CHAPTER 02

563 18 1
                                    

Nanghihina na si Alessandra dahil kanina pa siya nagpupumiglas sa loob ng sasakyan, dagdag pa na nakainom siya kaya sumasakit na rin ang ulo niya. Hindi niya kilala kung sino ang walanghiyang lalaking ito na nagbitbit sa kaniya sa loob ng sasakyan. Mas lalong hindi rin niya alam kung saan sila pupunta.

"Ano bang kailangan mo sakin? Anong kasalanan ko sayo? Pakawalan mo ko. Hindi kita kilala!" galit na wika niya sa lalaki, madilim sa loob ng sasakyan kaya hindi niya pa rin ito makita ng malinaw

"Pasensiya na Miss, wala kang atraso sa akin pero sa boss ko meron!" sagot nito.

Atraso? Ano namang atraso ang sinasabi nito? Wala siyang natatandaan na mayroon siyang nakaaway para magkaroon siya ng atraso! Baka naman nagkakamali lang ito? Hindi siya pala-away na tao!

"Anong pinagsasasabi mo? Wala akong atraso sa kahit na sino! Baka nagkakamali ka lang! Pakawalan mo na ko, magsusumbong ako sa pulis!" pananakot niya sa lalaki kahit alam niyang malabo naman na makapagsumbong siya. Saka sa hilatsa pa lang ng lalaking ito halata naman na hindi ito maaapektuhan sa kung anomang sasabihin niya dahil na-kidnap na siya nito.

"Alam mo Miss kung ako sayo manahimik ka na lang. Ikaw yung pinapahanap sakin ni Boss. Ikaw si Alessandra Rivaz hindi ba?"

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ng lalaki. Kilala siya nito.
Paano siya nitong nakilala?

Hindi siya kumibo

"See? Ikaw nga 'iyon," saad nito.

"A-anong atraso ko sayo? Saka sinong boss ang sinasabi mo? Walanghiya ka pakawalan mo ko!" singhal niya sa lalaki at pinaghahampas ang braso nito habang titig na titig ito sa daan at nagmamaneho.

"Miss tumigil ka! Mababangga tayo, ano ba---aaaaahhhhh!"

Napapikit siya ng maramdaman ang malakas na impact, tila nawala ang malay niya at nagdilim ang paningin niya.

Nagising siya na nasa loob na siya ng isang madilim na kwarto, sobrang tahimik. Masakit pa rin ang bandang noo niya at sinalat niya iyon. May nakatapal sa noo niya.

Ano bang nangyayari?

Inilibot niya pa ang mga mata sa palibot ng malaking kwarto na iyon.

Nasaan siya?

Tumayo siya at tinangka niyang isindi ang ilaw sa loob niyon.

Tumambad sa kaniya ang halos puro kulay itim na mga gamit.

Ang inaapakan niya ay marmol, lahat ng nasa loob niyon ay kulay itim maging ang bedsheet. Pati ang cabinet na alam niyang mamahalin dahil sa ganda ng itsura niyon ay kulay itim rin. Madilim ang kulay ngunit alam niyang maganda ang kwarto at siguradong mayaman ang may-ari nito.

Nasaan nga ba siya?

Humakbang siya palabas ng silid, mahina niyang isinara ang pintuan.

Sa paglabas niya ng silid ay naglakad siya at tumambad naman sa kaniya ang kabuuan ng bahay.

Mali, mas tamang tawagin iyon na isang mansyon.

Napakurap siya at ipinalibot ang mga mata,

Napakaganda at napakalawak nito, ang disenyo ay halatang pinasadya pa at mukhang sa ibang bansa hinango ang pagkakagawa.

"So, how's your sleep young lady?"

Muntik na siyang mapatalon dahil sa tinig na  bigla na lang niyang narinig mula likuran niya, muntik na rin siyang madulas sa hagdanan at magtuloy-tuloy na gumulong sa ibaba dahil sa sobrang gulat, buti na lang at naalalayan siya ng lalaki,

"Tsk!" sabi nito habang sapo- sapo ang likod niya at kasalukuyang nakatitig sa mukha niya ngayon.

"S-sino ka?" maang na tanong niya sa lalaki.

Matangkad ito at sa sandaling natitigan niya ang mukha nito ay isa lang ang napansin niya, tila galit ito sa mundo dahil sa lalim ng guhit nito sa noo na akala mo ba'y pasan nito ang buong daigdig.

Umangat ang isang sulok ng labi nito, napansin niyang may hawak itong bote ng alak at nag-iinom.

"Hindi na mahalaga kung sino ako," malamig na wika nito. Muli itong tumitig sa kaniya, this time hindi niya malabanan ang tingin na ibinibigay nito lalo na ng hagurin nito ng tingin ang buong katawan niya, para siyang naestatwa.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bilang pag-alis ng kabang nararamdaman niya.

"Ahm a-anong kailangan mo sakin?" Halos habulin niya ang hininga ng sabihin iyon sa lalaki.

Muli ay humakbang ito palapit sa kaniya at nagulat siya ng ilapit nito ang mukha sa kaniya. Malapit na malapit at naamoy niya ang halimuyak ng alak na iniinom nito.

"Y-you..." sambit nito ngunit tila nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tinig na iyon, lalaking-lalaki ang dating ng boses nito.

"B-bakit? S-sino ka ba---"

"Malaki ang atraso sa akin ng ama mo!" bigla ay sabi nito na ikinagulat niya.

Paanong nadamay ang Daddy niya? Hindi niya nga kilala ang lalaking ito eh.

"Ano?" nagtatakang tanong niya. Gulong-gulo na siya simula pa lang nang may kumidnap sa kaniya. 

Nakita niya kung paano nito ikinuyom ang kamao, mas lalo siyang natakot dahil mas dumilim ang mukha nito ngayon kumpara kanina,

Parang bigla na lamang itong sinaniban at nagmistulang bulkan na anumang oras ay sasabog.

"Umalis ka na sa harap ko ngayon din!" galit na utos nito, may halong pagtitimpi iyon.

Nagtataka pa rin siya, ano bang nagawa niya? Sinio ba  talaga ang lalaking ito?

"Get out!!!" malakas na sigaw nito dahilan para matigagal siya at pumasok sa itinuturo nitong kwarto kung saan siya galing kanina,

Halos mayanig ang mundo niya dahil sa sigaw nito kanina na naghari sa loob ng bahay, kasunod niyon ay ang pagkabasag ng ilang mga gamit, rinig na rinig niya iyon habang nanginginig sa loob ng kwarto. Dali niyang ini-locked ang pintuan niyon.

Diyos ko! Ano bang nangyayari sa kaniya? Sino ba ang lalaking ito

Napatingala siya at mariin na pumikit, puno ng takot ang buo niyang pagkatao sa kamay ng lalaking ito.

Nasa kamay siya ng isang taong hindi naman niya kilala at wala siyang kaide-ideya man lang kung bakit siya nito kinuha.

Natatakot siya sa kung anong puwedeng gawin nito sa kaniya.

Napatakip siya ng tainga nang marinig na mas lumakas pa ang kalabog mula sa ibaba, mariin siyang napapikit at nagdasal na sana ay matapos na ito, na sana ay panaginip lamang kung ano ang nangyayari ngayon sa kaniya.

Halos dalawangpung minuto rin ang lumipas bago natapos ang ingay, nakahinga siya ng maluwag dahil natahimik na at wala na siyang naririnig na mga gamit na tila nababasag.

Tumingin siya sa relong nasa dingding, mag-aalas dose na ng madaling araw.

Nanginginig man ay muli siyang tumapak patungo sa kama, doon ay nahiga siya at pumikit, sana ay nananaginip lang siya. Sana pag gising niya kinabukasan ay normal na ang lahat. Nakagat niya ang ibabang labi kasabay ng isang taimtim na panalangin. Diyos ko tulungan niyo ako!

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon