Kanina pa pinagmamasdan ni Zac ang nobya habang nakaupo ito at nanonood sila ng TV sa sala, bigla-bigla na lang itong nagagalit sa maliliit na bagay, tulad kanina hindi niya lang ito narinig nang ipaabot nito sa kaniya ang remote ay nakabusangot na agad ito, nagtataka tuloy siya, hindi kaya may dalaw ito ngayon?
Nakalayo ito sa kaniya ngayon at magkahiwalay pa sila ng upuan pero magkatapat lang naman sila. Siya ay nakaupo sa pang isahang upuan lang habang si Alessandra ay nasa tapat niya. Mahaba ang kahoy na kinauupuan nito habang nakataas ang dalawang mga paa at nakatitig sa TV.
Maya-maya ay tumingin ito sa kaniya.
"Nagugutom ako," reklamo nito habang nakanguso.
Konti na lang talaga mapapaisip na siya kung namamatanda ba ang mapapangasawa niya.
"What do you want to eat?" tanong niya.
"Gusto ko lang ng biscuit," sabi nito.
"B-biscuit? Akala ko ba nagugutom ka? Bakit biscuit lang? Ayaw mo ba ng pizza, burger, or cake? Oorder ako, o kaya puwede naman akong mag-drive—"
"Biscuit lang ang gusto ko," putol nito sa sinasabi niya na para bang batang nagmamaktol at inip na inip, napatango na lang siya habang nagtataka pa rin.
"O-okay hahanap ako sa tindahan," sagot niya.
May natanaw siyang sari-sari store kanina palabas ng bukid, kahit mainit ay naglakad na lang siya. Punong-puno pa rin ng pagtataka at katanungan ang isip niya habang naglalakad.
Pagkabalik niya kay Alessandra ay nakahiga na ito sa upuan ngunit nanonood pa rin ng TV.
Hawak-hawak niya ang limang supot ng biscuit na iba-iba ang laman. Hindi kasi niya alam kung anong biscuit ang gusto nito.
"Baby nakabili na ako ng biscuit mo," sabi niya sa dalaga na agad naman bumangon at tumingin sa mga binili niya.
"Bakit ang dami naman niyan?" anito habang papalit-palit ng tingin sa mga supot at kapagkuwan ay inisa-isa ang laman niyon at namili.
"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo eh." Napakamot siya sa batok.
"Okay na ’yan, ito ang gusto ko." Kinuha nito ang oreo at binuksan iyon, naupo siya sa tabi nito pero pinaalis siya nito at sinabing doon siya sa kabilang upuan maupo.
"Doon ka sa kabilang upuan puwede? Gusto ko kasi mahiga saka iniinit pa ako," reklamo nito.
Halos mapamura siya dahil sa ikinikilos nito pero kinimkim niya na lang. Bakit ayaw siya nitong patabihin? Naiinis na talaga siya.
Napabuga na lang siya ng marahas at pinanood ito habang kumakain ng biscuit, napataas ang isang kilay niya nang ipakita nito sa kaniya yung biscuit na hawak nito.
"What?" naguguluhang tanong niya.
"Ayaw ko ng palaman nito, sayo na lang." Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"H-ha?"
"Sabi ko ayoko nito, ikaw kumain. Alisin mo yung palaman biscuit lang yung sakin," sagot nito at nagsisimula na namang kumunot ang noo.
Fuck! Seryoso ba ito? Ipapakain nito sa kaniya ang palaman ng biscuit?
"Baby babe, itapon mo na lang kaya?" sabi niya.
Hindi kasi siya masyadong mahilig sa matatamis.
Agad na nalukot ang mukha nito at kulang na lang ay mapalundag siya sa kinauupuan niya nang magsimula itong tumayo.
"Bakit ayaw mo? Ayaw mo ng galing sakin? Nandidiri ka?"
"B-baby naman, hindi ako nandidiri sayo. Ano bang nangyayari sayo—"
"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!"
Agad itong nagmartsa paalis at iniwan siyang nakanganga.
Ganoon lang nagalit na agad ito?
Sinundan niya na lang ito ng tingin nang pumasok ito sa isang kwarto at kumalambog ang pintuan niyon.
Shit!
Tiningnan niya ang mga biscuit na binuksan nito kanina at naiiling na kinuha iyon.
Sinimulan niyang tanggalin ang mga palaman niyon, buti na lang madaling natatanggal at walang naiiwan sa biscuit.
Naiiling na kinain niya yung mga natanggal niyang palaman at maya-maya ay tumunog ang cellphone niya, si Lucard ang nasa kabilang linya.
"What?" iritadong sagot niya sa kabilang linya habang nginunguya yung palaman sa bibig niya.
"Hey man! Kamusta? Kakauwi lang namin, the best talaga sa resort mo, sobrang relaxing. Anyway, pupunta ako bukas sa bahay mo, may pag-uusapan tayo," anito.
"About what?" tanong niya.
"Hindi mo ba alam? Umuwi na si Lara at ikakasal na siya, iniimbita nga niya tayo."
"I know," tipid niyang sabi sa kaibigan habang iiling-iling.
Akala siguro nito ay hindi niya pa alam na nakauwi na si Lara at iniimbita sila nito.
"Ha alam mo na?" takhang tanong nito.
"Yeah." Tumango-tango lang siya.
"Putcha! Ano ba nangyayari sayo at parang lutang ka diyan?" puna nito sa kaniya, napansin yata nito ang pananamlay niya.
Napabuntong-hininga naman siya.
"Can I ask you something?" bigla ay tanong niya sa kaibigan.
"Anything my friend. What is it?"
"Moody ba talaga ang mga babae?" seryosong tanong niya sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Lucard.
"Nag-away kayo ni Alessandra no? Hahaha!"
Napahimas siya sa sariling noo.
"Fuck you! Just answer my goddamn question!" iritang sabi niya.
Muli itong tumawa.
"Come on Zac! Normal lang ’yun!"
"Paanong normal? Napakasungit niya ngayon." Parang batang nagmamaktol siya sa kaibigan habang hinihilamos ang palad sa mukha.
"Eh, baka naman mayroon lang siyang— you know."
Na-gets niya agad ang sinasabi ng kaibigan, napailing na lang siya at pinatayan ito ng tawag. Posible nga siguro na may dalaw ito ngayon kaya grabe magsungit sa kaniya.
Tumayo siya at pumasok sa silid na pinasukan ni Alessandra kanina, mabuti naman at hindi nito ini-locked iyon.
Dala-dala niya yung biscuit na tinanggalan niya ng palaman kanina.
Fuck, mukha siyang gago na may dala-dalang mga biscuit.
Nakatalikod si Alessandra habang nakahiga sa maliit na papag na may kutson, tinawag niya ito.
"Baby?"
Hindi ito lumilingon at hindi man lang sumagot sa kaniya, nanatili lang itong nakatalikod.
"Baby, sorry na wag ka ng magtampo. Sinunod ko na yung sinabi mo, wala ng palaman ’to oh kinain ko na." Inilapag niya ang biscuit sa maliit na mesang nasa gilid, dahan-dahan siyang tumabi dito at niyakap ito.
"Sorry na..." bulong niya pero inalis nito ang mga kamay niyang nakapalupot sa baywang nito.
"Lumayo ka sa akin please!" iritang sabi nito.
Napapasong tumayo siya sa pagkakahiga.
Naiinis na siya pero ayaw niyang ipahalata iyon dahil baka lalo lang itong magalit sa kaniya.
"Sige na iiwanan muna kita. Magpahinga ka muna," sabi niya at tumalikod, lumabas muna siya ng silid at hinayaan ito. Nagpahangin muna siya sa labas ng bahay para kalmahin ang sarili.
Hindi na talaga siya natutuwa sa mga nangyayari, kaninang umaga ay okay naman sila ni Alessandra, tapos bigla-bigla na lang itong nagkakaganoon. Pero wala siyang magagawa, kailangan niya itong intindihin, dahil ang totoo nakakahiya man aminin, takot siya pagdating dito at hindi umuubra ang sungay niya lalo na sa mga tingin pa lang nito. Ayaw niyang nagagalit ito sa kaniya, ganoon niya ito kamahal.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...