CHAPTER 24

312 13 1
                                    

May dala-dalang pumpon ng bulaklak si Zac habang papalabas ng opisina niya, diretso siyang naglalakad at hindi niya pinapansin ang mga empleyadong pinagtitinginan siya kanina pa, excited na kasi siyang pumunta kay Alessandra at binilhan pa niya ito ng bulaklak. Siyempre may kasama na ring chocolates.

Naiiling na lang din siya sa sarili, wala sa hinagap niya na gagawin niya ang mga bagay na iyon, pero para kay Alessandra handa niyang gawin ang lahat.

Mabilis niyang binuksan ang sasakyan pagkalabas ng building at pinaharurot agad iyon papunta sa bahay nila Alessandra.

Ngingiti-ngiti pa siya at dinadama ang music habang nagmamaneho, kasalukuyang tumutugtog doon ang LIKE ONLY A WOMAN CAN at tila patama sa kanjya ang bawat lyrics niyon.

Nang makarating siya kila Alessandra ay agad niyang binuksan ang gate dahil hindi naman iyon naka-lock, dala-dala niya ang pumpon ng pulang rosas at kumatok sa loob.

Agad namang binuksan iyon ng Mommy ni Alessandra.

"Magandang hapon po!" bati niya sa Mommy ni Alessandra, tumango lang ito at ngumiti.

"Pasok anak," anyaya nito sa kaniya sa loob.

Nilinga-linga niya agad ang paligid dahil sabik na niyang makita ang kanina pa hinahanap ng mga mata niya, pero hindi niya makita si Alessandra.

"Wala ang hinahanap mo hijo," sabi ng Mommy ni Alessandra, agad naman siyang nagtaka dahil sa tinuran nito.

"Ho? Ano hong ibig niyong sabihin?" takhang tanong niya, hindi niya alam pero bigla na lang kinabahan ang dibdib niya dahil sa sinabi nito.

Maya-maya ay lumabas si Alexus at nagulat pa ito nang makita siya, nagbibihis ito ng damit at agad na lumapit sa kaniya.

"Zac, magpaliwanag ka nga sakin ngayon at alam kong nabubuwang lang ang kapatid ko kaya umalis ’yon," bigla ay sabi ni Alexus sa kaniya, naguguluhan na talaga siya. Ano bang nangyayari?

"What do you mean? Umalis si Alessandra? Saan siya nagpunta?" Mas lalong nadagdagan ang kaba niya, umalis ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kaniya? Bakit?

Naupo si Alexus sa tapat niya at pinagsiklop nito ang dalawang palad habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Ang sabi ng kapatid ko ay hindi na raw matutuloy ang kasal ninyo. Nagpunta kasi siya kanina sa opisina mo at balak kang i-sorpresa kaya lang nakita ka raw niyang may kayakap na babae sa loob ng opisina mo," seryosong sabi ni Alexus.

Shit!

Biglang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa tinuran ni Alexus, malinaw na nakita sila ni Alessandra kanina habang nasa loob ng opisina niya si Lara.

"Totoo ba?" tanong ni Alexus sa kaniya.

Tumikhim muna siya bago sumagot.

"Oo totoo 'yon pero magkaibigan lang kami nung babaeng nakita niya kanina at naparoon lang iyon para ibigay itong invitation, she's getting married at iniimbita niya ako." Ipinakita niya kay Alexus ang invitation card at napabuntong-hininga ito.

"Tsk tsk! Sinasabi ko na nga ba missunderstanding lang ’to. Ang mga babae talaga ang bilis agad gumawa ng konklusyon sa isip," iiling-iling na sabi ni Alexus.

Hindi na mapakali ang isipan niya, siguradong galit na galit sa kaniya ang nobya at kung ano-ano na ang naiisip nito ngayon.

"Nasaan siya?" agad na tanong niya kay Alexus.

"Ayaw niyang ipasabi pero dahil alam kong totoo naman ’yang paliwanag mo, wala na kong pakialam kung magalit sakin ang kapatid ko, naroon siya sa Lola namin sa Nueva Ecija sa bayan ng Zaragosa, siguradong galit na galit ’yun sayo," pailing-iling na wika nito.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon