CHAPTER 05

515 15 1
                                    

Wala na ang tali sa mga kamay niya nang magising si Alessandra, tumambad sa kaniya ang mga paper bags na nasa gilid ng kamang kinalalagyan niya.

Maang siyang napatingin sa lalaking nakatayo at nakatalikod ngayon sa kaniya, nasa tapat ito ng bintana at mukhang malalim ang iniisip sa kawalan.

Naramdaman siguro nito ang prisensya niya kaya ito bumaling ng tingin sa kaniya, sinalubong niya ang madilim na mukha nito. Sumulyap ito sa mga gamit na nasa tabi niya.

"That's all yours, go ahead and change," utos nito saka napapasong tumingin ulit sa kawalan.

Ang daming paper bags na nakalapag sa tabi niya, lahat talaga iyon ay para sa kaniya? Pero bakit?

"Gusto ko ng umuwi," mahinang sabi niya, hindi ito kumibo.

"Please, pakawalan mo na ako gusto ko ng umuwi sa amin!" pagmamakaawa niya pero hindi pa rin ito natinag.

"Sinong nagsabi sayo na makakauwi ka pa?" Salubong ang kilay nito at mataman na tumingin sa kaniya.

Napakasama nito, wala talaga itong balak pakawalan siya. Hindi niya kayang paniwalaan ang sinasabi nito na mamamatay tao ang ama niya, hindi iyon magagawa ng Daddy niya.

Ano bang plano nito sa kaniya? Ang ikulong siya at saktan?

"Ano bang puwede kong gawin para lang pakawalan mo na ako?" nanghihina na ang tinig niya.

Naglakad ito patungo sa kama kung saan siya nakaupo ngayon.

Nagawa niyang pagmasdan ang mukha nito.

Matangos ang ilong at moreno.

Magandang lalaki ito at aaminin niya iyon.

Wala ba itong asawa para hayaan ang lalaking ito na may ikinukulong na babae sa silid nito?

Sa tingin nga niya ay wala dahil malaki at magara man ang bahay nito ay malungkot naman iyon, wala man lang itong kasama.

Napaatras siya nang lumapat ang daliri nito sa labi niya na animoy sinusuri iyon.

Napapaso siya sa tingin na ibinibigay nito sa kaniya.

Mas inilapit pa nito ang mukha at bahagyang yumuko.

Nagbaba siya ng tingin at pumikit, buong akala niya ay dadampi ang labi nito sa labi niya ngunit nang magmulat siya ng mata ay nakalayo na ang mukha nito sa kaniya, tumaas ang isang sulok ng labi nito na tila nang-aasar.

 
Jeez! Bakit ba kasi siya pumikit? Nag-expect siya ng halik?

Kabaliwan iyon!

"Magpalit ka na ng damit at kumain sa ibaba," sambit nito saka tuluyan na siyang iniwan sa loob ng kwarto. Doon lang siya nakahinga ng maluwag nang mawala na ito sa paningin niya.

Ang lakas ng tibok ng puso niya, hindi niya alam kung bakit lagi siyang kinakabahan sa tuwing lalapit ito sa kaniya.

*****

Fuck!

Zac cursed under his breath, struggling to contain his emotions. He couldn't explain why he was so affected while watching the woman in his room.

May bahagi ng katawan niya ang nabubuhay sa tuwing nilalapitan niya ito.

It's been 5 years ngunit ngayon lang niya ulit naramdaman ang pakiramdam na iyon.

Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa sarili dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka kanina pa niya inaangkin ang dalagang iyon.

Tangina!

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon