walang emosyon na tumango lang siya sa binata.

"Tamang-tama luto na ’to. Kakain na tayo," sabi nito at hinango ang ulam na nasa kawali, bumalik siya sa sala upang tawagin ang lola niya at yayain itong kumain.

Naghain si Zac para sa kanila, nakadamit na rin ito nang maupo ito sa tabi niya, habang ang lola niya ay nagsalin na ng kanin sa pinggan.

"Marunong pala magluto ang mapapangasawa mo apo, tamang-tama hindi ka magugutom sa kaniya," sabi ng lola niya at humagikgik ito.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon