Napasubsob si Zac sa leeg ni Alessandra habang hinahabol ang hininga, buong maghapon yata silang nagtalik ng dalaga. Nagpapahinga lang sila saglit at pagkatapos ay aangkinin na naman niya ulit ito.
Sinulit niya ang mga sandaling nasa bisig pa niya ito, naramdaman niya ang marahang paghagod nito sa buhok niya, napapikit siya. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasa kandungan ka ng babaeng mahal mo.
Oo, alam niyang mahal na niya ito. Hindi siya magsisinungaling dahil lolokohin lang niya ang sarili kung itatanggi niya pa.
"Zac okay ka lang ba?" Napansin yata nito na may iniisip siya, naging malalim kasi ang mga buntong-hininga niya.
Tumihaya siya at kapagkuwan ay niyakap ito, umunan naman ito sa dibdib niya at siya naman ngayon ang humahaplos sa mahaba nitong buhok.
"Iiwan mo rin ba ko?"
Nagulat ang dalaga dahil sa sinabi niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.
"Puwede bang mahalin mo ako? Pagod na ako sa buhay ko. Napapagod na ako. I don't want to be alone again..." malungkot na sabi niya.
Takot ang nararamdaman niya at kasama na rin ang pangamba, habang sinasabi iyon sa dalaga. Alam niyang iiwan na siya nito at uuwi na sa sariling pamilya. Gustuhin man niya itong pigilan ay ayaw naman niyang maging makasarili. Karapatan nitong malaman ang nangyayari sa ama nito.
Masama ang loob niya noon at punong-puno ng galit ang puso niya dahil sa nangyari sa Daddy niya, sino ba naman ang hindi? Pero sa mga oras na ito nag-aagaw buhay na rin ang lalaking dahilan kung bakit nawala ang ama niya. Dapat ay matuwa siya dahil hindi na siya pinahirapan ng tadhana, ngunit isang bahagi ng pagkatao niya ang hindi sang-ayon doon. Siguro ay dahil alam niyang masasaktan ang taong mahal niya kapag nawalan din ito ng mahal sa buhay.
Lumalambot ang puso niya dahil kay Alessandra. Naisantabi ang galit niya sa katawan at ngayon ay unti-unti na iyong napapawi. Nakakalimutan niyang masama ang loob niya. Nakakalimutan niyang galit siya sa mundo. Ngayon ay masaya siya kapag kasama ang dalaga, pakiramdam niya ay binuo nito ang wasak na niyang buhay noon dahil sa labis na kalungkutan.
Naramdaman niyang hinaplos nito ang pisngi niya, marahan nitong hinalikan ang labi niya, napapikit siya. Fuck! Mas lalo niya itong mami-miss!
Pinalalim nito ang halik at sandaling tinugon niya iyon, ngunit siya rin ang pumutol dahil kailangan na niyang sabihin dito ang tungkol sa mensaheng natanggap niya mula sa kapatid nito.
Nagtatakhang napatitig lang ito sa kaniya at sinundan siya ng tingin nang abutin niya ang cellphone sa ibabaw ng side table.
Inabot niya iyon dito.
"Ano ’to?"
Tiningnan ng dalaga ang screen kung saan nakalagay ang mensahe.
"I know it's Alexus," sambit niya.
Napaawang lang ang labi nito matapos basahin ang mensahe.
"My Dad—"
Tinakpan nito ang bibig at ayaw niyang makita ang nanggigilid na luha sa mga mata nito.
"I think kailangan mo na siyang puntahan, and you can go tomorrow morning."
Halos mapatid ang hininga niya nang sabihin iyon sa dalaga. Hahayaan na niya ito bukas.
"H-hindi mo ako pipigilan?" nagtatakhang tanong nito sa kaniya, naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito.
"No, that's your father. He needs you. I don't want you to feel the pain that the world made me feel before. You don't deserve it. You haven't done anything wrong. Wala kang kasalanan Alessandra."
BINABASA MO ANG
Heal My Wounds (Completed)
RomanceSi Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap siya nito upang paghigantihan. Ikinukulong siya nito sa isang mansyon at inalok na maging sex slave nito sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kalayaan niya. Pumayag siy...