CHAPTER 21

318 16 0
                                    

Mabilis na nakasundo ni Alessandra ang mga nobya ng mga kaibigan ni Zac. Kasalukuyan silang nag-gi-girls talk at napuno ng tawanan ang kubo kung saan sila naroroon. Ang mga boys ay umiinom pa rin at panay ang tingin niya kay Zac, sinesenyasan niya ito kung okay lang ba ito at tumango lang ito sa kaniya saka nag-good sign.

Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon kaya naisipan nilang maglaro ng truth or dare. Si Keesha ang nagpasimuno niyon. May san mig light din silang iniinom na ibinigay ni Lucard sa kanila kanina.

Pinaikot ni Keesha ang bote ng sanmig light na wala ng laman, at tumapat iyon kay Natalia.

"Truth or dare?" tanong ni Keesha.

"Truth," nakangiting sagot ni Natalia, tumikhim muna si Keesha bago nagtanong.

"Si Sebastian ba ang naka-virgin sayo?" walang prenong tanong nito, wala namang reaksyon si Natalia at nakangisi pang tumango kay Keesha. Siya ang nahiya sa tanong na iyon ni Keesha pero siguro dahil may asawa na ito kaya wala na itong hiya sa mga bagay na iyon, besides sila-sila lang naman ang nandoon sa kubo.

"Swerte naman ni Sebastian," sabi ni Keesha at muling ipinaikot ang bote, tumapat iyon sa sarili nito, natawa si Irene.

"So paano ’yan? Kami naman ang magtatanong sayo. Truth or dare?" tanong ni Irene.

"Hmm dare," nakangising sabi nito.

Dahil balak yata lasingin ni Irene si Keesha kumuha ito ng isang basong alak ng brandy, inutos nito na ubusin iyon ni Keesha at mabilis naman nitong tinungga ang baso.

"So easy," pagmamayabang pa nito matapos maubos ang laman ng baso.

Itinuloy nila ang paglalaro, hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya lalo na nang ipaikot muli ang bote at tumapat iyon sa kaniya.

"Oh Alessandra! Ikaw naman ngayon." Humalakhak si Keesha at tinanong siya kung truth or dare. Saglit na nag-isip siya bago sinagot iyon.

"Hmm dare na lang," sagot niya.

Tumango-tango naman si Keesha at waring nag-isip ng ipapagawa sa kaniya, maya-maya ay kumislap ang mga mata nito at tumingin kay Zac. Kinabahan siya, parang gusto niyang bawiin ang isinagot niya na dare at palitan na lang iyon ng truth. Pero huli na.

"Lapitan mo si Zac at halikan mo siya sa labi, kailangan dalawang minuto."

Napaawang ang labi niya.

"Seryoso ka ba diyan?" nag-aalangan niyang tanong, nakangisi naman itong tumango.

Naiisip pa lang niya ay pinamumulahanan na siya agad ng mukha, pero kailangan niyang gawin ang katuwaan nilang iyon. Ngayon lang sila nagkaharap-harap at ayaw niyang masabihan na KJ.

Tiningnan siya si Zac at nakahiga ito sa buhanginan habang tumatawa at kausap ang tatlo pa nitong kaibigan.

"Sa harap nila?" kagat-labing tanong niya kay Keesha. Tumango naman ito.

"Go Alessandra!" nakangising sabi ni Irene at Natalia.

Namalayan na lang niya ang sariling nakayapak at naglalakad patungo sa puwesto nila Zac.

Parang nangangatog ang mga tuhod niya pero hindi na siya umatras, tinatanaw lang siya nila Keesha at tuwang-tuwa ang mga ito.

"Hey pretty, need something?" tanong ni Lucard nang makalapit siya sa mga ito.

Ngumiti lang siya at pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Zac, mabilis naman itong bumangon at bago pa ito magtanong kung bakit siya nandoon ay wala na itong nagawa, mabilis na niyang naangkin ang labi nito at narinig niya ang pag-"OH" ng mga kaibigan nito sa gilid niya.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon