Kanina pa nakatayo si Zac habang hinihintay si Alessandra, mabuti na lang at nakapamili na sila kanina ng isusuot nito para sa party.
Tiningnan niya ang relong suot, mag-aala-siyete na ng gabi.
Papanhik na sana siya sa hagdan upang puntahan si Alessandra pero saktong pababa na din pala ito.
Awtomatikong napako ang tingin niya rito habang pababa ito ng hagdanan.
Damn! Why is she so beautiful? She looks like a goddess in his eyes, and he can't take his gaze off her, almost melting her with his stare.
"Do I look okay?" bigla ay tanong nito matapos makababa sa hagdan, hindi agad siya nakapagsalita at kapagkuwa'y bahagyang kumurap.
"You're perfect..." Halos maubusan siya ng hininga pagkabigkas niyon. Agad naman itong ngumiti.
"Talaga?" paniniguro nito at hinawakan ang pisngi niya.
"Ang gwapo mo rin," anito sa kaniya habang tinitingnan ang buong mukha niya.
Napabuntong-hininga siya dahil nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya, siguro kung hindi lang sila aalis ngayon ay malamang na inangkin na niya ito agad.
Hinapit niya ito sa bewang at dinampian ng halik ang labi nito.
"I can't believe how I f*cking deserve this," he whispered, his eyes still full of admiration for her.
Alessandra wore an elegant dark green dress that reached her knees, its style revealing the smooth skin of her back. Her hair was partially up, with a few strands framing her face. The simple makeup complemented her features perfectly, enhancing her allure in his eyes without looking heavy.
"Shall we go?" sa wakas ay nakabawing sabi niya rito, tumango naman ito sa kaniya at kumapit sa braso niya.
Sakay ng itim na Mercedez benz ay pinuntahan nila ang venue ng party ni Lara, wala pang kalahating oras ay narating na nila iyon. Agad niyang inalalayan si Alessandra matapos itong makababa sa loob ng sasakyan.
"Kinakabahan ako Zac," bulong nito sa gilid niya habang tinitingala ang malaking mansyon kung saan ay marami na ring bisita.
"Relax baby, I'm here," pagpapakalma niya rito at nginitian ito. Hindi naman ito sumagot kaya tinungo na nila ang loob ng mansyon.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Alessandra sa braso niya kaya ramdam niyang hindi ito komportable.
"Just relax okay? Don't mind them. Nagagandahan lang sila sayo," aniya upang pawiin ang kabang nararamdaman nito, pinilit nitong tumango sa kaniya.
Nakita niya agad sila Lord at ang nobya nitong si Irene, kinawayan sila nito kaya lumapit sila sa puwesto ng mga ito, may hawak na baso ng alak si Irene at si Lord naman ay abot lang ang sulyap sa mga taong nasa loob.
"Where's Lucard?" tanong niya kay Lord, hindi pa niya nakikita ang mokong na iyon.
"Hi Alessandra, nice to see you again, mabuti naman at sumama ka kay Zac," nakangiting bati ni Irene kay Alessandra, kahit papaano ay nagpapasalamat siya na naroon ito dahil makakabawas iyon sa kabang nararamdaman ng nobya niya, nakita niyang ngumiti si Alessandra.
"Yes, hindi naman kasi ’yan papayag na hindi ako kasama," sagot nito kay Irene.
Kumuha siya ng isang baso ng alak sa lalaking lumapit at nag-alok sa kanila.
"Thanks," tipid na aniya sa lalaki bago ito umalis, si Alessandra ay kakuwentuhan na si Irene at bahagyang nakalayo ito sa kanila ni Lord.
"So kamusta ang future Daddy?" nakangising sabi sa kaniya ni Lord.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...