"Baby are you okay?" nag-aalalang nilingon ni Zac si Alessandra sa gilid niya, kanina niya pa napapansin na matamlay ito at walang kibo. Hindi na talaga niya maintindihan kung anong nangyayari sa nobya niya. Pauwi na sila ngayon ng Maynila at kasalukuyang nasa biyahe.
"Okay lang ako," malamlam ang mga matang sagot sa kaniya ng nobya, pinisil niya ang kamay nito.
"You sure?" paniniguro niya, tumango naman ito sa kaniya.
Pumayag ito na umuwi na sila ngayong araw dahil sinabi niya na may kailangan siyang asikasuhin sa trabaho, siguro ay dahil okay naman na sila at hindi na ito galit sa kaniya kaya mabilis itong pumayag.
"Baby?" tawag nito sa kaniya.
"Hmm?"
"Puwede ba tayo bumili ng tupig? Gusto ko ’nun oh!"
Inginuso nito sa kaniya ang hilera ng mga nagtitinda ng tupig sa daan, alam niya ang pagkaing iyon dahil minsan na sjyang dinalhan ni Lord no’n nang umuwi ito galing sa Pangasinan.
Inihinto niya agad ang sasakyan dahil sa paglalambing na iyon ni Alessandra.
Lumapad ang ngiti nito pagkatigil ng sasakyan, siya na lang ang bumaba upang bumili ng tupig.
Matapos siyang magbayad sa tindero ay inabot niya agad iyon kay Alessandra na excited siyang hinihintay sa loob ng sasakyan
"Ang dami mo naman binili," sabi nito habang binabalatan ang isang tupig.
"Anything for you, my babe," sagot niya at kumindat.
Binuhay niya ulit ang makina ng sasakyan at si Alessandra ay naging busy na sa pagkain ng tupig, paminsan-minsan ay sinusubuan siya nito at syempre hindi niya iyon pwedeng tanggihan, baka mamaya ay magbago na naman ang mood nito at magalit sa kaniya.
Nagulat siya ng inihilig nito ang ulo sa balikat niya at yumakap ito sa baywang niya.
"Busog na ako," bulong nito, napangiti siya at hinalikan ang buhok nito, parang bata itong naglalambing ngayon habang nakadikit sa kaniya, ang weird talaga nito ngayon pero natutuwa siya.
Maya-maya ay nadaanan naman nila ang hilera ng mga nagtitinda ng sweetcorn, itinuro nito iyon sa kaniya.
"Baby gusto ko din ’nun!"
Napakunot noo siya, "Akala ko ba busog ka na?" takhang tanong niya sa dalaga.
"Eh mamaya ko naman kakainin eh," sagot nito at mahinang niyugyog ang katawan niya.
"Okay sige bibili tayo," pagsuko niya kahit nag-aalala na siya dahil baka mamaya ay sumakit ang tiyan nito sa paghalo-halo ng mga kinain.
Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at bumili siya sa ale ng tatlong pirasong sweetcorn. Nakatuhog pa iyon sa stick at mukhang may margarine dahil nagmamantika iyon.
"Thanks, keep the change."
Isinara niya ang bintana kahit nakanganga pa sa kaniya ang ale na tila hindi makapaniwala, hindi niya alam kung magkano ang tatlong piraso ng sweetcorn pero isanglibo ang iniabot niya sa ale.
"Hmm ang bango," nakangiting sabi ni Alessandra habang inaamoy yung sweetcorn na pinabili nito.
"Oh hinay-hinay lang ha? Baka sumakit ang tiyan mo niyan," paalala niya at pinaandar muli ang sasakyan.
*****
Pagkarating nila ay sa bahay niya idiniretso si Alessandra.
"Miss my home," nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang kabuuan niyon na sobrang tahimik at walang katao-tao.
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...