Ala singko pa lang ng umaga ngunit gising na si Alessandra, halos hindi nga siya nakatulog kagabi matapos maganap ang pag-iisang katawan nila ng lalaking hindi niya kilala.
Ramdam niya ang kaunting kirot sa ibabang bahagi ng katawan, napakagat labi siya. Totoo ang lahat ng nangyari. Bumangon siya sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang banyo upang maglinis. Naaamoy niya pa sa katawan ang pabango ng lalaking iyon.
Napapikit siya, bakit parang ang sarap sa ilong niyon?
Ipinilig niya ang ulo
Kung ano-ano ang naiisip niya, hindi iyon tama. Masamang lalaki ang kasama niya ngayon, kailangan na niyang makaalis dito.
Mabilis lang siyang naglinis at pagkatapos ay dali siyang bumaba upang magtimpla ng kape, wala ang lalaki kaya mas magaan ang naging kilos niya.
Hawak-hawak niya ang tasa habang sinisipat muli ang kabuuan ng mansyon.
Napakaganda niyon.
Kumikinang ang marmol na sahig na siyang inaapakan niya. Ang mga naka-display ay puro halatang mamahalin dahil sa ganda.
Isang tao lang ba ang nakatira dito?
Sayang naman ang laki kung ganoon.
Naupo siya sa isang malaking sofa, saka lang niya napansin ang frame sa gilid nito. Nakapatong iyon sa table at naroon ang larawan ng lalaking may ari ng mansyon. Binasa niya ang maliit na pangalan na hindi mo masyadong mahahalata kung hindi mo tititigan ang larawan.
Zac Andrius Fuentabella.
Dalawang beses niyang binigkas ang pangalan na iyon saka sumimsim ng kape sa tasa.
So, Zac pala ang pangalan ng lalaking kasama niya ngayon sa bahay na ito, hindi niya maiwasang mag-isip. Mag isa lang ito sa buhay, ilang araw na rin siya sa poder nito ngunit wala man lang itong kasama sa bahay liban sa mga tauhan na nagbabantay sa labas ng mansyon.
Paano kung totoo ang sinasabi nito na pinatay ng Daddy niya ang ama nito? Hindi niya masisikmurang patawarin ang ama kung sakaling totoo iyon.
Diyos ko!Muli niyang ibinaling ang tingin sa larawan, mukhang bata pa ito sa picture, siguro ay teen-ager pa ito dito. Hindi maikakailang gwapo ito. Mukha itong may lahing mexican.
Tinangka niyang silipin ang labas ng mansyon ngunit napaatras din siya kaagad, nakapalibot ang mga lalaking armado na tila ano mang oras ay may susugod sa mga ito, hindi ito nagsinungaling sa kaniya, totoong hindi siya makakatas sa dami ng bantay na naroroon.
Anong gagawin niya? Wala siyang magawa at kung dalawang linggo pa siyang mananatili dito ay baka mabaliw na siya, mag-isa lang siya.
Oo hindi siya magugutom dahil alam naman niyang mayaman si Zac at napakarami nitong stock na pagkain, pero nakakabagot pa rin ang mag-isa.Binuksan na lamang niya ang TV saka nahiga sa mahabang sofa, kahit papano ay nawala ang pagkabagot niya, nalibang siya sa mga panoorin. Naalala niya ang ginagawang disenyo para sa bahay ng kaibigan ng Daddy niya, hindi niya tuloy alam kung paano iyon matatapos.
Babad ang mga mata niya sa panonood ng TV, hindi niya napansin ang isang bagay na nahigaan niya sa sofa.
Naramdaman lang niya na parang may matigas kaya bumangon siya para tingnan iyon, nakasuksok ito sa gilid ng sofa.
Cellphone
Nagtatakang kinuha niya iyon,
Naiwan ba ito ni Zac?
57% pa ang baterry nito, sinamantala niya ang pagkakataon upang tawagan ang isa sa mga kaibigan niya, bukod tanging si Nicole lang ang kabisado niya ang number. Maging ang mga kuya niya kasi ay hindi niya alam ang numero. Kung sana hindi itinago ng lalaking iyon ang cp niya, nasabihan niya sana ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...