CHAPTER 03

541 18 1
                                    

Zac felt a surge of anger when he saw the child of the person he hated.

Even though two years had passed, the pain in his heart was still fresh.

Pinakidnap niya ang babaeng nasa bahay niya ngayon dahil ang ama nito ang dahilan kung bakit namatay ang Papa niya, pinatay ni Alexander Rivaz ang ama niya dahil tinangka nitong magnakaw. Mortal na magkaaway ang mga ito noon pa man dahil magkalaban ang mga ito sa negosyo.

Now, he owns and manages his own company, which has become one of the largest and most renowned in the global toy industry.

Tumunog ang cellphone niya at mabilis niyang inihagis iyon nang mabasa ang pangalang "Hanna".

"Fuck! Not now!" gigil na bulong niya sa sarili.

Si Hanna ang makulit niyang stalker na ipinakilala lang sa kaniya ng kaibigan niyang si Odus noon, simula noon ay lagi na itong nakasunod sa kaniya at ayaw siyang pakawalan. Kung saan-saan nito nakukuha ang number niya kahit pilit na niyang itinatago iyon.

Wala siyang interes sa babaeng ito, halos anim na taon na nga siyang walang sex life, for God's sake! Hindi naman sa pagmamayabang sa edad na dalawampu't walo hindi na mabilang ang mga babaeng umaaligid sa kaniya at nagbibigay ng motibo. Why not? He's a popular man, a billionaire, known by almost everyone in high society. Yet, he has no interest in any woman.

Tila namatay na nga ang isang bahaging iyon ng buhay niya. Hindi na siya nakakaramdam ng tawag ng laman kahit landiin pa siya ng mga ito o kahit maghubad pa ang mga ito sa harap niya.

Masyado siyang nag-focus sa pagpapayaman dahil para sa kaniya, kapangyarihan ang pera. Lahat puwede mong mapasunod at kahit sino ay kaya mong bilhin.

Nakalimutan na niya ang sarili, lagi tuloy siyang tinutukso ng mga kaibigan at sinasabing bakla siya. Masyado raw siyang pihikan. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito dahil alam niyang pang-aasar lang ang lahat ng iyon.

Lumakad siya patungo sa refrigerator at muling kumuha ng alak, pabagsak na naupo siya sa couch at nilaro-laro ang bote niyon sa kamay niya.

Ngayong nasa kamay na niya ang anak ni Alexander, makakapaghiganti na siya.

Sisiguraduhin niya na mararamdaman nito ang lahat ng sakit na pinaramdam nito sa kanya noong mamatay ang ama niya.

*****

Tumatama ang sinag ng araw mula sa nakaawang na kurtina ng kwartong kinalalagyan ni Alessandra, bumangon siya at tumingin sa kawalan. Ilang saglit siyang nag-isip at kapagkuwan ay napahilamos sa sariling mukha.

Hindi isang panaginip lang ang lahat. Totoong na-kidnap siya at nasa poder siya ngayon ng taong hindi niya kilala. Parang gusto niyang kainin na lang siya ng lupa.

Anong gagawin niya ngayon?

Nakaramdam siya ng takot nang maalala niya yung nangyari kagabi, ang lalaking iyon. Ang masamang lalaking iyon!

Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto at tumambad sa kaniya ang lalaking kinatatakutan niya kagabi.

Katulad kagabi ay madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha nito, napayakap siya sa sariling katawan nang makita niya kung paano siya nito tingnan, pakiramdam niya'y hinuhubaran siya nito ng tingin.

Napaatras siya nang lumapit ito sa kaniya at hablutin ang kamay niya.

"Nervous?" mapanganib na tanong nito sa kanya at kapagkuwan ay bumaba ang tingin mula sa dibdib niya.

Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit, nakasuot pa naman siya ng fit na dress na nagbigay ng magandang hubog sa katawan niya, lalong-lalo na ng magandang view sa gawing dibdib niya. Litaw na litaw ang cleavage niya.

Kinilabutan siya nang maramdaman ang paghagod nito sa likuran niya. Ramdam na ramdam niya ang gaspang ng palad nito. Lalaking-lalaki ang dating.

Buong pwersang itinulak niya ito at sinampal sa mukha.

"Bastos!" sigaw niya sa lalaki.

Napahawak lang ito sa sariling pisngi at nakangiting tumitig sa mga mata niya.

Mas lalo siyang kinabahan nang mas lumapit pa ito sa kaniya. This time magkadikit na ang katawan nila dahil sa mabilis nitong paghapit sa katawan niya. Nanginginig na siya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa kaba.

"B-bitawan mo ako!" sambit niya ngunit tila wala naman itong narinig.

Pinaglandas nito ang daliri sa noo niya at bumaba iyon sa ilong niya hanggang sa labi.

Ano bang ginagawa nito sa kanya?

"Sabi ng bitawan mo ako!" muli ay sigaw niya sa lalaki at buong pwersang itinulak ito ngunit hindi siya makawala rito.

"What if I don't want to? You smell so good." He stared intently at her, and she could feel his warm breath on her neck, making her close her eyes.

Nakaramdam siya ng tila kuryenteng dumaloy mula sa katawan niya. Damn! What's happening to her?

"A-ano bang kasalanan ko sayo? Si Daddy anong kasalanan niya sayo?" buong tapang niyang tanong sa lalaki, kita niya ang masamang tingin nito sa kawalan ng banggitin niya ang salitang Daddy.

"You don't know anything," sambit nito.

"Kaya nga gusto kong malaman! Sabihin mo sakin, anong kasalanan namin sayo?!"

Marahas itong tumalikod na tila ba na frustrate ito dahil sa sigaw niya.

"Shut the fuck up!" balik na sigaw nito sa kaniya.

"No! Hindi ako matatahimik dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong ginawa sayo ng Da——"

"Your father killed my father!" putol nito sa sigaw niya.

Halos magunaw ang mundo niya dahil sa isinagot ng lalaki.

A-ano?

Hindi...

Hindi magagawa iyon ng Daddy niya.

"Hindi totoo ’yan!" pagtatanggol niya sa ama dahilan para hablutin siya nito at isalya sa kama.

Sinakal siya nito sa leeg at halos mawalan na siya ng hininga.

"B-bitawan mo ako, h-hindi a-ako m-makahinga!" hirap na hirap niyang sabi.

"You don't know anything, do you? You have no idea how despicable your father is!"
Nanlilisik ang mga mata nito habang pigil pigil niya ang kamay nito na nananatiling nasa leeg niya.

"Hindi ’yan magagawa ng Daddy ko!" Pilit pa rin niyang pinagtatanggol ang ama.

Binitawan siya nito kaya hinaplos niya ang sariling leeg habang habol ang hininga.

Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya, ngunit mas lalo siyang nagimbal nang makita kung ano ang kinuha nito sa loob ng cabinet.

Tali.

Bitbit nito ang tali na lumapit sa kaniya, wala siyang nagawa nang sapilitan nitong itinali ang mga kamay niya, wala siyang pwersa. Mas malakas ito sa kaniya, kusang kumawala ang mga luha sa mga mata niya dahil sa samut saring emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

"Your father, he's a piece of shit! Ikaw ang magiging kabayaran sa kasalanang ginawa niya."

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon