CHAPTER 09

370 17 0
                                    

"Breakfast is ready."

Ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Zac ang bumungad kay Alessandra pagkababa niya sa hagdanan. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakikita niya o nananaginip lang siya, nagtataka siya dahil ibang Zac ang nakikita niya ngayon kumpara kagabi.

Anong nangyayari?

Nakita niyang nakahain sa mesa ang agahan, may bacon, itlog, sausage at sinangag. Meron ding nakatabing fresh milk sa gilid.

Kinakabahan siya pero pilit niyang pinawi iyon.

"N-nagluto ka?" napapantastikuhang tanong niya sa lalaki.

"Yep. Pasensiya ka na ’yan lang ang nakayanan ko." Humila ito ng upuan. "Maupo ka," sabi nito.

Nagtatakang nagpatianod siya kay Zac, naupo nga siya sa tabi nito.

Bakit parang ang bait nito ngayon? Anong meron? Kagabi lang ay takot na takot siya dahil sa mga nangyari pero ngayon heto siya sa tabi nito at pinaghanda pa siya nito ng pagkain.

Nagsimula na silang kumain at nanatili lang siyang tahimik habang pasimpleng sumusulyap sa mukha ni Zac, tahimik lang din ito at paminsan-minsan ay sumusulyap sa relong suot.

"May kailangan akong ayusin sa opisina mamaya. Hmm, gusto mong sumama?"

Gulat na nag-angat siya ng tingin sa lalaki.

"H-ha?"

"Sabi ko gusto mo bang sumama?"

"Hahayaan mo kong makalabas?" Hindi pa rin siya makapaniwala

"Basta wag ka lang tatakas." Nagkibit lang ito ng balikat.

Gusto niyang tanungin ang Diyos kung bakit ang bait nito ngayon sa kaniya, si Zac ba talaga 'tong kausap niya?

Wala sa sariling napatango siya sa lalaki.

"Good," sambit nito.

Matapos kumain ay nagpaalam siyang magbibihis muna para makasama kay Zac, hinintay naman siya nito sa ibaba.

Pinili niya ang bestidang kulay blue na kasama sa mga binili ni Zac para sa kaniya, may mga undies na rin doon. Napangisi siya. Tiningnan kaya ni Zac iyon? Bumili ito ng mga damit para sa kaniya, parang gustong matunaw ng puso niya.

Bumaba na siya at halos hindi maalis-alis ang tingin ni Zac habang bumababa siya ng hagdan, hinayaan lang niyang nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok. Hindi siya nag-make up dahil wala naman siyang make up na magagamit. Ganoon pa man, lumabas pa rin ang natural niyang ganda.

"L-lets go?" untag niya kay Zac nang makababa siya. Nakangiting tumango ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

May kakaibang pakiramdam sa puso niya ang paghawak nito sa kamay niya.

Paglabas nila ay tumambad sa kaniya ang mga tauhan nito na tinanguan lang ni Zac bago siya  pinasakay sa itim nitong Montero.

Kinse minutos lang ang biyahe at nakarating na sila sa opisina nito, gulat na gulat siya nang hapitin nito ang baywang niya habang naglalakad sila sa pasilyo, ang isang braso nito ay nakapulupot sa baywang niya, pinagtitinginan sila ng mga tao kaya nakaramdam siya ng hiya.

"Don't mind them," bulong sa kaniya ni Zac.

Ang lakas ng tibok ng puso niya, hindi man lang tinapunan ng tingin ni Zac ang mga taong nakatingin sa kanila, diretso lang itong naglalakad at taas noo habang nakahawak sa baywang niya. Bakit parang kinikiliti ang puso niya?

Pagkapasok nila sa loob ng opisina ay isang lalaki ang tumambad sa kanila, nakaupo ito sa swivel chair na pag-aari ni Zac.

"Hey!" bati ng lalaki at agad na natigilan nang makita siya, pinagmasdan muna siya nito, matangkad ito at magandang lalaki.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon